KABANATA 35 HOME Mabilis akong umakyat sa aking silid upang mabilis na maligo at maghanda ngayong araw. Sa may dinig area na ako dumiretso upang kausapin si Romeo ngunit tapos na pala silang kumain at ako na lang ang pinaghain ni Merceditas ng almusal. "Napansin mo ba ang team ko?" tanong ko kay Merceditas. "Ay, oho, senyorita nasa may likod bahay ho sila at nagsisipaligo sa may swimming pool," aniya. Tumango lamang ako sa kanya at mabilis nang tinapos ang pagkain. May pagmamadali rin sa mga kilos ko pagkat kanina pa tumutunog ang telepeno ko na siyang pinu-putakte ng mga tawag at text ng aking mga client at investors. Nang matapos ay agad na nga akong nagtungo sa may likod bahay upang silipin ito. Ngunit hindi ko inaasahan na naroon din sina Katarina na siyang nakalusong sa tubig. S