KABANATA 17 FARM Kinagabihan ay ako at si Don Anselmo na lang ang nagharap sa hapag. May lakad raw sina Katarina at Tunner ngayong gabi. Hindi ko man aminin ay labis ang panghihinayang ko sa nalaman. "Mukha hong close na close sina Katarina at Tunner? Dalawa lang ho ba silang magkapatid?" tanong ko sa Don kapag daka. Ngunit bahagya lamang itong humalakhak habang nagpupunas ng tissue towel sa kaniyang bibig. "Ang totoo niyan ay hindi sila magkapatid. Si Katarina ang nag-iisa kong apo, habang si Tunner ay kinupkop ko bata pa lamang kaya't tinuturing ko na rin siyang tunay kong apo." Umawang ng bahagya ang aking mga labi sa nalaman. "Isa rin sa mga matalik kong kaibigan ang Ama n'ya. Isa sa mga manager ng aking kompanya. Kaya lang ay kinailangan niyang bumalik sa US para doon ituloy