Chapter-4

1714 Words
"Julia, hija nakarating ka!" Bulalas ni yaya Flor ng makita s'ya. Sa wakas nakarating s'ya sa pabahay sa loob ng asyenda. Mula sa may gate nilakad na n'ya kaya halos lawit na ang dila n'ya ng marating ang mga pabahay. Iilan lang ang mga pabahay sa loob ng asyenda. Kung baga pahingaan lang ng mga tauhan sa loob ng asyenda. Pero napagalaman n'yang ang yaya Flor n'ya ay doon na literal na nakatira, wala na kasi ang mga anak nito sa San Rafael, nag si pag asawa na daw ang mga ito at lumipat na ng ibang bayan, pinapasyal-pasyal na lang daw ng mga ito si yaya Flor. Bago s'ya nagtungo sa San Rafael, nakausap na n'ya ang kanyang yaya Flor sa problemang nais n'yang takasan. Nais muna n'yang maka iwas sa Daddy n'ya na panigurado galit na galit sa kanya, dahil iisa lang ang misyon n'ya ay hindi pa n'ya nagawa. 'Yun ay ang makasal s'ya kay Gael Saavedra. Lalayo na muna s'ya pansalamantala, pag malamig na ang lahat saka n'ya haharapin muli ang Daddy n'ya. "Yaya Flor," magiliw na tawag n'ya sa dating tagapag alaga. Niyakap n'ya ito ng mahigpit. Alam n'yang hindi s'ya pababayaan ng yaya Flor n'ya, anak ang turing nito sa kanya. Dahil nagka edad na kaya lang naman umuwi si Yaya Flor sa San Rafael, at dahil nga wala na ang mga anak nito at mag-isa na lang kaya daw namasukan na lang ito sa Hacieda Sebastian. Ang Hacienda Sebastian daw ang pinakamalaking asyenda sa bayan ng San Rafael. Mukha nga naman ito ang pinaka malaki dahil lawit na ang dila n'ya ng marating ang bahay ng yaya Flor n'ya. Pumasok sila sa loob ng katamtamang laki ng bahay na yari sa kahoy. Isang palapag lang 'yon at sa pagpasok mo kita na lahat, sala, kusina, isang silid at banyo. Napalunok s'ya habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng bahay. Walang screen ang mga kahoy na bintana, pero mukha presko naman. May maliit na sala set na kahoy, mukha kumportable naman ay ganoon rin ang dinning kahoy na mesa ang dalawang mahabang kahoy ang upuan. "Pasensya ka na Julia ah, dito na lang kasi ako namamalagi, hindi na ko lumalabas ng asyenda," sabi ng yaya Flor n'ya. Marahil napansin ang pagkailang n'ya sa bahay. Sanay s'ya sa karangyaan, isa s'yang Santillan, isa ang pamilya nila sa kinakilala sa bayan ng San Sebastian. May malalaking negosyo ang kanyang ama, kasama na riyan ang Saavedra Santillan Hospital, may malaking share ang pamilya nila sa ospital na 'yan, kung saan isa ding Doktor ang Kuya Dylan n'ya. Na sa kanya na ang lahat, pera, ganda, talino, lahat, lahat na sa kanya na. Ngunit kahit nasa kanya na ang lahat hindi pa rin n'ya naiwasan ang masaktan at mabigo sa larangan ng pag-ibig. Tinanggihan kasi s'ya ng isang Gael Saavedra. Kaya nga s'ya napadpad ng San Rafael para gamutin muna ang sugat at sakit na likha ng pagkabigo n'ya kay Gael. "Dito na muna ang magiging silid mo ah," sabi ni yaya Flor ng magtungo sila sa silid na wala namang pintuan, tanging kurtina lang ang tumatakip sa pasukan. Muntik pa s'yang mapangiwi ng makita ang papag, walang malambot na kama, ganoon rin ang isang bintana na may tabing lang na kurtina at pumapasok ang malamig na simoy ng hangin. Pilit s'yang napangiti. Kailangan n'yang pagdaanan ang mga bagay na ito para magamot ang sugat n'ya, para makalimutan na n'ya si Gael Saavedra, para sa pagbabalik n'ya ng San Sebastian bagong Julia Santillan na ang haharap sa mga tao roon. Napahawak s'ya sa maiksing buhok, nagawa din n'yang paputulan ang maganda at mahaba n'yang buhok, parte ng kanyang pagbabago. Humugot s'ya ng malalim na paghinga at ngumiti. Paulit-ulit na binubulong sa sarili na kaya n'ya ang bagong buhay. "Sana magustuhan mo ang pamamalagi mo dito Julia, at sana makatulong ang pamamalagi mo dito sa asyenda para maghilom ang sakit na nararamdaman mo," litanyan ng yaya Flor n'ya sa kanya. "Salamat po, yaya Flor sa pagtanggap sa akin dito, wala na po kasi akong ibang mapupuntahan," sagot n'ya at niyakap ito. Para na rin kasi n'yang Nanay si yaya Flor, matagal din n'ya itong nakasama sa bahay nila kaya malapit s'ya rito. Pinaghanda din s'ya ni yaya Flor ng mga pagkain na galing sa asyenda. Mayaman ang asyenda dahil kumpleto ito, may gulayan at prutasan at may palaisdaan din daw sa may dulo na para daw sa mga tauhan, para may mapagkuhanan daw ang mga ito ng makakain. "Mabait po siguro ang may ari ng asyenda," sabi n'ya habang kumakain ng inog na mangga. Ngayon palang yata s'ya nakakain ng ganito katamis na mangga. "Mabait ang mga Sebastian, lalo na sa amin mga katiwala nila dito sa asyenda," sagot ng yaya Flor n'ya habang pinanghihiwa pa s'ya ng mangga. "Tanim din po ba ito dito sa asyenda?" Usisa n'ya dahil masarap talaga ang mangga. "Ah, hindi galing to sa kabilang asyenda, sa napangasawa ni Ma'am Iya," tumango-tango lang s'ya sa sinabi nito at naalala ang lalake at ang babaing nakita n'ya kanina sakay ng kabayo. 'Yon kaya si Iya at ang asawa nito? Binaba n'ya ang kinakaing mangga at sumulyap kay yaya Flor. Hindi s'ya pwedeng magkamali ang lalaking nakita n'ya kanina ang pumigil sa kanyang magpakamatay, at masasabi n'yang nagligtas sa buhay n'ya, kaya hanggang ngayon buhay pa s'ya. "Andito po ba ang anak ng may-ari ng asyenda?" tanong n'ya curious kasi s'ya kung sino ang lalaking nakita n'ya kanina sa asyenda ang lalaki ding pumigil sa kanya sa pagpapakamatay. "Si Sir, Lance ang namamahala dito, halos dito na nga rin s'ya sa asyenda nakatira," "Lance," ulit n'ya sa pangalang binanggit ni yaya Flor. "Andito po ba s'ya sa asyenda ngayon?" Pang uusisa n'ya. Nais n'yang makasiguro kung ang lalaking nakita n'ya kanina ay ang lalaking nagligtas sa kanya sa kamatayan. Hinding-hindi n'ya makakalimutan ang gabing 'yon. Ang gabing handa na n'yang wakasan ang kanyang buhay dahil kay Gael Saavedra. Ang gabing 'yon din s'ya nakakita ng lalaking higit kay Gael, mas gwapo kay Gael at mas ma appeal kay Gael, at higit sa lahat napabilis ng lalaking 'yon ang t***k ng kanyang puso. "Oo, si Sir Lance kase ang namamahala sa asyenda, kaya dito na s'ya nakatira. May malaking bahay sa gitna ng asyenda doon ang mansyon ng mga Sebastian," Tumango-tango s'ya kay yaya Flor. Aalamin n'ya kung si Lance nga ang lalaking 'yon. At kung ito si Lance, kailangan n'yang gumawa ng paraan para mapalapit kay Lance. Buong buhay n'ya naka sentro lang kay Gael Saavedra, sa pagiging Mrs. Saavedra n'ya, wala s'yang ibang lalaking nakitang hihigit pa kay Gael. Para sa kanya si Gael na ang pinaka gwapo, ma appeal, matalino, lahat, lahat na na kay Gael unti that night she met this man better than Gael Saavedra. She is Julia Santillan she can do anything to get want she want. Siguro nga nabigo s'ya kay Gael, but not this time. Sisiguraduhin na n'ya ang kanyang tagumpay. Pumasok sa isip n'ya ang babaing kasama ng lalaki kanina, naghalikan pa nga ang mga ito. Bigla s'yang kinabahan at nagkibit ng balikat. Paano kung may asawa na ito? "Binata pa po ba si Lance?" Tanong n'ya kay yaya Flor na kinagulat pa nito. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni yaya Flor ng sulyapan s'ya, may kakaiba sa tingin at ngiti nito. "Julia, hija binata pa si Sir, Lance," nakangiting sagot nito. Si Lance nga kaya ang lalaking nakita n'ya kanina? Paano kung hindi? Paano kung si Iya pala 'yon ang sinasabing kapatid ni Lance at asawa pala nito ang lalaki kanina. "Si Iya po andito?" Hindi n'ya mapigilang itanong. Kailangan kasi n'yang malaman na. "Wala si Iya dito, sa pagkakaalam ko nasa San Sebastian," sagot ng yaya Flor n'ya. Napangiti s'ya, si Lance nga marahil ang nakita n'ya kanina. Pero sino ang babaing kahalikan nito? Muli n'yang sinulyapan si yaya Flor. "Huling tanong na lang po yaya Flor," nahihiyang sabi n'ya. "Ano 'yon?" "May nobya po ba si Lance?" Matagal bago nakasagot si yaya Flor nakamata ito sa kanya. Tila alam na n'ya ang sagot. Panigurado nobya ni Lance ang babaing kahalikan nito kanina. Humugot s'ya ng malalim na paghing at nagkibit balikat. "May nobya si Sir Lance si Claire," may lungkot sa tono ni yaya Flor. "I see," nalungkot n'yang sagot. Kung saan-saan na umabot ang isip n'ya kay Lance, may nobya naman pala ito. At sa nakita n'ya kanina mukha malalim na ang samahan ng mga ito, sa nakita n'yang paghahalikan ng mga ito tiyak na umabot na hanggang kama ang mga ginagawa ng mga ito. "Hindi ko gusto si Claire para kay Sir, Lance," Napaangat ang ulo n'ya at napatingin kay yaya Flor. "Bakit ho?" "Napaka arte ng babaing 'yon, kung manamit parang binibilad ang katawan sa mga tao," may inis na sagot nito. "Matagal na po ba sila?" Usisa n'ya. Ewan n'ya wala pa ngang katiyakan na iisang tao lang ang pinag-uusapan nila ni yaya Flor pero todo usisa na s'ya. "Isang taon mahigit siguro," "Matagal na rin pala," bulong n'ya. Nakaramdam ng lungkot, nakakita na s'ya ng pag-asa kanina, muli na namang nawala, dahil may nobya pala itong si Lance. Matapos kumain nagpaalam s'yang mamasyal muna sa labas. Pinayagan naman s'ya ni yaya Flor. Sabihin lang daw n'ya na pag may nakakita sa kanya sabihin n'yang pamangkin s'ya nito. Malawak at mapresko ang asyenda at halatang sagana sa tanim, mukhang maganda ang lupa. May iilang mga pabahay na magkakatabi para sa mga tauhan sa asyenda. At mula sa kinatatayuan n'ya natatanaw n'ya ang malaking mansyon. Malayo-layo rin mula sa kinatatayuan n'ya pero kitang-kita n'ya kung gaano kalaki ang mansyon. Mayaman nga siguro ang mga Sebastian, mas mayaman pa ba sa mga Saavedra. "Saan ko kaya makikita ang Lance na 'yon?" bulong na tanong n'ya habang nakatingin sa abot tanaw n'yang mansyon. Hindi kasi s'ya mapakali hangga't hindi n'ya nasisigurado kung si Lance nga ba ang lalaking pumigil sa kanya magpakamatay, at ang lalaking natatanging nakahigit kay Gael Saavedra sa paningin n'ya. Nagtaas s'ya ng mukha at inayos ang buhok. Naka maong pants s'ya at designer brand na damit. Maganda s'ya alam n'ya mas maganda s'ya sa babaing kahalikan ng lalaking yon kanina. Sinimulan n'yang maglakad habang naka focus ang mga mata sa mansyon malayo pero pupuntahan n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD