KABANATA 16 RANCHO Matapos kumain ay tinuro na sa akin ang magiging silid ko. Sa ikalawang palapag ito malapit sa may dulong pasilyo. Hindi na ako nagulat sa ganda at lawak ng silid ngunit hindi ko pa rin mapigilang bumilib sa taste nila sa pagpili ng mga muwebles. "Sabihin mo lang ang mga kailangan mo kay Merceditas at ako na ang bahala sa lahat." Nilingon ko ang boses ng Don na siyang nagsasalita sa aking likuran. "This is too much, actually I love this room, Don Anselmo!" Pansin kong ngumiti ito at naglakad na papasok sa loob ng silid. "Kung hindi mo naitatanong si Tunner ang engineer ko sa bahay na ito. Siya ang nagdisenyo at nag re-construct ng buong bahay. He's good at everything he does, that's why I'm so proud of him." Napalabi ako at bahagyang hinaplos ang antigong tokador s