Pagpasok sa loob ng mansyon, agad s'yang iniupo ng lalake sa malaking sofa.
"Ouch," inarte pa n'ya, para magmukhang makatotohanan ang arte n'ya.
"Ikukuha muna kita ng yelo," paalam nito.
Tumango s'ya at sinundan ito ng tingin. Gwapo nga ang lalake walang duda, at mukhang hindi s'ya nito naaalala.
Ginala n'ya ang mga mata loob ng mansyon. Maganda at maayos ang buong mansyon. Halata ang karangyaan sa loob, dahil sa mga materyales na ginamit sa pag desenyo at mga kagamitan sa loob ng mansyon.
Maya-maya pa nakita na n'ya pabalik ang lalake, pasimple n'ya itong tinignan habang naglalakad palapit sa kinauupuan n'ya, napagmasdan n'ya ito ng mabuti.
Gwapo at may magandang pangangatawan ang lalake, matangkad din ito, hindi masyadong maputi, sakto lang ang tan na kulay nito. Kung i re-rate n'ya ang lalake lalagpas ito ng 100%. Ganyan ka gwapo at lakas ng dating sa kanya ang lalake.
"Come here, lagyan ko muna ng yelo bago ko ibalot," sabi nito ng makalapit sa kanya.
Naupo ito sa kabilang sofa, at pinataas ang paa n'ya. Nahihiya pa n'yang pinatong ang paa sa yelong sala nito sa may maliit na upuan.
"Masakit pa ba?" Tanong nito, sinulyapan s'ya ng lalake, nagkatitigan ang mga mata nila.
May magandang mga mata rin ang lalake, makapal ang kilay nito na itim, matangos din ang ilong nito, at may manipis na mga labi na perfect na perfect sa gwapo nitong mukha. Pakiramdam n'ya ngayon lang s'ya nakakita ng ganito kagwapong lalake. Kung sa bagay hindi naman n'ya ugaling pagmasdan pa ang mga nakikilang lalake. Even Gael Saavedra, para hindi n'ya napagmasdan ng ganito, kung sa bagay she never get close to Gael since day one, dahil nga ayaw sa kanya ni Gael.
"Hindi na masyado," sagot n'ya.
"Good, maya-maya lagyan ko ng balot para mapagaling mo sa bahay n'yo," malumanay na sabi nito sa kanya ay bahagyang ngumiti.
Hindi nga ba s'ya nakikilala nito? Kung sa bagay ibang-iba marahil ang itsura n'ya ngayon kumpara gabing 'yon, isa pa madilim kaya marahil hindi na nito naalala ang itsura n'ya.
"Sir, Lance," tawag sa lalake sa di kalayuan.
Sabay pa silang napalingon ng lalake sa tumawag rito. Isang may edad ng babae, mukhang kasambahay.
"Ano ho 'yon Manang?" Tanong ni Lance sa kasambahay.
Lumapit ang kasambahay, nasulyap pa ito sa kanya at tumango. Tumango naman s'ya kahit papano.
"Eh sir si Mayeng po kasi sinugod sa ospital, manganganak na po,"
"Ganoon ba, kabuwanan na nga pala n'ya,"
Malumanay na sagot ni Lance sa kasambahay, palihim s'yang napangiti, dahil napansin n'yang marunong itong makisama sa kasambahay, hindi ito tulad ng ibang mayaman na kung ituring ang mga kasambahay ay mababa. Pasimple s'yang nakikinig sa usapan ng mga ito, hanggang sa marinig n'yang kulang ang kasambahay sa bahay, dahil nanganak ito, at matatagalan pang makabalik.
May kumislap na isang idea sa isip n'ya. Kung gusto n'yang makilala Lance at mapalapit rito, bakit hindi s'ya magtrabaho rito, baka ito na ang pagkakataon n'ya para mas makilala pa ang isang Lance Sebastian.
"Ah, aray,' inarte n'ya at pasimpleng ginalaw ang paa para malaglag ang yelo.
Nagtagumpay naman s'ya, dahil nalipat sa kanya ang atensyon ni Lance. Mabilis naman nang nagpaalam ang kasambahay kay Lance.
"Sorry, bigla kasing kumirot," inarte n'ya.
Dinampot naman nito ang yelo at muling binalik sa paa n'ya.
"Maya-maya lang pwede na nating ibalot," sabi nito.
"Narinig ko kulang ang kasambahay n'yo," sabi n'ya.
"Yeah," alanganing sagot nito at tinitigan s'ya.
"Baka po pwede ako mag apply na kasambahay," mabilis na sabi n'ya.
Nakita n'ya ang gulat sa mga mata ni Lance, bahagya ding kumunot ang noo nito, habang titig na titig sa kanya. Marahil sinusuri ang sinabi n'ya.
"Wala po kasi akong trabaho ngayon, kaya napauwi ako dito at nakikitira kay T'yang Flor," drama n'ya. Buti na lang mabilis umandar ang isip n'ya at nakapag drama s'ya agad.
"Really?" Alanganing tanong nito na ang ekpresyon ay hindi makapaniwala. Sinuri pa s'ya nito ng tingin. Nagtagal ang mga mata nito sa mukha n'ya. Alam n'yang maganda s'ya para maging isang kasambahay lang. Pero para kay Lance gagawin n'ya lahat, dahil nais n'ya itong lubusang makilala.
"Opo," sagot n'ya sabay tango.
Determinado s'ya, ito kasi ang paraan para mapalapit s'ya kay Lance, baka kaya s'ya dinala ng tadhana rito ay para makilala ang isang Lance Sebastian. Naniniwala pa rin s'ya sa tadhana, ay baka kaya nangyari ang lahat sa kanila ni Gael ay hindi si Gael ang lalaking tinadhana para sa kanya. Baka ang lalaking nasa harapan n'ya ngayon ang lalaking nakatadhana sa kanya.
Nadismaya s'ya matapos ipagbilin ni Lance sa driver na ipahatid na s'ya sa bahay ni yaya Flor. Umasa pa naman s'yang si Lance mismo ang maghahatid sa kanya sa bahay.
"Kung payagan ka ng T'yang Flor mo na mamasukan dito sa asyenda. Pwede ka ng magsimula bukas, alam na ni Manang Flor lahat ng rules ko sa bahay, tanong mo na lang sa kanya," litanya nito sa kanya.
Malungkot s'yang tumango rito. Inaasam pa naman sana n'yang ito ang maghahatid sa kanya sa bahay.
"Fred ikaw na ang bahala sa pamangkin ni Manang Flor, pakihatid na lang s'ya sa bahay ni Manang Flor," sabi ni Lance sa lalaking may edad na rin.
"Sige po, Sir," sagot ng lalake at niyaya na s'ya nito pasakay sa itim na kotse.
Bago s'ya sumakay sinulyapan pa n'ya si Lance na papasok na sa malaking bahay, hawak nito ang cellphone at tila may kausap na. Baka ang nobya. Bulong ng isip n'ya at malungkot na sumakay sa passenger seat.
"Hindi ko alam na may magandang pamangkin pala si Flor," sabi ng driver habang tinatahak nila ang daan.
Hindi na lang s'ya kumibo pa.Tahimik lang s'yang nakatanaw sa labas ng bintana. Nadismaya man s'ya, hindi naman nasayang ang pagtungo n'ya ng mansyon. Dahil bukas babalik s'ya ng mansyon para magtrabaho kay Lance bilang kasambahay nito. Sigurado s'ya sa gagawin, walang dahilan para hindi n'ya gawin, para lang mapalapit kay Lance.
Kinabukasan maaga s'yang nagising para sabihin sa kay yaya Flor ang pagpasok n'ya bilang kasambahay sa mansyon. Hindi na kasi n'ya nagawang sabihin kahapon dahil may bisita ang yaya Flor n'ya ng datnan n'ya bahay. Pamangkin na lalake ni yaya Flor at dinadalaw ito, mukhang nahihingi lang naman ng pera dahil nakita n'yang inabutan ng pera ni yaya Flor. Hindi nga rin n'ya nagustuhan ang pag-uusisa nito tungkol sa kanya, at lalong-lalo na ang mga pagsulyap nito sa kanya, buti na lang ang umuwi agad at hindi na nagpalipas ng gabi sa bahay ni yaya Flor, dahil kung nagkataon, hindi s'ya makakatulog sa bahay na may kasamang lalaking hindi naman n'ya ka ano-ano.
"Pumasok kang kasambahay mansyon?" Gulat na tanong ni yaya Flor sa kanya, habang nag-aalmusal sila nito.
"Opo," sagot n'ya habang minamasahe ang nananakit na likod, dahil sa pagkakahiga sa papag kagabi. Nahirapan nga s'yang makatulog dahil matigas ang papag at walang aircon, bukas ang bintana na tanging kurtina lang ang tabing.
"Bakit?!" Gulat pa rin na tanong nito.
"Kailangan ko po ng trabaho,"
"Julia! Hindi ka isang pang kasambahay lang! Magagalit sa akin ang Kuya Dylan mo pag pinayagan kitang gawin 'yan!" Bulalas nito.
"Pero yaya Flor nakapangako na po ako kay Lance," sagot n'ya at sumubo ng papaya.
"Naku bata ka! Ano bang pumasok sa isip mo at pumasok kang kasambahay? Mapapatay ako ng Mommy't Daddy mo pag nalaman nila ito," may pag-aalala sa tinig nito.
Buo na ang desisyon n'ya mamasukan s'yang kasambahay, at magsisimula na s'ya ngayong araw.
"Gusto ko pong makilala ng husto si Lance Sebastian," amin n'ya kay yaya Flor.
"Si Sir, Lance? Bakit?" Tanong nito at napaupo sa upuan tapat n'ya.
"Yaya Flor, for the first time in life, I found someone better than Gael Saavedra, and that's Lance Sebastian. Kaya po gusto kong makilala pa ng husto si Lance," amin n'ya kay yaya Flor.
Malungkot ang mga matang tinignan s'ya ni yaya Flor. Alam n'yang alam ni yaya Flor kung gaano s'ya nasaktan kay Gael Saavedra.
"Julia, ayokong masaktan ka ulit, ayokong muling madurog ang puso mo," malungkot na sabi nito at hinawakan ang kamay n'ya.
"May nobya na si Sir Lance, Julia baka masaktan ka ulit," may pag-aalala sa tono ni yaya Flor.
Ngumiti s'ya mapait na ngiti. Sa pagkakataong ito hindi n'ya hahayaang masaktan s'ya. She is Julia Santillan, and she is willing to do everything to get what she want. And this time, sinisigurado n'ya ang panalo n'ya. Kung kay Gael naagawan s'ya this time s'ya ang mang-aagaw.