Chapter Twenty-one
-Camille-
Walang tigil ang pag-agos ng aking mga luha habang nasa kotse ni Albert. Narito na kami ngayon sa harap ng bahay ko pero ayaw ko pang bumababa dahil gusto ko pang kahit paano ay matahimik ang aking utak sa pag-iisip ng mga nangyayari ngayon sa buhay ko.
Naramdaman ko ang paghawak ni Albert sa kamay ko kaya napatingin naman ako dito. Nakangiti ito kaya mas lalo akong napaluha at niyakap ako nito habang pinatatahan.
Masasabi ko pa ring masuwerte ako dahil kahit papaano ay may isang taong laging nasa tabi ko at hindi ako iniiwan kahit na ano pa ang ginawa kong katangahan.
“Tahan na baka magalit na ang kambal sa akin niyan kapag nakita ka nilang umiiyak, sige ka baka hindi sila pumayag na maging sugar Daddy nila.” Natatawa niyang sambit sakin, sinamaan ko naman ito ng tingin at pinalo ang braso nito.
“Tara na nga at purong kalokohan ang pinagsasabi mo yan.” Sagot ko at ng baba na ako ay muli nitong hinawakan ang kamay ko at nagsalita.
“Sama kayo ng kambal sakin meron akong gustong dalawin na isang taong mahala sa buhay ko. Sa tingin ko kaylangan mo rin mag relax muna kahit ilang araw lang. Huwag kang maalala hindi naman kita tatanggalin sa trabaho eh, samahan nyo lang ako ng kambal na magbakasyon please.” Salita nito at nagpacute pa na parang bata.
Sandali naman ako nanahimik at naisip na tama rin ito kailangan ko talaga ng isang lugar para makapag-isip. Buo na rin naman ang desisyon ko na huwag na bumalik ng restaurant pero saka ko na lang sasabihin dito pagbalik naming.
“Ok sige kaylan ba ang alis natin?” Masayang sagot ko dito.
“Tomorrow morning.” Mabilis na sagot nito sakin. Tumango lang ako dito at bumababa ng kotse nito. Hindi na rin kasi ito bumababa dahil aayusin pa raw nito ang magiging lakad naming bukas. Kaya hinayaan ko na lang din ito.
Pakapasok ko pa lang ay tawanan agad ng mga anak ko ang maririnig sa buong sulok ng bahay, naabutan ko ang mga ito na kumakain kasama ni Yaya Sabel.
“Hi, Yaya Sabel” Bati ko sa ginang.
“Oh, iha anyan ka na pala, mukhang maaga ka ngayon may nangyari pa sa restaurant o masama ba ang pakiramdam mo?” Tanong sakin ni Yaya Sabel, gusto ko sa nang sabihin dito na pero lang ang sagot ko sa tanong nito pero ngumiti lang ako dito at bumalik sa dalawang angel na ngayon at masayang nakikita ako.
“Ahm, wala naman po Yaya gusto ko lang po magpahinga dahil may lakad po kami ng mga kambal bukas. Kung gusto po ninyong sumama ok lang po sakin.” Paliwanag ko dito.
“Naku wag na lang iha, magpapaalm na lang din ako na uuwi muna para din makapiling ko ang aking mga anak at apo.” Masayang sambit naman nito sakin.
Tumango na lang ako at hinimas ang mga buhok ng kambal na katulad sa kanilang Ama na bagsak at maitim. Nang matapos kong ayusin ang mga dadalhin naming ay pinatulog ko na rin ang kambal si Yaya Sabel naman ay isasabay naming hanggang terminal bukas para kahit paano ay makatipid ang ginang sa pamasahe nito.
Ang totoo ay hindi rin ako nakatulog ng gabing iyon, ewan ko pero hindi ako dinalaw ng anok. Namalayan ko na lang na muli na naman ako lumuluha nang dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Napatingin ako sa dalawang batang masarap ang tulog na yon sa aking kama pinahid ako ang luha patuloy sa pag-agos.
Nakakaramdam ako ng takot na baka may gawin si Khen para kunin sakin ang aking mga Anak. Alam ko rin naman na kaya nitong bayarana ang lahat para lang makuha sa akin ang kambal. Pero Ina ako at alam kong malaki ang karapatan ko para manatili sa piling ko ang aking mga Anak.
At kung sakaling dumating araw na yon at lalabanan ko ito kahit ano pang mangyari hindi ako papayag na mawala sakin ang mga anak ko dahil sila ang nagbibigay sakin para lumaban pa. Hanggang sa sumapit ang alis-singko ng umaga ay dilat ang aking mga mata.
“Mukhang nagexcite ka at halatang hindi ka nakatulog ah.” Birong turan sakin ni Albert ng makita kami nitong papalapit sa kanya. Kinuha nito ang bag kong dala at inilagay sa likod katabi ni Yaya Sabel.
“Oo pinag-iisipan ko kasing mabuti kung sasama sayo o hindi.” Ganting biro ko dito habang akay ang kambal ko. Natawa lang ito at pinapasok na kami sa kotse ng mga ito. Nagulat pa ako dahil ibang kotse ang dala nito at talagang may sariling upuan ang kambal sa likod at tiyak na komportable ang mga ito sa kanilang upo.
Si Yaya Sabel ay sa likod ng mga kambal umupo, madali rin naman para sakin na maabot ang kambal kung sakaling may kaylangan ang mga ito habang nasa biyahe kami.
Dumating na rin kami sa terminal at nagpaalam na rin si Yaya Sabel sa mga alaga nito, may iniabot naman na sobre si Albert sa ginang kaya napatingin ito dito.
“Bonus po yan dahil sa maayos na pag-aalaga sa dalawang bugwit na makukulit. Saka tawagan ko na lang po kayo kung kaylan po kami makakabalik para naman po makasama ninyo ng mahaba-haba ang pamilya ninyo.” Magalang na sambit nito sa matanda napatango na lang sa amin si Yaya at muling nagpaalam at nagpasalamat.
Pinag-iingat din kami nito san man kami makarating, mabuting tao si Yaya at nagpapasalamat ako na siya ang nag-aalaga sa mga anak kong sadyang makukulit, pero ni minsan ay hindi ko nakitaan si Yaya na maging masungitsa kambal. Nakikita ko rin na gusto ito ng mga kambal ko.
Nasa biyahe na kami ng may tumawag kay Albert na unknown number. Iba din ang gamit nitong salita kaya hindi ko na lang ito pinansin pa dahil malaki naman ang tiwala ko dito. Halos maghapon ang biyahe naming ng mapansin kong parang nasa isang resort kami at sadyang napakaganda nito.
Mapapawow ka talaga sa kulay berdeng tubig ng dagat, malinis ito ay maganda ang paligid tahimik din dito at maririnig mo lang ay ang huni ng ibon at lagasgas ng tubig.
“Sabi na nga ba at magugustuhan mo dito.” Salita nito habang patuloy sa pagmamaneho papasok sa isang resort. Huminto kami sa isang malawak na bakuran at mukhang ito ang entrance ng hotel.
Pero nagulat ako ng makita ang isang babaeng nakawheel chair at sumalubong sa amin ni Albert. Maganda ito at masasabi ko rin na mabait dahil sa ngiti nitong tunay at dalisay.
“Kuya,” Masayang sambit ng babaeng nasa wheel chair.
“Amber” Sambit naman ni Albert at niyakap ang dalaga.
“Akala ko nakalimutan muna ang birthday ko kasi mahigit sa dalawang buwan mo akong hindi dinalaw eh.” Sagot ng dalaga dito.
“Sus, nagtampo ka naman yan hindi ko kaylan man makakalimutan ang birthday ng pinakamamahal kong kapatid noh.” Sagot naman ni Albert dito.
Napatingin naman sakin si Amber at nahihiya akong mag hi dito.
“Hello ako si Amber nakakabatang kapatid ni Kuya Albert. Ikaw anong name mo? Nakangiti nitong tanong sakin.
“Ako si Camille, kaibigan ako ng kuya mo.” Nahihiyang sagot ko dito.
“Masaya akong makilala ka Ate Camille, mabuti at may kasamang bisita si Kuya.” Sambit nito sakin. Mas naging masaya naman si Amber ng makita nito ang mga Anak ko na ngayon ay tulog pa rin dahil sa kakadede ng mga ito habang nasa biyahe.
“Ang cute po nilang matulog Ate Camille, puwede ko po ba silang makalaro kapag po gising na sila.” Mahina nitong salita sakin.
Napatango naman ako dito hanggang sa pumasok na kami sa loob ng isang Magandang bahay. Hindi nga ako nagkamali dahil isa nga itong resort pero limited lang ang mga taong nagpupunta dito kaya naman hindi ganon karami.
Nalaman ko rin na kila Albert ang buong lugar at si Amber ang namamahala dito. Nasa kusina kami at gising na rina ng kambal na may pumasok na magandang babae at sa tingin ko ay kasing edad ko lang din ito.
“Ate Hannah” Malakas na sambit ni Amber sa dumating, pero nagulat ako ng may bumaksak sa likuran ko at nakita ko si Albert na masama ang tingin sa babaeng bagong dating.