Chapter 2 ( Paghaharap)

984 Words
I'm His Lady Guard (Book 3) Chapter 2 Mainit nanaman ang ulo ni Bryle sa kanyang anak na binata, si Bryan. Paano ba naman kasi madaling araw na ito umuwi kagabi at lasing pa. Hindi niya na talaga alam ang gagawin sa kanyang nag-iisang anak. Hindi niya alam kong saan ba siya nag kulang sa pag-aalaga dito. Lagi nalang pinapasakit ang ulo niya. Ngayon ay 52 na si Bryle at wala ng asawa tanging sila nalang ng anak ang magkasama sa buhay pero hindi niya padin alam kong paano baguhin ang ugali ng anak. Graduate na ito sa kursong management pero hanggang ngayon hindi padin nag seryoso ang kanyang anak para mag trabaho sa kompanya niya, ito na sana ang kanyang tagapagmana ngunit wala itong kasipag-sipag sa katawan ang tanging nais lang nito gawin sa buhay ay mag barkada, mag bar at maghanap ng mga babae na pwede nitong aliwin. "Bryan gumising Kana diyan, kailangan mo ng sumama sa kompanya mamaya para makapag simula Kana doon sa pagtatrabaho, wag mo na akong pahirapan pa"! Katok ni Bryle sa pinto ng kanyang anak Pero hindi ito sumasagot. Gamit ang duplicate na susi ay binuksan ni Bryle ang kwarto ng anak, tumambad sa kanya ang hubo't-hubad na anak habang May kasamang babae sa kama. Nagtaka siya kong paanong naitago ng anak ang babae kagabi gayong sya naman ang nagbukas ng gate dito. Tulog na tulog pa ang mga ito at alam ni Bryle na ang babaeng dala ng kanyang anak ay galing nanaman sa bar. Hindi na talaga nagbago ang anak niya, hindi Nadin niya alam kong ano ang gagawin dito. Lumabas siya ng dahan dahan sa kwarto ng anak at nag iwan nalang ng note sa mesa na nagsasabing pumasok siya sa kompanya kapag nagising na siya, dahil ngayong araw ang simula ng trabaho niya roon. Tumuloy na si Bryle sa opisina nito, ito pa ang kompanyang ipinamana sa kanya ng namayapang ama na si ginoong Jose. Patuloy niya itong inaalagaan hanggang sa makaya niya. Dahil ipapamana din niya ito balang araw sa kanyang anak na si Bryan "Goodmorning sir". Sabay sabay na bati ng kanyang mga empleyado. "Goodmorning din sa inyo". Pabalik na bati niya sa mga ito 18 years na ang nakalipas mula Nong nanalo siya at hindi na ulit nag asawa. 5 year old lang noon ang anak na si Bryan, dito na halos umikot ang mundo niya at hindi na nagawang naghanap pa ng babae para sa kanyang buhay. Para sa kanya sapat na ang anak para sa kanya. Nagsimula ng mag trabaho si Bryle, patingin tingin din siya sa kanyang relo dahil inaasahan padin niyang papasok ang kanyang anak sa opisina. Bumaba Nadin muna siya para bumili ng Meryenda nya, ilang saglit lang ay bumalik Nadin sya sa opisina nito. Ganon nalang ang gulat niya ng madatnan ang anak at ang babae nito na nag lampungan mismo sa loob ng opisina nya. Sa inis niya ay sinigawan nya ito at pilit pinalabas ng office. "Mamamatay ako ng wala sa oras kakasaway sayo Bryan! Kailan kaba nagseseryoso sa buhay"! Pahabol na sambit nito sa anak. Nanlumo si ginoong Bryle dahil narin sa inis sa kanyang anak, nawalan na sya ng gana kumain kaya napag pasyahan nalang nitong umuwi ng maaga para maka-relax sya. Habang nagmamaneho sya ay hindi nito namalayan na May muntikan na siyang nasabing sasakyan, mabilis siyang bumaba para tingnan kong nagasgasan ba niya iyon, bumaba din ang driver Nong kotse. "P-pasensya na sir muntik ko na kayo madali". Hinging pasensya ni ginoong Bryle dito "Wala naman palang problema, ayos na iyan sir". Magaling na sagot nag kausap nito. Nang magkatinginan ang dalawa ay doon nila nakilala ang isa't-isa. Si Jack na asawa ni Mariposa at si Bryle na dating boss ni Mariposa at katagalan naging mag kumpare Nadin dahil inaanak nito si Georgina. "Pareng jackkkk'. Masiglang bati ni Bryle "Woaaa pareng Bryle ikaw nga iyan". Balik na sigaw ni Jack dito Umalis sila sa gitna ng kalsada at pumunta sa coffee shop para doon sila magpatuloy sa kanilang pag-uusap Doon nila tinuloy ang naudlot nilang kamustahan. "Pare kamusta ka naman sa London? 20 years Nadin bago kayo umuwi dito ah, si inaanak ko kamusta na siya?" Sunod-sunod na tanong ni Bryle sa Kaibigan. "Ganoon padin naman pare, nandito lang kami para mag bakasyon, nabigyan kasi ng break ang anak ko sa trabaho, gusto niya dito sa Pinas muna magpahinga lalo na at namiss Nadin nya ang lolo at lola nya" .sagot ni Jack sa kaibigan. "Mabuti naman kong ganoon pare, siguro lumaking mabait masunurin ang inaanak ko?" "Tama ka pare, wala akong problema sa anak naming iyon". "Mabuti kapa kasi ung sakin hindi ko alam kong magbabago paba iyon, ang tigas ng ulo at mahirap pagsabihan." Ani Bryle "Babae lang katapat nyan para tumino pre, diba nasa tamang edad naman na sya?" Suhestiyon ni Jack sa kaibigan "Pare ginawa ko na pero wala e," malungkot na saad ni Bryle Hanggang isang tawag ang napatahimik sa kanilang dalawa. "Dad help me, nandito ako sa police station ". Anang anak na si Bryle "Ano nanaman ba ang ginawa mo?! Asik ng ama "Binugbog ako ng babae kaya nereport ko sya dito dad, help me, natanggal isang ngipin ko. Ipakulong ko sya" sumbong ng anak Imbes magalit ang Ama ay natawa pa ito sa huling sinabi ng anak "Pare mukhang nakahanap na ata ng katapat ang anak ko, kailangan kong makita at makausap ang babae sa tingin ko siya na ang sagot sa problema ko sa aking suwail na anak, magbabayad ako kahit magkano sa babaeng yun basta mag trabaho lang sya para sa anak ko.," ani Bryle na nakangiti Nagpaalam na ang dalawa sa isa't isa matapos mag bigayan ng mga kontak sa isa't isa. .kailangan din kasing sunduin ni Jack ang anak sa mall ngayon. Samantalang si Bryle ay dumerecho na sa police station kong saan naroon ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD