NECKLACE GIFT

1233 Words
Chapter 2 -Miguel- Papasok na ako sa office ko ng makita ko si Dexter na may kausap na sexy at magandang babae, nagtaka pa ako pero hindi ko na lang pinansin pa ang dalawa at dali-dali akong pumasok sa loob para simulan ang trabaho ko ng araw na yon. Pero hindi pa ako nakakaupo ng pumasok ito at kasunod ang babaeng kausap nito kanina lang. Kuno’t noo akong tumingin dito at maging sa babaeng katabi nito. “Good morning, boss” Nakayukong sambit nito sa akin. “What's going on Dex and who is that woman next to you?” Tanong ko dito habang inaayos ang mga papel ko sa mesa. “She is the daughter of Mr. Fuentes, she came here yesterday and she wants to talk to you about the collaboration between your business and the FNL company, which they own.” Sagot nito sa akin. Tumingin naman ako sa babae at hindi ko gusto ang ngising aso nito kaya nawalan ako ng ganang makipag-usap dito. “You can leave Ms. Fuentes; I'll just call your Daddy's office and I'll talk to him about the business we both have.” Malamig kong sagot dito, at wala akong pakialam kung ano ang iisipin nito sa akin. Aaalis na sana ako dahil may next meeting na ako ng bigilan ako nito sa aking braso. “Just a moment Mr. De Asis, why can't they talk to me? I am also the next heir of my Daddy so you should just give me time for this business.” Nakataas ang kilay nong sagot sa akin. At makikita dito ang pagiging spoiled brat. “Come back when you are the owner of the company you claim to be” Mayabang kong sagot dito at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at lumabas ng office. Nakita ko namang pinalalabas ito ni Dexter kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil sa kakulitan nito at para akong nabalot ngayon ng inis. Matapos ang araw ko ay umuwi muna ako ng sarili kong mansion at sinalubong ako ni Tatay Denso ang dating driver ni Daddy. “Tatay kamusta po” Masayang tawag ko dito ngumiti naman ito at kinuha ang dala kong bag na may lamang laptop. “Mabuti naman anak, halika ka na sa kusina at kakain na tayo alam kong parating ka kaya naman nagluto ako ng paborito mong sinigang na bisugo.” Masayang sambit nito at hinila at papuntang kusina, inabutan ko pa don na naghahain ang anak na lalaki nito na si Alex. Maagang naulila si Tatay Denso sa kanyang asawa, pero ganon pa man ay naging masaya na lang ito sa piling ng kanyang nag-iisang anak. Matalino si Alex kaya naman ako na rin ang nagpapaaral dito ng abogado, at alam kong malapit na itong matapos ilang sem na lang din ang pahihirapan at ganap na itong abogado. Kumain kami ng sabay-sabay ganito ako tuwing umuuwi dito sa mansion mula kasi ng mawala ang aking mga magulang ay si Tatay lang ang bukid tanging pinagkakatiwalan ko sa lahat ng bagay. Alam ko kasing hindi ako nito kayang traydorin tulad ng ibang tao. At saka nakikita ko dito ang pagiging mabuting ama at tao kaya naman naging panatag ang loob ko na makasama ito sa loob ng aking pag-aari. Nagmatapos ako ay dumarecho na ako sa aking kuwarto para magpahinga dahil sobra na akong napapagod ngayon. Idag-dag pa na hindi ko nasilayan si Firstcy, nalaman ko kasing umalis ito ng bansa ng araw na dumating naman ako. Kaya naiinis ko dahil hindi ko man lang ito malapit o makita man lang sa mga party na kung saan ay dumadalo ang mga kilalang business man o woman. Palagi ang Daddy lang nito ang representative kaya hindi ko man lang ito nasisilayan ng personal. “How can you notice me my dear queen? It's really time to see you and be with you, I won't let you go anymore. I know you were born just for me. So, you will be mine at the right time.” Nakangiti kong sambit sa aking isipan at niyakap ang unang nasa aking tagiliran at saka na ako nakatulog. Kinabukas ay balik naman ako sa normal life ko dito sa office, marami akong dapat gawin at ayusin lalo na at malapit naman magbukas ang bagong hotel ko sa Canada. Seryoso akong nag-iisip nang makatanggap ako ng tawag mula sa best friend kong Edison isang pulis at sa pagkakaalam ko rin ay isang mafia, at higit sa lahat ay asawa ito ni Whanalyn ang isa sa kapatid na babae ni Fristcy my honey. “What?” Walang ganang sagot ko sa tawag nito. “Looks like your busy dude, I have something else to tell you that I'm sure you can get out of front of your laptop right now.” Mapang-asar pa nitong sagot sa akin. Napabuga naman ako ng hangin at nakapakamot pa sa aking kilay dahil sa gusto ko itong suntukin sa mukha, ang lakas talaga mang-asar ng isang to. “Say it now and you know I still have a lot to fix. Don't disturb my life.” Inis kong sagot dito, natawa naman ito kaya mas lalo lang ako nainis dito. “Ok, just wanted to tell you that you might be forgetting your honey's birthday today.” Pabulong pang sabi nito sa kabilang lingya. Natulos naman ako at hindi agad nakapagreak. Napatingin pa ako sa calendar na nasa ibabaw ng table ko nakita ko ngang may nakaguhit dun na haeart shape sa mismong date ng birthday nito. “Oh my god dude, did you forget?” Gulat na tanong nito sa akin. “Of course I haven't actually bought a gift for her. What will be the plan for his birthday, huh? Tell me right away where I'm going so I can give the gift to her.” Pinasigla ko ang salita ko para hindi nito mahalata na nakalimutan ko talaga ang birthday ni honey ko. Ang dami ko rin kasing iniisip at dumadag-dag pa ang anak ni Mr. Fuentes na sobrang kulit. “Actually, I still don't know what the plan is. I'm just bothering you, because I know you really forgot. Go ahead and buy a present for your honey.” Maloko pa nitong natawa na lang ang narinig ko bago ko tuluyang binababa ang tawag nito. Nangmamadali naman akong sumakay ng kotse ko at nagtungo sa isang mall na alam kong malapit lang. Kaylangan ko na talaga laging tandaan ang date ng birthday ni Firstcy dahil kapag naikasal na kami ay dapat akong laging may regalo dito. Well, pwde na rin naman ang katawan ko at alam kong hindi ito makakatanggi lalo na kung nasa mga bisig ko na ito. Nasa loob na ako ng isnag jewerly shop at tumitingin ng mga alahas nila dito. Sabay pa kami ng isang lalaking napatingin sa isang necklace na may pendal na letter F. Ito itong white gold at makikita dito ang diamond na nakapalibot sa letter F, naunang kunin iyon ng lalaki kaya naman nakaramdam ako ng inis. Dahil mukhang iyon na ang perfect gift para kay Firstcy ko. Wala na rin akong nagawa dahil siya naman talaga ang nauna, pero labis ang panghihinayang ko na hindi ko agad na nakita ang necklace na yon. Kaya wala akong nagawa hundi ang bumili ng ibang necklace na alam ko paring babagay sa kagandahan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD