CHAPTER 5
Masayang-masaya ang pamilya Nina Mariposa at Jack ng makita sila kasama ang apong si Georgina.
Nag biruan pa ang mga ito na kong maari daw ay bigyan pa ng isang kapatid si Georgina para naman dalawa ang apo nila, sayang daw umano ang lahi.
Tawanan naman ang lahat dahil alam nilang May laman ang mga sinasabi ng kanilang mga magulang.
Hindi na kasi maaring mabuntis si Mariposa dahil nagkaroon siya ng kumplikasyon sa kanyang Matres noong pinanganak niya si Georgina hindi niya alam kong paano nangyari pero iyon ang advice ng doctor na nagpaanak sa kanya, inilihim nila iyon pareho sa pamilya at tanging si Jack lang ang nakakaalam.
Matapos ang kainang naganap ay nagpaalam na ang mga ito na umuwi sa kanilang bahay sa Pasay, dahil naghihintay din ang kanilang katiwala sa bahay na iniwan nila 20 years ago.
Gabi na ng makauwi sila sa sarili nilang bahay, walang pinagbago ganon padin at tila mukhang bago kahit na matagal ng panahon bago sila makabalik dito.
Ganon padin ang matandang Mayora ng bahay Nong iniwan nila ito para ipaubaya pansamantala ang bahay, dito Nadin nakatira ang isang anak ng kanilang katiwala.
Magalang at mabait silang tinanggap muli ng kanilang katulong galak at masaya sila dahil bumalik na ang kanilang mga amo.
Hindi natuwa doon si Monique anak ni aleng Sally halos inangkin na kasi nito ang buong bahay at sinabi sa mga kaibigan niya na sila ng kanyang mama Sally na ang May ari nito, hindi alam ni Sally na ganon ang ginawa ng anak.
Wala doon si Monique nang makarating ang amo ng kanyang Ina, nasa bar ito kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Manang sally kamusta ka dito habang wala kami? Ayos lang ba kayo dito ni Monique?" Tanong ni Mariposa ng mapag buksan sila ni Manang sally ng gate.
"Maayos lang kami dito hija, mabuti at nakauwi na kayo. Nakahanda na po ang pagkaing niluto ko para sa pagdating nyo". Anito
"Sige magbibihis lang muna kami, saan pala si Monique tawagin mo siya dahil May pasalubong akong dala sa kanya." Ano Mariposa
Halos di naman makasagot ang ginang kay Mariposa
"Namasyal po ang anak ko,hindi pa po siya nakakauwi tenetext ko nga po eh pero hindi pa siya nag rereply". Anang matanda
"Sige mamaya or bukas ko nalang ibigay sa kanya. Nga pala busog pa kami manang maari kanin nyo nalang dalawa ang pagkaing niluto mo at magpahinga Nadin kayo". Ani Mariposa bago tuluyang umakyat sa itaas.
Nagpahinga na ang mag pamilya ng mga sandaling iyon sa itaas, samantalang kakauwi lang din ni Monique at ang mama niya ang nag bukas dito.
Lasing si Monique ng mapag buksan siya ng kanyang ina ng gate.
"Monique lasing ka nanaman. Bilisan mo diyan at nandito na ang amo ko, nakauwi na sila galing sa London". Anang manang sally sa kanyang anak
Si Monique ay matanda lang ng tatlong taong kay Georgina. 26 year old na ito at imbes tulongan ang kanyang ina ay puro lakwatsa ang ginagawa nito sa buhay. Hindi din ito naghanap ng trabaho at sariling pera ng ina ang ginagastos nito sa araw araw na gimik niya. Nag astang mayaman ito sa harap ng mga kaibigan niya
"Mommy naman, ano ba ang sinasabi niyo riyan tayo ang May ari ng bahay na ito walang ibang aangkin nito kundi tayo lang. Pwede ba pagod ako matutulog na ako sa kwarto ko". Ani Monique sa Ina
Kasalanan nito ang lahat hindi niya agad sinabi sa kanyang anak na narito na ang kanilang amo, at inakala nitong ang bahay ay ipinamana na sa kanilang mag-ina. Iyon din ang isip noon ni manang sally dahil akala nito ay di na uuwi pa ang dating amo dahil matagal ng panahon bago muli silang nagkita.
Isang malakas na sigaw ang nag pagising sa kaluluwa ni Monique ng sa kanyang paghiga sa kama ay May taong natutulog doon. Galit siyang ginising ang naturang babae na walang iba kundi si Georgina.
"Sino ka at anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Galit na sigaw ni Monique kay Georgina...pagod na noon si Georgina at inaantok pa ng bigla nalang siyang magising sa malakas na sigaw ng isang babae.
Hindi niya ito kilala or familiar manlang sa kanya.
"Who are you?" Ani Georgina sa babaeng kaharap
"Akin lang naman ang kwartong kinahihigaan mo! Sino ka at nandito ka?" Sa mga sandaling iyon ay nawala na ang epekto ng alak sa katawan ni Monique
"Imbes sagutin ni Georgina si Monique ay lumabas sya ng kwarto at kinatok ang mga magulang.
"Hey hindi pa tayo tapos bumalik ka dito, mapangahas ka". Ani Monique
Nang mga sandaling iyon ay nasa banyo si Manang sally kaya hindi niya alam ang mga nangyayari sa itaas dahil hindi niya iyon naririnig.
"Mom dad, gising please". Ani Georgina
Maya maya pa ay lumabas ang mag-asawa halatang inaantok pa ang mga ito.
"Sino kayo at ano ang ginagawa nyo sa bahay namin?" Ani Monique
Nagising Nadin sa wakas nag mag asawa at tiningnan ang nagsasalita
Malaki na ang limang taong bata noon Nong iwan nila ang bahay kay Sally, kong hindi nagkakamali si Mariposa ay ito ang anak ni Sally na si Monique dalaga na ito ay May taglay ding ganda.
"Monique?" Ani Mariposa
Kumunot naman ang nuo ni Monique dahil kilala siya ng kaharap
"Ako ang ma'am Mariposa mo at itong asawa ko si Jack naalala mo paba kami?at siya itong batang kalaro mo noon si Georgina ang anak namin". Pagpapakilala ni Mariposa
Hindi agad nag sink in sa utak ni Monique ang lahat.
Parang kanina lang ay May sinabi ang kanyang mommy Sally sa baba na bumalik na ang mga amo nila at ang tunay na nag may-ari sa bahay. Pero akala niya guni guni lang niya iyon.
"Manang sally". Sigaw ni Mariposa mula sa itaas
Tapos Nadin mag banyo noon si Manag sally kaya naririnig nito ang tawag ng amo, dali-dali siyang umakyat para puntahan ang amo. Nadatnan niya ang anak na si Monique kaharap ang amo niya.
"Mam sir". Kinakabahang sambit ni Sally sa mga amo nya.
Bukas na tayo mag usap, sa ngayon hayaan nyo muna kami magpahinga at nga pala pakisabi sa anak mo kong sino kami, hindi niya na ata kami natandaan dahil masyado pa siyang bata Nong umalis kami dito." Naka giting sabi ni Mariposa.
Bago pa tuluyang pumasok si Georgina sa kwarto niya ay nakita pa niya kong paano siya tingnan ng masama ni Monique.
Inakay naman pababa ni Sally ang anak na si Monique at doon sinabi ang lahat lahat.
Hindi makapaniwala si Monique na mawawala nalang lahat sa kaniya dahil sa pag babalik ng mga amo ng kanyang Ina. Ang tagal ng panahong iniwan sila sa bahay na ito tapos babalik nalang bigla.
"Tumigil ka Monique wala kang karapatan na ganyanan sila dahil amo natin sila at atsay lang tayo dito, iniwan nga nila tayo sa bahay na ito pero patuloy padin naman sila sa pagpapasahod sakin kada buwan. Walang palya iyon kapalit nun ay bantayan at alagaan ang bahay na ito. Magpasalamat ka nalang dahil naging maganda din ang buhay natin sa loob ng 20 years." Suway ni Sally sa anak
"Basta hindi ako papayag, paano nalang kapag pupunta ulit dito mga kaibigan ko at malamang atsay lang pala ako dito ano sasabihin nila sakin? Iiwan nila ako at kutyain. Hindi ako papayag gagawa ako ng paraan para muli silang umalis dito"! Ani Monique sa Ina.
Sampal naman ang inabot ni Monique sa kanyang Ina.
"Wag na wag mong gawin iyan dahil di ako nakakapayag, kilala ko ang mga amo natin hindi sila basta basta napatumba Monique. Umayos ka at wag mo na silang balaking kalabanin." Anang ina ni Monique
"Wala akong pakialaman kahit ano natin sila, kong kelan masasanay na ako sa bahay na ito bigla nalang mawawala iyon? Itutuloy ko ang plano ko, uunahin ko ang anak nila". Bulong ni Monique sa kanyang sarili
Samantala
Madaling araw ng mga oras na iyon ay nagising na si ginoong Bryle, nalungkot kasi siya dahil hindi pumunta ang inaasahan niyang bisita si Georgina. Inakala nitong pupunta kahapon subalit hindi ito pumunta. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa dahil wala na ang chance na magpapabago sana sa anak niya.
ITUTULOY