KABANATA 32 BACKYARD Tila hindi ko manguya ang kinakain kong tanghalian kasabay ng aking buong team. Kasabay din namin sa pananghalian na ito si Katarina. Nauna nang kumain ang Don dahil may lakad pa raw ngayong araw at baka bukas pa raw ang uwi n'ya. Tila hindi ko nga malasahan ang maasim na sabaw ng siningang na sugpo dahil pakiramdam ko ay wala pa rin sa'kin ang katinuan ko. "Grabe naman 'yang si Danica, ganyan ba talaga ng professionalism na sinasabi n'ya? E, hindi nga siya makasakay ng kabayo. Saka tingnan mo yung mga kuha n'ya halos lahat kung hindi nakasimangot nakangiwi!" Malakas ang halakhak ni Romeo na siyang sinundan ng aking team. Mabuti naman ay nag walk-out na ang mga 'yan. Pagbaba pa lang naming ng eroplano at nung nalaman na hindi sa beach gaganapin ang photo shoot, ab