Chapter twenty
-Camille-
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na muli akong tumugon sa mga halik sakin ni Khen. Ayaw ko man pero natatalo ng katawan ko ang pag-iisip ko. Iba din ang nararamdaman ng puso ko, pero tulad pa rin noon ay natatakot akong muling sumubok dahil sa bumabalik sakin ang nakaraan.
Mabilis lumipas ang araw at buwan palagi na kaming magkasama nito na umuuwi sa apartment ko. Madalas na rin kaming naghahalikan pero hanggang doon lang dahil kahit papaano ay napipigilan ko na may muling mangyari sa amin.
Hindi pa ako handa na muling magtiwala dito pero hinayaan ko na lang ito sa gusto nitong gawin sa akin o sa mga anak namin.
Mula ng makilala ko ang pamilya nito at nalaman ako ang pinagdaan nito at nagkaroon ako ng konting awa para dito. Pero ewan ko ba hindi ko parin kayang ibigay ng buo dito ang pagmamahal na meron ako dati para dito.
Para kasing merong mangyayari na hindi ko maintindihan. Andito ako ngayon sa kitchen habang inaayos ang mga dessert na iseserve na sana ng tinawag ako ni Megan. Dahil pinatatawag daw ako sa.labas ng isang customer at may reklamo daw sa ginawa kong cake.
Kinakabahan akong lumabas dahil ngayon lang ako nireklamo ng ganito. Isang babae ang nilapitan ako at makikita sa ayos at porma nito na mayaman ito pero mukhan ring matapobre dahil sa aura ng mukha nito.
"Good afternoon po Ma'am." Kinakabahan pero magalang ko paring sabi dito. Tumingin ito sakin mula ulo hanggang paa at saka ngumisi ng nakakaloko. Gusto ko man ito sagutin pero pinigilan ko dahil customer pa rin ito at isa lamang akong employee dito.
Pero nagulat ako sa ginawa nitong pagpahid ng cake sa mukha ko. Marami din ang napasinghap pero walang lumapit para tulungan ako.
“That's the thing with girls who have high dreams. Let me tell you that the dessert you are making is not good. And most of all, you seem to have the right to snatch my boyfriend away from me, because my only boyfriend is mine.” Galit na sambit nito sakin.
Tinignan ko naman ito ng may pagtataka dahil hindi ko alam kung ano at sino ang tinutukoy nitong boyfriend na inagaw ko dito.
Wala akong planong maging kabit ng sino o nino man kaya bakit niya nasasabi na isa akong mang-aagaw ngayon.
Masama ang tingin nitong ipunukol sakin, pero na ningdigan akong mali ang paratang nito sakin. Mag sasalita na sana ako ng dumating ang aming manager at namagitan sa aming dalawa.
“Good afternoon, Ma'am, I am the manager of this restaurant may I know what is going on here Madam?” Mahinahong sambit nito sa babae na masama ang ugali.
“I want you to fire this woman because she is a bad woman. Because I can prove that the dessert she made is not good, so before this restaurant goes bankrupt you better get rid of this stupid girl because she is not good.” Galit na sambit nito sa manager ko.
Napatingin naman sakin ang manager ko at napayuko na lang ako dahil sa mababakas sa mukha nito na maaari nga akong matanggal sa trabaho dahil sa mga nangyayari ngayon.
Pero sasagot na sana ako para ipagtanggol ang aking sarili ng magsalitang muli ang babae at paglapit nito sa isang taong hindi ko inaasahan na ito pala ang boyfriend nito.
At dahil dun ay muntik nang mawalan ng lakas ang mga tuhod ko, pero hindi ko hinayaan na makita ng mga ito ang panghihina ko. Kaya naman nanatili akong nakatayo sa harapan ng mga ito.
Kitang-kita ko kung paano ito humalik sa pisngi ni Khen, kahit pa may cake ang aking mukha ay makikita parin kung gaano ka sweet dito ang babae.
Para naman ito nakakita ng multo sa nangyayari ngayon, wala itong ginawa at hinayaan ang babae na lumapit at ipulubot sa kanyang braso ang mga kamay nito.
Tinignan naman ako ng babae na may pang-iinsulto para sinasabi ng mga mata nito na hindi ko maaagaw sa kanya si Khen kahit na ano pa ang mangyari. Napakagat ako ng labi dahil sa pinipigilan kong tumulo ang aking mga luha.
Tatalikod na sana ako ng hawakan ako ni Albert sa bewang para muling iharap sa babaeng ngayon ay masama pa rin ang tingin sakin.
“I don't think you still have a bad attitude Bernadeth. By the way, you have no right to fire any of my staff because you have no contribution to the business I have. And another one who told you that this woman who is next to me right now is worthless. Honestly, this restaurant wouldn't be recognized if it wasn't for the desserts they make. And then what do you think of yourself as a goddess? I want to tell you that you are only rich so you are beautiful but your character is still dirty.” Pagalit na salita ni Albert sa babae.
Masama rin ang pinukol nito kay Khen na ikinalunok pa nito. Hinawakan ko si Albert sa braso para sana umalis na pero hinawakan nito ang kamay ko at pinagsalukop pa iyon. Pero bago kami tumalikod ng muling magsalita ang babae sa akin.
“That girl is really flirtatious, did you know that she has a child? Now which of us has an impure character? Can't you see, Albert, that girl is just using you. Maybe later on you will be the father of those children, poor you, you will surely become a sugar daddy in no time.” Sagot ng babae sa malading boses.
Napahigpit naman ang kapit ko sa kamay ni Albert at sasagot na sana ako ng muli akong pigilan ng binata. Humarap ito sa babae at muling tinignan ito mula ulo hanggang paa at natawa ng mahina. Nakita ko naman na lalong nainis ang babae kaya hinayaan ko na lang si Albert na magsalita dito.
“You know I think what you said is really good. It's ok for me to be a sugar daddy because I know that I can truly love. It's not like others who only make promises and then get angry when someone else holds them.” Salita nito pero nakatingin sa akin at sa huling salita nito ay kay Khen naman ito tumingin ng masama.
“Come on honey, it looks like our children are waiting for us. I think they miss their Daddy Albert.” Malambing na sabi ni Albert habang pinupunasan ang mukha ko ng sarili nitong panyo na hindi ko namalayan na may hawak pala ito.
Naluluha akong tumango dito at umalis sa harapann ng dalawang taong yaw ko ng makita pa. Nasa parking lot na kami at papasok na sana ako sa kotse nito ng may isang kamay ang pumigil sakin.
Mas lalong lumuha ang aking mga mata na makita ko si Khen na nakahawak sa braso ko at umiiling na huwag ako sumama kay Albert. Tinanggal ko ang kamay nito at mabilis din dumapo ang kamay ko sa mukha nito.
“Ang sabi ko sayo tigilan mo ako dahil ayokong masaktan, pero ano ang ginawa mo ha? Alam mo bang nakakapagod kang mahalin? Alam mo bang kahit anong sabi ko sa puso na huwag tumibok sayo, ay sayo parin ito tumitibok? Alam mo kahit ayaw kitang makita, ikaw pa rin ang gusto ko. Lahat ginawa ko para iwasan ka pero sinabi mo na iba ka na ngayon, na kaya mong maghintay hanggang sa maging ok satin ang lahat. Pero ngayon harap-harapan mo akong sinaktan, hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman sayo. Hindi na rin tao ang tingin ko sayo, dahil hindi ka marunong magmahal. Tigilan mo ako pati na rin ang mga anak ko dahil sa ating dalawa ako lang may karapan sa mga ANAK ko, ako lang noon, ako lang din ngayon at hindi ka namin kailangan.” Diniin ko talaga dito ang salitang anak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay kaya kong talikuran ang lahat huwag lang ako magkaroon ng ugnayan pa dito.
Papasok na sana ako sa kotse ng magsalita ito, at dahil sa mga sinabi nito ay muli akong napalingon dito.
“I thought you loved me, why can't you believe me? First you left me without hearing my reason. Then now you're leaving without letting me explain. What I know about true love is that he is ready to listen to the person he loves and believe in him, especially if it is true to her. But you'd rather leave than listen to me, is that the kind of love you're talking about?” Galit na turan nito sakin at mabilis na umalis sa harapan ko.
Bigla naman ako nanghina at napaupo na lang sa gilit ng kotse at dumaloy ang agos ng aking mga luha dahil sa sakit at hirap na nararamdaman ko.