KABANATA 19 HORSEBACK RIDING Tulala ako habang nakaharap kami sa tanghalian. Hindi kasi mawaglit sa isipan ko ang mga sinabi ni Tunner bago kami maghiwalay kanina. Hindi na siya sumabay mananghalian sa amin dahil umalis din agad sila ni Katarina kapag dating namin. "Kamusta ang pamamasyal n'yo ni Tunner?" Tumaas ang tingin ko kay Don Anselmo bago lumabi. "Naging maganda naman po ang pamamasyal namin. Sa katunayan nga po napakatamis ng mangga n'yo." Tuluyan nang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "It's good to hear that, sa susunod ay bisitahin mo naman ang iba't iba pang pananim sa rancho at tiyak na mas mag-e-enjoy ka," aniya na maluwang ang ngiti sa'kin. "I'm looking forward to that, Don Anselmo." Bumaba na muli ang tingin ko sa pagkain ngunit agad rin umangat ang