CHAPTER 4
KINAUSAP ni Jack ang kanyang asawang si Mariposa tungkol sa papasokang trabaho ng kanyang Anak.
"Bakit pa siya magtatrabaho sa iba kong pwede naman siya sa sarili nating kompanya." Ani Mariposa
"Hayaan mo na siya, siguro gusto din niyang masubukan ang ibang klase ng trabaho dito sa Pinas, alam mo naman ang anak mong 'yon. Mas gusto niya ang kakaibang trabaho na pwede nitong magamit ang kanyang kakayahan bilang Martial artist.' ani Jack sa asawa
"Ibig ba sabihin pakikipag bugbogan ang trabahong papasokang nya? Hinayaan na kitang maging pulis ang anak mo, pero baka dito di na ako papayag mahal, baka mamaya niyan mapasama siya sa mga sindikato dito alam mo naman, maraming masasamang loob dito sa Pinas. Baka makahanap pa ng kaaway ang anak mo dito. Ano bang klaseng trabaho ang papasukin ng anak mo?"
"Hindi niya sinasabi sa akin, pero mag tiwala nalang tayo sa anak mo, kilala natin siya. Hindi naman siya gagawa ng alam nya sa una palang ay mali na. Hayaan na muna natin siya okey." Pangungumbinsi ni Jack'sa asawa
"Oo naaaa". Ani Mariposa
Kiniss naman sya ni Jack bago sis natulog, maaga pa sila bukas dahil dadaan pa sila sa sariling kompanya bago sila pupunta sa kanilang mga magulang
Nagsabi na sila sa mga katulong sa bahay na mag handa sa kanilang pagdating dahil isa itong sorpresa para sa mga magulang nila.
Maagang nagising noon si Georgina at naligo na, dahil alam niya na maaga din ang alis nila ngayon. Dadaan pa sila sa kanilang opisina bago dumerecho sa bahay ng kanyang mga lolo's at Lola's
Saktong pag labas ni Georgina sa kanyang kwarto ay nakahanda narin ang kanyang mga magulang para sa kanilang pag-alis, matapos ang ilang sandali ay nilisan na nila ang lugar na iyon. Binalik na nila sa lobby ang susi at binayaran na ang pag stay ng isang Gabi.
Pasado alas otso ng umaga ng marating nila ang opisina nila, dahil wala pa gaanong tao doon at 8:30 pa ang bukas ay kumain na muna sila ng almusal sa malapit na kainan.
Matapos nga ang halos 20 minutes ay nakabalik na sila sa kanilang kompanya.
Nagpaiwan si Georgina sa kotse ng mga magulang at ang mga ito na lamang ang pumunta sa opisina, dahil para kay Georgina saka na siya pupunta kapag handa na siyang manahin iyon.
Hindi namalayan ni Georgina na naktulog na siya sa kakahintay sa mga magulang tiningnan niya ang oras at pasado alas dyes na ng umaga.
Inisip nalang nito na napahaba ang usapan nila lalo na at si Tita Regine niya ang namamahala noon ngayon, malamang nag kamustahan pa ang kanyang mommy at ang tita Regine nya.
Nagtext siya sa mga magulang na maghintay lang sa May lobby, mag ikot ikot daw muna siya para hindi sya mabagot.
Sa makalakad niya ay nakarating sya sa isang parke na malapit lang din sa gusali kong saan ang kompanyang pag-aari nila.
May nakita siyang isang binatilyo na pinagtutulungang bugbugin ng tatlong kaedad din nito, tantiya ni Georgina ay nasa 14 to 15 lang ang edad at highschool palang.
Halos nagmamakáawa na ang binatang iyon pero sige parin sa kakasuntok ang lalaki habang nag checheer naman ang dalawa nitong kaibigan dahilan para lalo nitong suntokin ang binatilyo.
Ayaw na ayaw ni Georgina ng ganitong eksena, naiinis siya. Sa totoo lang galit na galit siya sa mga taong mahilig mam-bully lalo na kong wala itong kalaban-laban
Di na nakatiis si Georgina at sinaway ang mga ito.
"Tigilan nyo na iyan, kawawa na siya oh". Sambit ni Georgina pagkalapit niya dito
"Wag kanang mangialam dito manang kong ako sa'yo lumayo Kana dito kong ayaw mong madamay". Wika ng binatilyong nanuntok sa isa pang binatilyo na ngayo'y duguan na dahil sa dami ng natamo nitong suntok.
"Hays mga bata nga naman, akala mo siguro malakas Kana niyan? Astig? Kasi napatumba mo ang batang 'yan? Ano ba ang kasalanan sayo niyan at ganon nalang ang galit mo diyan". Ususan ni Georgina sa kanila
"Wala kanang pakialam, tanda tanda mo na pakialamera kapa". Inis na turan nito
Akmang susuntukin na ulit nito ang duguang bata ng walang pasabing binato siya ni Georgina ng bola na galing din mismo sa tabi nila.
Di nila iyon napansin.
Tinamaan sa batok ang lalaki dahilan para mabitawan nito ang kaaway.
"Ayaw na ayaw ko sa lahat na tinatawag akong manang, bata pa ako 23 lang ako matuto kayong rumespeto ha". Ani Georgina
Galit na nakatitig sa kanya ang tatlo, at gusto pa ng mga ito na sugurin sya. Pero pinigilan sila ni Georgina
"Hepppp! Wag kayong magkakamaling saktan ako, hindi nyo ako kilala marami na akong napilayan? At higit sa lahat marami na akong napat*y". Panakot ni Georgina sa kanila
Kaso tumawa lang ang Tatlo at binato sa kanya ang bola na binato din niya kanina.
Gulat sila ng nasalo iyon ni Georgina gamit ang isang kamay niya.
"Hindi ako pumapatol sa bata, kong ako sa inyo makinig kayo sa sasabihin ko, tigilan nyo na ang pambubugbog dito, mag aral nalang kayo ng mabuti ng sa ganun matuwa naman ang mga magulang nyo sa inyo." Pangaral ni Georgina sa kanila
Pikon na pikon na ang isang binatilyo, May kinuha itong kutsilyo sa kanyang bag, gulat na gulat si Georgina kong bakit nagkaroon ng kutsilyo ang batang ito, gayong bawal ito sa highschool or sa school mismo.
Napaisip si Georgina na sadyang basagulero at bully itong tatlo.
"Pikon na pikon na ako sa'yo manang, wala akong pakialaman kong babae kapa nangingialam ka pwes tikman mo ang ganti ko"! Anito at patakbong lumapit sa kanya habang nasa gilid nito ang kutsilyo.
Pero nasalo ni Georgina ang kamay nito ng walang kahirap-hirap, kinuha ang kutsilyo at nilaro laro sa balat nito. Kita naman ang takot sa mukha ng dalawa nitong kasamahan. Maging ang batang nakadapa sa damuhan ay nagulat sa kanyang ginawa.
"Posts wrong moved baby boy, paano mong gustong mam*tay gamit ito?" Seryosong sambit ni Georgina sa kanya.
Pero para kay Georgina ay biro lang iyon at gusto lamang nya takutin ang mga ito
Kita naman sa mata nila na pulang putla na
"Kayo ayaw nyo bang tulongan ang kaibigan nyo? Gig*Litan ko ang leeg nito, hindi nyo ba siya subukang iligtas manlang sakin?" Tawag pansin ni Georgina sa dalawa.
"T-tulongan nyo ako"! Sigaw nito
Pero hindi nakinig ang dalawa sa kanya bagkos tumakbo sila papalayo sa lugar na iyon.
Halos maiyak naman ang naiwan nilang kaibigan.
"Pst ikaw diyan, gusto mo bang makaganti sa kanya?" Ani Georgina sa kawawang binatilyo
"H-ha? N-naku w-wg na po". Anito na tila natakot Nadin sa kanya.
"Ano kaba wag k matakot sakin, sagot kita". Ani Georgina sabay kindat dito
Namula naman ang mukha ng binatilyo at tumayo sa kanyang pwesto.
"Lapit ka". Utos ni Georgina dito
"Tanggalin mo ang shorts nya," ani Georgina
Nag alinlangan ang binatilyo sa inutos nya pero kalauna'y ginawa din nito.
Ngayon ay Naka brief nalang ito, tinawanan pa sya ni Georgina dahil halatang di pa daw ito tuli.
"Puro ka lang tapang di kapa pala tuli, naku boy kawawa ka, kong ako sa'yo baguhin mo na yang ugali mo, mangako ka sakin. Di Kana ulit mambu-bully or bilihin itong baby boy ko, dahil kapag nalaman kong binully mo ulit sya makakatikim Kana sakin ng hindi maganda," ani Georgina dito
Natahimik ang lalaki at pilit hinihingi ang kanyang shorts.
"Mangako ka muna".
"P-pangako". Anito
Iniwan na nila ang binatilyo sa likod ng tagong parte ng parke, dinala nya sa ligtas na lugar ang binatilyong binugbog nila kanina.
"Ayan ha, ligtas Kana. Mag ingat sa susunod kong maari iwasan mo nalang sila para di ka nasasaktan ng ganyan. Ka pogi pogi mo sayang lang at napuruhan ka". Ani Georgina dito na May halong papuri
Namula ulit ang mukha ng binatilyo sa sinabi nito.
"S-salamat po a-ate". Sambit nito
"Wala iyon, sige na bumalik Kana sa klAse mo". Ani Georgina sa kanya dahil tinawagan na sya ng Daddy nya dahil aalis na sila.
Nalungkot ang binatilyo ng makaalis si Georgina sa kanyang harapan, gusto sana niyang itanong kong ano ang pangalan nito subalit nakaalis na ang babaeng unang nagustohan niya.
"Sayang, sana magkikita pa kami". Bulong ng binatilyong si Esmael isang 15 year old na binata at isang 4th year.
Continue