KABANATA 18 KISS Malalaki ang hakbang ko habang palayo sa kaniyang sasakyan. Kung pwede lang ay may dumaan ngayon kahit na bike ay aagawin ko para lang makalayo sa kanya. "Antipatiko! Bakit, totoo naman ang lahat ng nakita ko. Hinalikan siya ni Katarina, sapat na 'yon para mapatunayan kong may namamagitan nga sa kanila. At ano bang pake ko?! Umikot ang mga mata ko nang maabutan ako ng Wrangler jeep ni Tunner. Mabagal lamang ang takbo nito, tama lang para sabayan ako. "What do you want?!" Matalas kong sinabi. "Malayo pa ang manggahan dito, mapapagod ka, ikaw rin!" Again, I rolled up my eyes. "Sino ba ang may gustong bumaba ako ng sasakyan? Hindi ba ikaw?!" Humalukipkip pa ako habang diretso lang ang tingin sa daan. "Ikaw rin, mapapagod ka. Maraming baboy ramo na gumagala rito." Na