Chapter 3

1414 Words
CHAPTER 3 Habang nasa loob sila ng police station ay walang tigil sa kababayan ang dalawa. Hindi din sila mag-away-away ng hepe roon dahil ayaw magpatalo isa man sa kanila. "Hindi ba talaga kayo tatahimik? Igalang nyo naman kami dito"! Asik ng hepe sa kanila Pinatawag na kasi siya ng kasamahang Puli para ito na sana ang mag solve ng kaso, pero imbes maayos niya ang mga ito lalo lang nagulo ang lahat. "Ikaw babae ka magbabayad ka sa ginawa mo sa akin"! Sigaw ni Bryan kay Georgina. "Neknek mo, deserve mo naman yan, masyado kang mayabang at mapanlait ng tao, buti nga sayo yan". Resbak naman ni Georgina dito "Chief ikulong nyo na to, kita nyo naman kong anong ugali meron ang babaeng yan, daig pa ang daddy ko." Anito "Chief sya ang ikulong mo para naman napagtanto niya na mali din sya". Pagtatanggol naman ni Georgina sa kanyang sarili "Eh kong kayong dalawa kaya ang ikulong ko, nang mag tanda kayo pareho" ! Sigaw ng hepe Doon na sila nanahimik at nagsukatan na lamang ng tingin. "Maghintay kayo diyan at titingnan ko ang cctv kong saan nangyari yang away nyo, para malaman namin ano ba talaga ang puno't dulo at kong sino dapat ipakulong". Anang pulis "No need na". Anang boses ng daddy ni Bryan Nakangiti pa siya ng makita ang Ama na papalapit sa kanilang kinaroroonan. "Daddy". Ani byran at patakbong lumapit sa ama na parang bata. Inirapan naman siya ng mata ni Georgina dahil kong umasta ito sa harap ng ama niya ay parang musmos na bata at inaapi. "Siya daddy, tingnan mo ang ngipin ko natanggal na dahil sinuntok ako niyan". Sumbong ni Bryan sa Ama Hindi pinansin ni Bryle ang anak bagkos dumerecho ito sa pwesto ni Georgina, nagulat pa ito ng nasa harapan nya na ito. "Miss pasensya Kana sa nagawa ng anak ko, ako na humihingi ng pasensya,alam ko kong anong ugali meron sya, kaya alam ko din na May ginawa siyang hindi maganda sayo dahilan kong bakit mo siya nasaktan".nakangiting wika ni ginoong Bryle Kunot nuong lumapit si Bryan sa ama at kay Georgina "Dad! Bakit ka sa kanya humihingi ng pasensya? Ako ang anak mo, ako ang nasaktan dito bakit parang kasalanan ko pa?" Di makapaniwalang saad ni Bryan "Tumigil ka nga dyan Bryan, ang tanda tanda mo na para ka pading isip bata. Kalalaki mong tao pero kong makapag sumbong ka para kang batang babae"! Sermon ng ama "Dad naman"! Reklamo ni Bryan "Aral na sayo yan, di lahat ng babae kaya mong makuha. Tandaan mo yan". Pahabol ng ama "Miss pwede bang aareglohin nalang natin ito? Ako na bahala sa anak ko pag nakauwi kami." Pakiusap ni Bryle kay Georgina "Ayos lang po sakin sir, basta mag sorry po sya sakin ayos na". Ani Georgina sabay tingin kay Bryan na para bang inaasar ito "Bryan hijo"! Tawag ni Bryle sa anak "Dad naman! Bakit ako ang sorry ako na nga itong nasaktan eh"! Reklamo ni Bryan sa ama "Kapag hindi ka nag sorry sa kanya iiwanan na kita dito sa presento para ipakulong, ipagbabawal ko ang bisita hanggang sa mag tanda k plus wala kanang makukuhang pera sakin, pati kotse di mo na magagamit". Dahil sa sinabi ng kanyang Ama ay napilitang mag sorry si Byran kahit na labag ito sa kanyang loob. Nauna din siyang lumabas sa police station at sumakay sa kotse ng ama na nakaparada lang din sa labas. Naiwan naman si Ginoong Bryle at si Georgina kasama si Angel. "Miss kong maari gusto sana kitang makita ulit at makausap". Maya-maya sambit ni Bryle ng nasa labas na sila ng police station. Inip na inip naman si Bryan mula sa loob ng kotse, kitang kita kasi niya na kinakausap pa ng ama niya ang babaeng nanakit sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka na-love at first ito sa dalaga "No way! Hindi ako nakakapayag na magiging Step Mother ko ang babaeng yun"! Sigaw ng isip ni byran "Bakit po sir? May dapat paba tayong pag-uusapan?" Takang tanong ni Georgina sa kaharap Pinauwi Nadin nya muna una si Ate Angel nya dahil May pasok pa ito mamayang Gabi, susunod nalang daw ito kapag tapos na silang mag-usap ng taong ito. Pasundo nalang din siya sa ama para makauwi sya kaagad "Pasensya Kana, May gusto lang sana akong itanong sayo ilang personal na tanong sana". Ani Bryle kay Georgina "Wala naman po kayong balak na masama sa akin hindi po ba? Nakakaintriga lang kasi 'yung mga sinabi ngayon sakin. "H-hindi wala, I mean gusto ko lang malaman kong anong trabaho mo, pangalan mo at kong ilang taon Kana?" Ani Bryle dito Gumawa ng pekeng pangalan si Georgina dahil baka mamaya May masamang intensyon ang kanyang kaharap. "Magda po ang pangalan ko, 23 na po at isa po akong tambay at palamunin ngayon sa bahay". Nakangiting sagot ni Georgina Ngiting labas sa ilong. Dahil alam nito sa kanyang sarili na tanging edad lang niya ang totoo sa kanyang sinabi G-ganon ba, baka gusto mo ng trabaho?" Alok ni Bryle sa kanya Namilog naman ang mga mata ni Georgina dahil sa wakas May trabaho na sya agad, ayaw naman niya na maging tambye lang sa loob ng isang buwan. "Pwede naman po sir, May inaalok po ba kayo?" Ani Georgina "Bago yun, ako nga pala si Bryle At yung anak kong nasuntok mo si Bryan naman."pagpapakilala ni Bryle sa kaharap Nag shake hands ang dalawa. Mula sa loob ng kotse ay kitang kita ni Bryle na nagbawal kamay ang dalawa, inis na inis siya at di na kinaya ang nakikita, lumabas ito sa kotse at tinawag na ang ama. Pero pinagalitan lamang siya ng Amaat pinapabalik sa loob ng kotse. Pabagsak nitong sinara ang pinto para alam nila na galit ito. "Gusto ko sanang maging body guard ka ng anak ko, sa tingin ko kasi qualified kang maging tagapagbantay nya sa lahat ng oras". Ani Bryle "Ho? Maging body guard?" Di makapaniwalang bulalas ni Georgina "Ang taong 'yun? Magiging body guard ako?" Ani Georgina at tinuro pa ang kotse kong saan naroon si Bryan. Kitang-kita din ni byran na nakaturo ang mga daliri ng babaeng kinaiinisan nya sa kanya, at sa tingin nya siya ang topic ng dalawa. "Lalakihan ko ang sweldo 50k a month libre lahat, di pa kasama ang bunos kapag May magandang nangyari o pagbabago sa anak ko." Nagulat din si Georgina dahil malaki ang sweldo, hindi na niya kailangang humingi sa magulang o Magalaw ang kanyang ipon sa bangko. "Kelan ako magsisimula?" Dahil sa sinabi ni Georgina ay napasuntok sa hangin si Mr Bryle at napa yes pa Lalo lang na intriga sa loob ng kotse si Bryan, batid na nitong na love at first sight ang kanyang Ama dito. Pipigilan niya iyon bago pa mangyari ang lahat. Unang tingin palang nya sa babae ay alam niyang May hindi maganda dito at May tinatago itong sekreto. "Ikaw kong kelan ka pwede, no need requirements na tanggap na kita bilang bagong guard ng anak ko".masaya at galak na sambit ni Bryle "Pakibigay po ang address nyo at bukas sisimulan ko na ang trabaho, ako na ang pupunta sa bahay nyo". Ani Georgina Ibinigay ni Bryle sa kanya ang address nito, sakto at hindi din ito kalayuan sa bahay nila Matapos maibigay ni Bryle kay Georgina ang address nito ay nagpaalam na sila both side para makauwi na dahil mag gabi Nadin. Tinawagan ni Georgina ang ang kanya Amang si Jack at sinabi dito kong saan sya susunduin. "Dad May bago pala akong trabaho bukas," pag bukas ni Gina ng usapan habang nasa kotse sila. Napatingin naman sa salamin ang Ama "Trabaho? Bakit ka mag tatrabaho? Umuwi tayo dito para mag bakasyon hindi ba"? Anang ama "Yes dad, pero alangan naman Ho na puro gala at lakwatsa lang ang gagawin ko sa loob ng isang buwan, mas maganda din yung May sarili akong pera habang dito tayo sa Pinas". Ani Georgina "Kausapin mo ang mommy mo, sa tingin ko hindi yun papayag". Ani Jack sa anak "Ikaw na mag sabi dad, sa tingin ko papayag un kapag sinabi mo. Please dad". Pakiusap ni Georgina sa Ama "Okey okey fine". Pagsuko ng kanyang Ama Nakarating na sila sa hotel kong saan maaari silang mag stay, buka ay pupunta pa sila sa bahay ng kanyang lolo at lola, sa sunod na araw nalang sya pupunta sa kanyang trabaho. Mas mahalaga padin ang na meet nya muna ang kanyang lolo at lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD