BIRTHDAY CELEBRATION

1263 Words
Chapter 4 -Firstcy- After two days ay bumalik na rin ako dahil sa walang katapusang pangungulit sa akin ni Whanalyn na umuwi na at malungkot daw si Mommy. Alam ko naman ginagawa lang nito dahilan si Mommy para mapabilis ang pag-uwi ko. Pero naisip ko rin na kaylangan ko rin na pagbigyan din ito lalo na at madalas akong wala sa bansa, at bihira ko na rin ito makasama. Papasok pa lang ako sa mansion ng makarinig na ako ng mga tugtugan at mukhang nagpaparty nga sila Mommy. Paglabas ko palang ang aking kotse ay sinalubong na agada ko ni Rency at Elly mga anak ni Ninang Annalou ang best friend ni Mommy. “Hi birthday girl, you're late.?” Nakangising tanong sa akin ni Rency. “Your party started a while ago, did the guests think you weren't coming?” Seryosong tanong naman sa akin ni Elly. Kasundo ko naman ang mga ito dahil alam kong mababait ang mga anak ni Ninany Annalou, pero sadyang malakas talaga mang-asar ang mga ito kaya kung minsan ay nabubuwisit ko sa mga ito. “I didn't know Mommy was having a party. And if I find out you think I will come here.” Mataray kong sagot sa dalawang ito. Baliwala sa mga ito kung galit man ako o hindi. Kaya inirapan ko na lang ang mga ito at nagpunta sa garden kung saan naroroon si Mommy at abalang mag-asikaso ng mga bisita nito. Well, mukhang siya ang may birthday dahil halos kilala niya ang mga tao ngayon. Wala naman talaga ko hilig sa party dahil ayoko ng maingay at maraming tao. Naiinis ako sa mga nakikita kong mga bisitang mga plastic at puro pagpuna lang sa kapwa ang alam. Kaya madalas ay si Daddy ang pinapapunta ko sa mga party dahil sa naiinis lang ako makita ang ibang babaeng puro pagpapaganda lang ang alam. “Hi Firstcy happy birthday” Bati sa akin ng mga nakakasalubong ko. Ngumingiti lang ako sa mga ito dahil kahit papaano ay ayokong maging bastos sa mga ito. “Happy birthday my baby” Masayang salubong sa akin ni Mommy. Niyakap ako ng mahigpit kaya naman gumanti na lang din ako dito at hinalikan ko ito sa kanyang pisngi. Kasiyahan ang makikita ko dito kaya naman ayokong masira ang gabi na pinaghandaan nito ngayon para sa akin. “Thank you po Mommy” Masayang sagot ko dito. “I'm sorry if I'm already partying without you knowing baby, but I just want to see you happy so I hope you'll just let me be.” Sambit nito sa akin at hinawakan pa ang aking kamay. Tumango na lang ako dito para ipaalam na ayos lang ang lahat. Nakita ko ang magandang ngiti nito at muli akong niyakap naiyak pa ito dahil sa sayang nararamdaman. “Let's go see your Aunts and Ninang’s, they have been waiting for your arrival for a while now.” Yaya nito sa akin at saka kami ng tungo sa isang paikot na table at naroroon nga ang mga best friend nito at ang lahat ng asawa ng mga De Lana clan. Sa sobrang dami ng pamilya nila Mommy ay halos mapuno na rin ang garden namin. Pagkatapos na malibot ko at makilala ang mga bisita ni Mommy at pabagsak akong naupo sa isang upuan at kumuha ng juice para uminom, nakakapagod talaga ang ganito kaya ayaw na ayaw ko talaga eh. Napapahilot pa ako sa aking binti dahil sa sumasakit ang mga ito, naka heels pa man din ako ngayon. Nasa ganon akong ayos ng umupo malapit sa tabi ko ang isang lalaking kilalang-kilala ko. Naiinis ko itong tinignan pero natawa lang ito na parang wala lang dito ang tingin kong masama. Hindi ko na lang ito pinansin dahil sa talagang pagod ako ngayon at wala panahong makipagtalo dito. “You know I'm good at massaging your legs, if you want me to massage them if it hurts.” Preskong tanong nito sa akin. “Do you also know that I don't like people who care about other people's lives? And another thing, why are you here? I don't remember that my family knows you?” Pagtataray ko dito at saka ito iniwan doon at pumasok na ako ng mansion para makapagpahinga dahil talagang pagod na ang katawang lupa ko. Basta ko na lang ibinaksak ang katawan ko sa malambot na kama sa kulay rosas na kuwarto ay maamoy dito ang scented candles na amoy na amoy ang totoong rosas. Ako mismo ang gumagawa ng scented candles na nasa loob ng kuwarto ko. Hindi alam ng pamilya ko na hilig kong gumawa ng mga ganito o maging ang paggawa rin ng pabango. Nais ko sa nang gawin negosyo ito pero alam kong mahihirapan ako dahil sa pagiging madamot ko rin minsan. Ayaw ko rin kasi minsang pinaaamoy ang mga gawa ko sa ibang tao, kung minsan ay maging sa pamilya ko ay pinagdadamot ko ang mga naiinbento kong mga pabango. Kaya kahit gustuhin ko mang gawin ay hindi ko magawa dahil na rin sa ugali ko. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan na lamunin ako ng antok. Pero hindi pa ako nakakalalim ng pagtulog ay isang mukha ang unti-unting sumisilip sa aking diwa, at ang binatang si Mr. De Asis ang nakikita ko. Naka muli akong napadilat at napabangon dahil sa hindi ko maintindihan kung bakit ito pumapasok sa isip ko ngayon. Tuluyan na akong bumangon para maligo dahil mukhang babangungutin pa ako ngayong gabi. Kinabukasan ay tanghali na ako gumising dahil sa masama pa talaga ang katawan ko at parang matatrangkaso pa ako. Pero pababa na ako ng hagdanan ng makita ko ang isang lalaking nakatayo sa may bintana ay mukhang may hawak itong mainit na kape. Nakatalikod ito pero alam kong kilala ko pa rin ito. Saktong nakababa na ako ng humarap ito sa akin at magadang ngiti nito ang binigay nito. Napatulala naman ako dahil sa taglay nitong kagwapuhan at masasabi kong hindi rin papahuli ang katawan nito. Mukhang tambay din ito sa gym dahil sa gandang katawan na meron ito. At dahil sa pagkatulala ay hindi ko namalayan na nakalapit na rin ito sa akin at mababakas sa ngiti nitong nakakainsulto, napapakagat pa ito ng labi na lalong kinagandang lalaki nito. Natauhan lang ako ng binulungan ako nito na lalong nagpagalit sa buong sistema ko. “Good morning love! Shut your beautiful and attractive mouth first, and maybe I'll give you a good morning kiss that I know you won't say no to.” Sambit nito at saka itinikom ang aking bibig, at natatawa na itong umalis sa aking harapan at nakita kong nagtungo pa ito sa dining area. Masama naman ang naging tingin ko dito at parang gusto kong bumuga ng apoy at sunugin ko ang hayop na lalaking ito. Ano ba naman kasi ang ginagawa nito sa bahay naming at mukhang makikialamusal pa talaga. Nagpipigil ako ng galit nang pumunta na ako ng dining area para kumain dahil sa kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom. At hindi na nga ako nagkamali ng makita ko itong preskong nakaupo at katabi ni Edison ang asawang general ni Whanalyn. Galit ko itong tinignan ang binata pero kumindat lang ito sa akin, napabunga pa ako ng hangin para ikalma ang aking sarili at saka naupo sa tabi ni Mommy ko. Ngumiti naman sa akin si Mommy at si Whanalyn pero tipid na ngiti lang din ang iginanti ko sa mga ito. Galit ako at walang makakaalis nito hangga’t hindi nawawala sa paningin ko ang lalaki ito sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD