THE HANDSOME STOKER

1094 Words
Chapter 3 -Firstcy- “My dear, don't you really want to celebrate your birthday? I'm just worried, Firstcy? I was so happy when I gave birth to you. But now it seems like you are reversing all the hardships of bringing you out into the world.” Sambit ni Mommy at kunwari pa itong naluluha. Andito ngayon ito sa kuwarto ko at pinipilit ako nitong magpaparty dahil birthday ko na bukas, pero nagiimpaki ako ngayon dahil sa papunta ako ng Korea dahil para sa isang event don na naimbitahan ko para magbigay ng advice sa mga taong gustong pasukin ang pagnenegosyo. Ang kaibigan kong si Jessica ang promotor kaya wala na rin ako magawa dahil sa malaki ang utang na loob ko dito nung mga bata pa kami. Lihim naman akong natatawa dahil sa pagiging ma-drama nito. Kakapanood nito iyan ng mga teleserye sa tangahali. Kaya pati si Daddy nakilala kong matigas ay napapaiyak na rin ni Mommy lalo na kung sabay pa silang manonood sa Netflix ng mga dramang palabas doon. Pero masaya akong makitang magkakasundo ang aking mga pamilya dahil alam kong mahal nila ang isa’t-isa. Ganito ang pangrap ko para sa magiging pamilya ko pero mukhang hindi pa pinapanganak ang taong para sa akin. Dahil hanggang ngayon at wala pang matinong lalaking gustong mangligaw sa akin. Meron nga sana isang lalaking pwde kong magustuhan, pero ubod ng babaero naman kaya parang wala lang din. Nakatingin lang sa akin si Mommy, habang patuloy lang ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Naluluha pa itong makitang paalis na ako. Kaya naman niyakap ko ito ng sobrang higpit at saka ko hinalikan sa kanyang noo. “I promise I will come back on the weekends, to celebrate my birthday Mommy. So don't be sad.” Nakangiting sambit ko dito at hinihimas ang likod nito. “Let your child go first and he's grown, okay Firstcy you go ahead and I'll take care of your mother. Do what makes you happy my daughter.” Sabat ni Daddy sa aming dalawa ni Mommy. Kinuha din nito si Mommy mula sa akin kaya naman, nahampas pa ito ni Mommy sa braso dahil sa pangungunsinti sa akin ni Daddy. Natawa at napapailing na lang talaga ako sa pagiging sweet ng dalawa. Palabas na ako ng makita ko si Yunah na nakangiti naman sa akin at binati ako ng advance happy birthday. Nagyakapan kaming dalawa at saka ako nagpaalam dito, at sumakay ng sarili kong kotse. Nasa biyahe na ako ng tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Whanalyn. “Yes, hellow!” Seryosong sagot ko dito. “Advance happy birthday sissy” Malakas at nakakabinging pagbati nito sa akin. Nailayo ko pa ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng pagkakasabi nito. “Thank you.” Sagot ko na lang dito. Kabaliktaran ko ang ugali ng kapatid kong ito. Kung ako ay sobrang seryoso ito naman ay masyadong bulgar sa maraming bagay. Maarte rin ito at nakakainis ang pagiging maingay nito. Kaya nga nagtataka ako kung ano paano ito nagustuhan ng isang matinong pulis na si Edison Samonte. Dahil sa ugali ng aking kapatid na kung minsan ay hindi na rin normal bilang isang babae. “Are you at home now because my hubby and I are going sissy.?” Tanong nito sa akin. “I left because I still have a flight today, I also told Mommy that when I come back, we will celebrate my birthday.” Sagot ko dito habang nakatutok ang mata ko sa daan dahil sa nagmamaneho pa rin ako. “It's your birthday but you're still leaving. Mommy must have cried today because you left.? I hope you at least chose to be with your family over your job. Take care, sister, and happy birthday.” Sambit nito at saka ibinababa ang tawag pero halata sa boses nito ang pagtatampo sa akin, at alam kong naiinis na naman ito sa akin dahil napaiyak ko naman si Mommy. Ayaw kasi nitong nakikitang umiiyak si Mommy. Napahinto naman ako sa pagmamaneho at napaisip sa sinabi nito. Ilang sandali rin akong nag-isip kung Icacancelled ko ang pagpunta ko sa korea, at pipiliin ko na lang magcelebrate kasama ang pamilya ko. Napatingin pa ako sa daan at wala na gaanong dumaraan, naisandal ko naman ang aking ulo sa likod ng aking upuan at saka pinatay ko muna ang makina ng kotse. Hanggang sa isang text ang natanggap ko sa known number, nagtataka pa ako kung paano nito nalaman na birthday ko ngayon. Binura ko ulit ang number at hindi ko na lang ito pinansin pa. Hanggang sa tumawag na ito sa akin, ayaw ko sa nang sagutin pero makulit ito at walang tigil sa kakaring ang phone ko. “Yes, who are you?” Mataray na sagot ko dito. “Hi honey, I just wanted to ask if you broke down on the road today?” Tanong nito at halata sa boss nito ang kaba at pag-aalala. Nanglaki naman ang mata ko dahil sa mukhang alam nitong nasa daan ako at nakahinto. Kaya naman napatingin pa ako sa paligid at wala akong makitang nakahintong kahit na anong kotse sa paligid ko. Nakaramdam ako ng takot dahil sa mag-isa lang ako ngayon. “Honey, relax, I have no intention of harming you. I was just around and watching you honey. I just want to get to where you want to go safely.” Dag-dag pa nito sa akin buhat s kabilang linya. Hindi ko pa pala napapatay ang tawag nito. Napahigpit naman ang kapit ko sa phone dahil ayokong ng ganitong palaging may nakamasid sa akin. Sinabihan ko nga si Daddy na alisan ako ng mga body guard kahit na ayaw nitong gawin, pero sinabi ko sa kanyang ayoko na may parang asong sunod ng sunod sa akin. Tapos ngayon naman ay may stoker ako, at take note “HONEY” pa ang tawag sa akin nito. “Hi Mr., I don't have time like you, so can you let me go and maybe you won't want to know which family I belong to.” Inis kong sagot dito. Pero natawa na lang ito sa sinabi ko kaya naman mas lalo akong naiinis. “Actually, honey, I know you well, and I know whose family you are. And I'm not afraid of the De Lanas or even the Pattersons.” Lakas loob nitong sagot sa akin. Wala na akong nasabi at saka basta ko na lang ibinababa ang tawag nito. Nakakainis talaga ang lalaking yon, malaman ko lang talaga kung sino ka malalagot ka sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD