Chapter-5

1305 Words
Hindi pa man n'ya nakakalahati ang nilalakaran ay pagod na pagod na s'ya. Mukhang hindi s'ya aabot sa mansyo ng mga Sebastian. "Paano ko kaya maco-confirm kung ang lalaking nagligtas sa kanya at si Lance ay iisa?" Tanong n'ya sa sarili habang patuloy sa paglalakad. Nawiwili naman s'ya sa paglalakad para s'yang namamasyal lang, pinagsasawa n'ya ang mga mata sa naglalakihang mga puno na nagpapalilim sa kapaligiran. Malayong-malayo ang itsura ng asyenda sa kinalakihan n'yang lugar. Dito sa asyenda, payapa at tahimik ang buong paligid, paniguradong ligtas ka, kahit abutan kapa ng dilim. May nakita s'yang puting pusa na naglalakad ng mabagal mukha pipilay-pilay pa ito. Nilapitan n'ya ang pusa na mabagal maglakad. Hindi naman s'ya mahilig sa anoman mga hayop, pero naaawa s'ya sa pusang hindi malakad ng maayos. Kaya naman nilapitan na n'ya ang pusa para tulungan makalipat ng daan. "Hello, muning tara tulungan kita," bulong n'ya sa maliit na pusa at dahan-dahang binuhat ang pusa. Patawid na sila sa kabila ng may marinig na mga yabag kabayo na mabilis ang takbong papalapit sa kinaroroonan n'ya. Napalingon-lingon pa s'ya para hanapin ang mga yabag ng kabayong paparating. Nakita n'ya ang kabayong kulay abo na patakbo sa kinatatayuan n'ya. Matulin ang takbo non, nataranta s'ya at hindi alam ang gagawin, hindi alam kung paano iiwas. Napayakap s'ya sa pusa ng mapansing tatamaan sila ng malaking kabayo. "Whoooh," Napatili s'ya at napaupo sa lupa, habang yakap-yakap ang pusa. Sumunod na napansin n'ya ang lupang nagliparan sa kanya sa biglang paghinto ng kabayo. "Whoooh," Narinig n'ya ang boses ng isang lalake. Nanatili s'yang nakaupo sa lupa at yakap na mahigpit pa rin ang pusa. "Miss, are you ok?" Tinig ng lalake na nakita n'yang bumaba mula sa kabayo. Dahan-dahan s'yang nag-angat ng mukha. Una n'yang nakita ang suot na boots ng lalake, pataas sa maong nito, at sa plain na t-shirt nito, at nang makita ang gwapong mukha nito at nanlaki ang kanyang mga mata at napatitig rito. "Are you ok Miss?" Tanong nito at lumapit sa kanya. Nakaupo pa rin s'ya sa lupa at yakap ang pusa. "Hindi kita napansin, sorry tinamaan ba kita?" Tanong nito na may pag-aalala. Hindi s'ya nakakibo, nanatili s'yang nakamata rito. Pinakatitigan n'ya ang lalake, at nasigurado n'yang ito nga ang lalaking pumigil sa kanya sa pagpapamatay, at ito rin ang lalaking nakita n'ya kanina na may kahalikan. Ito na nga kaya si Lance? "I'm sorry," paumanhin nito sa kanya at nilahad ang kamay para matulungan s'yang tumayo. Nalipat ang mga mata n'ya sa kamay ng lalake na nakalahad sa kanya. Iniabot naman n'ya ang kamay sa gwapong lalaki, tinulungan s'ya nitong makatayo. Kumabog ang dibdib n'ya ng mahawakan ng lalake ang kamay n'ya para tulungan s'yang tumayo. Kabog ng dibdib na ngayon lang n'ya naramdaman. "Ok ka lang?" Tanong nito sa kanya at nalipat ang tingin nito sa pusang hawak-hawak pa rin n'ya. "Ah, tutulungan ko lang sana s'yang makalipat ng daan," sabi n'ya at mabilis na ibinaba ang pusa na pipilay-pilay pa rin maglakad. "I see, ok ka lang ba?" Tanong nito sa kanya. "Yes, thank you," sagot n'ya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtingin ng lalake at pagsuri, mukha kinilala s'ya nito. Huwag naman sanang makilala s'ya sa. "Naliligaw ka ba sa asyenda?" Kunot noong tanong nito. Marahil napansin nito na ngayon lang s'ya nito nakita sa loob ng asyenda. "Ah, hindi dinalaw ko kasi ang ya- I mean- Ang T'yang Flor ko," utal-utal na sagot n'ya. "Si Manang Flor?" "Oo, pamangking ako ni T'yang Flor I'm Julia," Pakilala n'ya rito. Tila wala naman itong balak magpakilala sa kanya. Nais pa naman n'yang masigurado kung ito nga si Lance. "Sa bahay ni T'yang Florn ako pansamantala umuuwi," dagdag n'ya. Tumango-tango ang lalake sa kanya, at muli s'yang sinulyapan nito, wari'y kinikilala s'ya nito. Maiksi na ang buhok n'ya at hindi glamorosa ang suot n'ya, wala din s'yang ano mang make up at accesories sa katawan, kaya marahil hindi s'ya nito nakikilala. "Anyway, I should go," paalam nito sa kanya. Hindi s'ya nakakibo, nakasunod lang s'ya ng tingin sa lalaking hindi pa rin n'ya alam ang pangalan. She need to do something, kailangan masiguro n'ya kung ito nga ba si Lance. Pasakay na muli ang lalake sa malaking kabayo ng bigla s'yang may maisip para makasama pa ang lalake, at makuha ang pangalan nito. Humugot s'ya ng malalim na paghinga at napatili sabay hawak sa hita n'ya. "Ouch, aray!" Tili n'ya. Napansin sa gilid ng mga mata ang paghinto ng lalake sa pagsakay ng kabayo. Lumapit ito sa kanya. "What happened?" Nag-aalalang tanong nito. "Masakit ang paa ko, na sprained yata," i anarte n'ya para makuha ang atensyon ng lalake. "Saan?" Tanong nito at tinignan ang paa n'ya. Tinodo n'ya ang pag-inarte. "Ouch," tili n'ya ng hawakan ng lalake ang paa n'ya na kunwari ay na sprained. "Masakit ba? Ok lang ba kung sa bahay ko na tignan ang paa mo, para magamot ko na rin," prisinta nito. Lihim s'yang natuwa, 'yon naman talaga ang plano n'ya. Mapapadali ang lahat kung sasama s'ya sa lalake. "Please, ang sakit ng paa ko, hindi ko maapak ng maayos," maarteng sabi n'ya na kunwari'y masakit nga ang paa. "Can I carry you?" He asked. "Please," mabilis na sagot n'ya na sinabayan pa ng todo arte. "Come here," sabi nito at binuhat s'ya ng lalake pa bridal style. Kinawit n'ya ang mga kamay sa batok ng gwapong lalake. Naaamoy din n'ya ang mabangong pabango nito, mariin n'yang pinikit ang mga mata ay sinamyo ang mabangong binata. "Ok lang ba dito kita isasakay?" Tanong nito. "Ok lang," agad na sagot n'ya at sinakay sa kabayo, ito ang unang beses n'yang makasakay ng kabayo. Maya-maya pa sumunod na sumakay ang lalake sa kabayo, pumuwesto ito sa likuran n'ya, habang tila nakapulupot payakap sa kanya ang mga kamay nito. "Hiyah!" Hiyaw nito at tumakbo ng mabilis ang kabayo. Dahil sa first time n'yang makasakay sa kabayo nakaramdam s'ya ng takot, kaya naman napahawak sa malapad na dibdib ng lalake. Napalunok pa s'ya at kung hindi lang kalabisan talaga ay sasandal pa s'ya sa malapad na dibdib ng lalake, kaya lang baka makahalata na ito. Never in her life na nakalapit s'ya ng ganito kalapit sa isang lalake. Dahil nga mula pagkabata ay hinubog s'ya ng ama para maging asawa ni Gael Saavedra, wala ni isang lalake ang nakalapit sa kanya. Napanganga s'ya ng makitang malapit na nilang marating ang malaking mansyon sa loob ng asyenda. Kung gaano kalaki ang natatanaw n'ya sa kalayuan ay mas malaki sa malapitan. Huminto ang kabayong sinasakyan nila sa tapat ng mansyon. Agad na may sumalubong sa kanilang binatilyo. Naunang bumaba ang lalake, patalon pa ito bumaba ng kabayo. Naramdaman n'ya ang kamay ng lalake sa bewang n'ya para ibaba mula sa kabayo. Nakaramdam s'ya ng kakaiba sa paghawak ng lalake sa maliit n'yang bewang. "Kaya mo bang maglakad?" Tanong nito ng maibaba s'ya sa lupa. Nag inarte s'yang nasaktan ng subukang ilakad ang paa. Napatili pa s'ya kunwari para mas kapani-paniwala ang drama n'ya. "I'll carry you," sabi nito at muli s'yang binuhat nito pa bridal style. Bago sila naglakad papasok may inabilin pa ang lalake sa binatilyong sumalubong sa kanila. "Ako na po ang bahala Sir Lance," sagot ng binatilyo matapos ang mga bilin ng lalake rito na tinawag ng binatilyong Sir. Lance. Ito nga ba ang Lance na namamahala sa asyenda? Ito ba ang Lance na hinahanap n'ya? Kung ganoon si Lance Sebastian nga ang lalaking nagligtas sa kanya. Napatitig s'ya kay Lance habang buhat-buhat pa rin s'ya papasok sa mansyon. Nakakawit ang mga kamay n'ya sa batok nito. Gwapo nga ito mas gwapo kay Gael. Ang lalaking ito na ba ang makakatulong sa kanya para makalimot na kay Gael Saavedra? Pero paano? Paano n'ya gagawin ang plano kung may nobya na ang lalaking higit kay Gael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD