KABANATA 31 HARD Lumunok ako habang pinanonood siyang baklasin ang butones ng kaniyang polong suot. Kinagat ko nang mariin ang aking mga labi matapos ay bumangon. Tumayo sa kaniyang harapan ay inagaw dito ang pagbabaklas ng noon. May panginginig sa mga kamay ko habang ginagawa ko 'yon. Kung hihintayin ko pa siyang matapos ay baka abotin kami ng siyam-siyam dito. "The f**k!" Himutok ko nang mabali ang kuko ko habang tinatangka kong buksan ang huling butones. Mabilis 'yon inagaw sa akin ni Tunner hanggang sa tuluyan na 'yon bumukas. Ngunit hindi pa ako tapos pagkat mabilis ako naupo sa kama at lakas loob na binaklas ang kaniyang sinturon matapos ay isinunod ko ang kaniyang pantalon. Hindi na ako nagdalawang isip na baklasin 'yon at ibaba ang kaniyang zipper. Napakagat ako sa matapos a