KABANATA 34 HURT Tahimik lamang ako habang pauwi kami ng mansyon. Ilang beses akong nagpahid ng luha habang palayo sa bakuran nina Mang Eduardo. Kahit tumanggi akong ihatid niya pabalik ng mansyon ay nagpumilit ito, lalo nang makita n'ya akong umiiyak. Nag-iwan ako ng mensahe kay Louie para hindi ako hanapin kung sakali. Tiyak naman kasi na lasing na si Romeo. Hindi ko naman narinig na nagtanong si Pablo tungkol sa nakita niya kanina bagkus ay inabutan n'ya ako ng panyolito. “Salamat,” I whimpered to him. Hanggang marating namin ang mansyon ay hindi ito nagtanong kung bakit n'ya ako naabutan na umiiyak. Balak ko na sanang tumalikod pero nilingon ko 'to para magtanong. “B-balik ka pa ba doon?” “Hinihintay ako ni Vicente,” aniya. Tumango lamang ako. “Ingat ka, salamat ulit.” Tumi