KABANATA 33 PAIN Tumulak na nga kami sa kabilang Bario kung saan ginanap ang thanks giving party noong nakaraang araw. Nakausap ko na rin ang may-ari nito at nagpaalam ako na kung pwede kong kunan ang ibang eksena ng photo shoot namin para sa Red Cosmetic. Paghinto pa lang ng pick-up truck kung saan lulan kami ay agad ko nang napansin ang pamilya nina Mang Eduardo. Katabi nito ang asawang si Poleng at ang mga anak na sina Nick at Samantha. Sa madaling salita ay buong pamilya n'ya ang naghihintay sa pagdating namin. "In fairness madam, ang ganda ng location na 'to," bulong sa'kin ni Romeo. Sinulyapan ko sa rearview mirror ang kasunod naming Wrangler jeep ni Tunner na sakay si Katarina. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago magpasyang buksan ang pinto at bumaba. Isa-isa na rin