Episode 05

2238 Words
Angelie's POV "Ingat kayo sa pag-uwi niyo," sambit ko kila Gab at Andrew na iba ang way pauwi. Kaming apat na lang ang natira sa harap ng main gate ng Makati University dahil na una ng umuwi si Cyrine. Sinundo na siya ng boyfriend na sinasabi niya sa akin. "Kayo rin. Ingat kayo hah!" tugon ni Gab at napatingin kay Ayen na nasa tabi ko at agad din napunta sa akin. "Ingatan mo 'yang kaibigan namin hah! Ikaw na bahala diyan." Napailing na lang ako kay Gab habang nakangiti dahil halatang may ibang meaning ang sinabi niya. Kung makatingin pa siya sa amin ni Ayen para bang may gagawin kaming masama. Eh diretso uwi naman na kami ni Ayen. "Huwag na kayo magpunta sa kung saan-saan hah," singit naman ni Andrew. "Baka mamaya niyan sa sogo pa kayo dumiretso—" "Tara na, Angelie. Puro kalokohan na lang ang maririnig mo diyan," seryosong saad ni Ayen at tumalikod na. "Sige, alis na kami," natataranta kong saad at tinalikuran na rin sila. Hinabol ko si Ayen na malayo na agad sa akin at agad kong hinawakan ang bag niya ng maabutan ko siya. Napatigil siya sa paglalakad at nagtatakang napalingon sa akin. "Oh bakit?" tanong niya. "Mag go-go na ang traffic light." Hinila ko siya palayo sa harapan ng pedestrian lane dahil nakakaharang kami sa ibang tao na tatawid na. Masyado pa naman mainit ang mga tao ngayon dahil sa sobrang taas ng init ng araw kaya gumilid kami kung saan hindi nakakaistorbo sa mga dumadaan. "Bibili muna tayo ng pagkain. Nagugutom ako e," pagdadahilan ko sa kanya at napahawak pa sa tiyan ko. Agad naman nagbago ang emosyon ng mga mata niya at nakita ko ang pag-aalala dito. Hinawakan niya ang siko ko at para kong napapaso sa palad niyang lumapat sa siko ko. Ang magaspang niyang palad na masarap sa pakiramdam... "Anong gusto mo? Masakit ba ang tiyan mo? Kumain ka naman kanina pero bakit gutom ka?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Bigla tuloy akong nakonsensya dahil hindi naman talaga ko nagugutom at gimik ko lang 'yun para sa gagawin ko ngayon. Patay na. Ano naman na gagawin ko nito? Mukha pa naman siyang alalang-alala sa akin dahil sa sinabi kong nagugutom ako at sa pag iinarte ko na may pahawak pa sa tiyan. Iang lang ang masasabi ko. Ang galing ko talagang umarte at halatang may pinagmahanan ako sa pag-arte ko. Kaya naman gustong-gusto ng daddy ko na ipasok ako sa pag-aartista dahil may future naman pala talaga ko do'n. "Aalis lang muna ko saglit, okay? Tawid ka na, sakto green na ang traffic light. Sa harap ng LRT Station na lang tayo magkita, Ayen." Sigurado kong hindi ko magagawa ng maayos ang plano ko kung isasama ko pa siya. Mabuting ako na lang ang mag-isa para hindi mapurnada. "Saan ka naman pupunta? Akala ko ba nagugutom ka? Bibilhan na nga kita ng pagkain e," saad niya na medyo na iirita pa. Teka nagagalit na ba siya sa akin nito? Pero hindi ko dapat isipin ang galit niya kasi may dapat pa kong unahin bago 'yun. Hindi ako bast-basta magpapadala na lang sa galit niya. Yeah! Tama. Hindi dapat ako magpadala sa galit niya. "Sige na, Ayen. Tawid ka na." Hinila ko siya papunta sa pedestrian lane at pinagtulakan. Wala na siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang pagtawid niya at napapalingon pa siya sa akin. Binigayan ko na lang siya ng thumbs up sa huling sulyap niya na nakita ko at tumakbo na agad ako papunta sa malapit na snack bar sa akin. "Ano po sa inyo?" tanong ng babae sa akin. Huminga muna ako ng malalim at basta na lang kinuha ang bottled water na naka display at ininom ito dahil sa hingal ko. Halos isang kanto rin ang tinakbo ko kaya hinggal na hinggal ako ngayon. Pagkatapos kong uminom ng tubig, huminga ko ng malalim at inilabas ang pera ko mula sa wallet ko. Naglabas ako ng isang libo at inabot agad 'yun kay ate na nagtitinda. "Bayad ko sa tubig na kinuha ko. Pabili na rin ako ng dalawang big fries na barbeque parehas ang flavor. Dalawang regular milk tea. Tapos tig dalawang order din ng kwek-kwek na big size," saad ko sa nagtitinda. Napatingala pa ko sa itaas kung saan makikita ang menu at naghanap pa ng pwede naming makain ni Ayen habang pauwi kami. Gusto ko siyang ilibre dahil na rin binayaran niya ang kinain ko kanina at siya pa ang nagbayad ng uber namin kahapon. Gusto ko rin iparamdam kay Ayen na hindi ako tulad ng ibang babae na umaasa na lang sa pera ng iba, sa libre ng iba. Gusto kong maging maayos ang tingin niya sa akin, hindi tulad ng tingin niya sa ibang mga babae diyan na nagugustuhan siya. Handa kong ipakita kay Ayen na ako ang tipo ng babae na hindi nanloloko at hindi pera ang habol sa kanya. Magandang intensyon lang ang gusto ko sa kanya at wala akong balak na huthutan lang siya. "Ano pa po, ma'am?" tanong niya habang inaayos ang iba kong order sa isang plastic bag. "Double quarted pounder na rin, dalawa. 'Yun lang." Baka mahirapan na naming hawakan 'yan at hindi kami makakain ng maayos habang pauwi kami. Sayang naman kung hindi namin makakain sa daan. "Okay po. Pahintay na lang saglit." Tumango ako. "Ito na rin po ang sukli niyo." Kinuha ko ang sukli ko at inilagay ko ito sa wallet ko. Ilang sandali lang at na ayos na lahat ng binili ko sa tigdalawang supot. Kinuha ko ang supot mula sa babae at mabilis na naglakad papunta sa pedestrian lane. Patawid pa lang ako ng natanaw ko na agad ang mukha ni Ayen na nag-aalala at may hawak pa siya sa kanang kamay niyang supot ng jolibee. Hindi na niya ko nahintay at sinalubong na niya ko sa gitna ng pedestrian lane. "Ang tagal mo naman, Angelie. Saan ka ba nagpunta? Binilhan na kita ng pagkain mo," aniya at kinuha sa magkabilang kamay ko ang supot. Nang tuluyan na kaming makatawid agad kaming huminto sa isang tabi. Iniangat niya ang supot na binili ko at napatingin naman ako sa supot na binili niya para sa akin. Puro big meal ng jolibee ang binili niya. Makakain ba 'yan sa byahe pauwi? "Ano 'tong binili mo?" "Ano 'tong binili mo?" Sabay na tanong namin sa isa't isa. Napatawa ako dahil sabay na sabay talaga kami pero siya ay seryoso lang. Parang ang babaw tuloy ng kaligayahan ko dahil natawa agad ako kahit na nagkasabay lang naman kami sa sinasabi naming dalawa. "Walang nakakatawa, Angelie. Dapat hindi ka na bumili ng pagkain dahil binilhan na kita. Kung sumama ka na sana sa akin kanina e 'di kumakain ka na sana ngayon at nakaupo sa jolibee." Napakamot naman ako ng ulo ko dahil mukhang iritado talaga siya sa akin. Ganyan ba siya mag-alala? Naiirita talaga? Sayang naman ang ginawa ko kung bibili rin pala siya ng pagkain para sa akin. Kaya ko nga siya pinauna dito para hindi siya gumastos pero gumastos pa rin pala siya. "Ah kasi Ayen..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo na hindi naman talaga sumasakit ang tiyan ko o huwag na lang dahil natatakot ako na baka magalit siya kasi umarte lang ako sa harap niya kanina. Baka kasi mamaya ninyan hindi na niya ko paniwalaan sa susunod kong sasabihin sa kanya. Hindi ko pa nga nakukuha ng buo ang pag giging malapit ko sa kanya tapos mukhang mababahirap pa 'to agad ng bad momment ko. Anong gagawin ko nito?! Kanina lang sabi ko sa sarili ko wala kong pake sa galit niya pero ngayon para kong tanga na nakatingin lang sa seryoso niyang mukha. "Ano ba 'yun, Angelie? Sabihin mo na." Para na siyang mauubusan ng pasensya sa akin. "H-Hindi ka naman magagalit sa akin 'di ba?" nag-aalin langan na tanong ko sa kanya. Mukhang mali pa yata ang ginawa ko. Kung kailan medyo nagiging malapit na kami ni Ayen tsaka naman malalagay sa bingit. "Sabihin mo na bago pa ko--" "Nagsinungaling ako na nagugutom ako dahil ang totoo niyan gusto lang kitang ilibre," mabilis na sagot ko sa kanya. Napayuko ako at napapikit na lamang. Paulit-ulit akong bumulong sa sarili ko na sana hindi siya magalit sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya. Alalang-alala pa naman siya tapos malalaman niya lang na nag-inarte ako? Ano na kaya ang reaksyon niya? Dahan-dahan ko itinaas ang ulo ko sa kanya at laking gulat ko ng makita siya na nakatayo pa rin sa harapan ko. Hindi pa rin siya umaalis kahit na nalaman niya ng nagsinungaling at nag inarte lang ako. Pero ang mas kinagulat ko at ang makita sa mga mata niya ang pagkabigla. Nabigla ba siya na nag inarte lang ako kanina kasi mukhang kapani paniwala talaga? Nagulat ba siya kasi akala niya hindi ko magagawang mag sinungaling? Mataas ba ang expectation niya sa akin dahil anak ako ng isang kilalang artista? "G-Galit ka na ba? A-Ayaw mo na ba k-kong kasabay dahil sa g-ginawa ko--" "No." Mas mabilis pa sa sakyang motor ang pagtibok ng puso ko. Mas lalo pang tumagaktak ang pawis sa noo ko hindi lang dahil sa taas ng sikat ng araw na tumatama sa akin kundi dahil na rin sa kanya. Miski ang palad ko ay pinagpapawisan na. "Nagulat lang ako dahil nakaya mong mag inarte para lang ilibre ako. Ikaw pa lang ang unang nanlilibre sa akin na kahit ang mga kaibigan ko ay hindi pa nagagawa..." Tipid akong ngumiti sa kanya dahil ako pala ang unang nanlibre sa kanya. Gusto ko tuloy mag tatalon sa tuwa pero hindi ko magawa kaya dinaan ko na lang sa tipid na ngiti. Kung wala lang tao sa paligid ko at hindi nakakahiya baka kanina pa ko naglupasay sa saya. Kinuha ko na sa kanya ang isang supot na binili ko sa snack bar. Tulala pa rin siya sa akin at mukhang hindi niya pa napansin ang ginawa kong pagkuha sa isang supot sa kanya. "Iyo ang isang supot niyan. Ganyan talaga ang na isip kong bilhin para makain natin habang nasa byahe tayo pauwi--" "Bakit mo 'to ginagawa, Angelie? Bakit umarte ka pa sa harapan ko para lang ilibre ako nito?" seryosong tanong niya. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata niya at tuwid na tuwid lang ang likod niya. "Nilibre mo ko ng pamasahe sa uber kahapon tapos binayaran mo ang kinain ko kanina. Ayaw mo kasing tanggapin ang bayad ko kaya nilibre na lang kita--" "'Yun lang ba?" sabat niya ng hindi na naman ako pinatatapos sa pagsasalita ko. "Narinig ko ang usapan niya kanina. Magaan ang loob nila sa'yo kaya nila nasabi ang tungkol sa akin." "Sorry, Ayen. Hindi ko naman sinasadya na alamin ang tungkol sa'yo. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman ipagkakalat ang tungkol sa naging nakaraan mo. Huwag mo rin sisihin ang mga kaibigan mo kasi ako ang nagtanong sa kanila. Gusto ko lang naman maramdaman mo na hindi lahat ng taong gustong mapalapit sa'yo ay pera lang habol sa'yo--" "Bakit mo 'yun ginawa, Ms. Dedales?" Para kong mamumutla sa sobrang diin ng pananalita niya. Kabang-kaba ko sa oras na 'to at mas lalo pang namawis ang palad ko. "G-Gusto ko lang naman alamin ang t-tungkol sa'yo. Gusto lang kitang makilala pa--" "Hindi 'yun." "Hah?" gulat na tanong ko sa kanya. "Bakit mo kong nagawang ilibre pagtapos mong malaman ang tungkol sa akin?" Holy! 'Yun pala ang tanong niya sa akin. Ano naman ang isasagot ko? Kasi gusto kong mag pa impress sa kanya? Syempre hindi 'yun ang isasagot. Tanga. "G-Gusto ko lang naman iparamdam sa'yo na hindi ako katulad ng ibang babae. Na hindi ako nandito na nakikipag close sa'yo para lang huthutan ka ng pera gaya ng ginawa sa'yo ng mga ex mo." Walang halong pag-arte at pag sisinungaling dahil 'yun talaga ang totoo. Simula pa lang gusto ko na talagang maging maayos at mataas ang tingin niya sa akin bilang isang babae gaya ng tingin ko sa kanya bilang isang lalaki. Iniisip pa nga lang niya apektadong-apektado na ako, paano pa kaya kung totoong tingin na niya sa akin? "Hindi mo naman na kailangan gawin ang bagay na 'yun. Kahit kailan naman hindi ko na isip na pera ang habol mo sa akin kaya ka lumalapit sa grupo namin. Hindi mo na rin kailangan magtanong sa kanila kung gusto mo kong kilalanin. Pwede mo naman kasi akong tanungin. Hindi pinagbabawal ang pagtatanong, Ms. Dedales. Aalin pa ang pagsasabay natin sa pagpasok at pag-uwi kung hindi mo naman magawang itanong sa akin ang gusto mong itanong?" "A-Ah gano'n ba. Salamat, Ayen." Kinabahan lang pala ko para sa wala. Akala ko naman galit na siya sa akin pero hindi pala. Akala ko pa nga lalayo na siya pero hindi pala. "Tara na. Sumakay na tayo habang kinakain 'yang nasa supot," natatawang sambit ko. Hindi ko mapigilan na mapatawa dahil sobrang intense kanina at parang gripo pa ang kamay ko dahil sa sobrang pagkabasa nito. "Next time doesn't be shy, Angelie, because it does not suit you. I like you being noisy rather than being shy to me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD