Chapter 1 (unang pagkikita)

1099 Words
I'm His Lady Guard (book 3) Chapter 1 Masayang-masaya si Georgina dahil sa wakas nakauwi na siya sa Pilipinas. 20 years Nadin ang nakalipas mula Nong lumipas sila ng London ng parents niya. At ngayon nga ay tapos na siya sa kanyang pag-aaral at nakapag trabaho Nadin bilang isang pulis sa London. Binigyan siya ng isang buwang bakasyon sa Pilipinas, hindi pa sana niya binalak umuwi dito dahil nasanay na siya sa London . Kaso si ate Angel at tita Regine niya ay panay text at tawag sa kanya na umuwi naman daw sila sa Pilipinas. Ganoon din ang kanyang lolo Tristan at Lola Angelina na walang ibang hiling sa kanilang tatlo na umuwi din dahil miss na miss na nila ito. Ngayon nga ay nasa Pilipinas na si Georgina kasama ang Mommy Rri at daddy Jack niya, sa edad nang mommy at daddy niya ngayon ay hindi padin mawala sa dalawa ang ka sweetan nila. Para parin silang mga teenagers. "Ang ganda talaga ng hangin dito sa Pilipinas mom dad, parang ayaw ko na tuloy bumalik sa London at dito nalang ako mag palipat ng trabaho". Bulalas ni Georgina sa kanyang mga magulang "Naku matutuwa ang lolo at lola mo niyan anak kapag sinabi mo sa kanila yan". Anang daddy niya "Pero syempre pag-isipan ko po muna dad, nga po pala pwede po ba kaming mamasyal mamaya ni Ate Angel sa mall? Gusto ko lang mamasyal ng matagal kasama si ate". Ani Georgina "Pwede naman anak, pero ayaw mo bang mag pahinga muna bago ka mamasyal? Baka pagod ka sa byahe". Anang mommy niya "Kere lang mom, wag ka mag-alala." "Okey sige ihahatid ko muna ang mommy mo sa bahay at ihatid ko naman kayo sa mall ni Ate mo Angel, sabihan mo na siya na daanan natin siya mamaya". Anang daddy Jack nya. "Copy dad". Sagot nito sa ama. Inihatid na nga ni Jack ang kanyang asawa sa hotel kong saan muna sila tutuloy pansamantala, hindi muna sila uuwi sa bahay ng kanyang mga magulang dahil balak nila itong i-surprise. Pagkahatid niya sa kanyang asawa ay sinundo naman nila si Angel sa location na binigay nito, hindi din kasi nila pinaalam muna sa mommy Regine nito na umuwi na sila balak nilang bukas na magpakita. Ilang saglit pa ay kasama na nila si Angel, tuwang tuwa naman ang dalawa dahil nagkita na ulit sila after 20 years. Si angel ay isa nang ganap na nurse magkaiba man sila ng kurso pero mag bestfriend padin ang dalawa kahit ano pa man ang mangyari. Pareho silang maganda at katunayan si ate Angel nya ay May boyfriend na sa edad na 24 at si Georgina naman ay 23 hindi pa ito nagkaroon kahit na isang beses. Sa SM MEGA ball sila ng daddy Jack niya inihatid, sunduin daw sila mamayang uwian mag tawag lang daw ito sa kanya. Pero tumanggi si Georgina at sinabing si ate Angel na niya ang maghahatid sa kanya sa bahay nila . Masayang naglakad ang dalawa papasok ng mall, May iilang mga kalalakihan ang nakakapansin sa kanila dahil Nadin sa taglay nilang ganda kahit sino talaga ay mapatingin sayo. Hinayaan lang nila iyon at tumuloy na sila sa gustong-gusto nilang gawin ang maglaro sa arcade, nagmukha tuloy silang bata sa ginagawa nilang dalawa. Nagtagal din sila ng ilang oras sa arcade bago nila napag pasyahang kumain muna dahil pareho na silang nagugutom. Pumunta sila sa Mcdo na malapit lang sa kanilang pinaglalaruan, isa din ito sa namiss ni Georgina. Matapos nilang kumain ay nagpahinga muna sila at nag lakad-lakad patungo sa bilihan ng mga sapatos, damit at kong ano ano pa. Habang namimili ang dalawa ay di namalayan ni Georgina na makakabangga na sya. "What the h*ll miss"!anang galit na boses ng lalaki Napatingin si Georgina sa lalaki tila nag slow motion ang kanyang pagtingin dito. Tila ba na love at first sight sya sa lalaking kaharap. Gwapo kasi ito at mahalintulad kay Lee min Ho na Korean actor na isa sa mga paborito niyang oppa sa Korea. Kong gaano kabilis na na fall si Georgina dito ay ganun din kabilis mawala ang pagkagusto niya sa lalaki dahil sa ugali nito. " Are you deaf? Kinakausap kita"! Singhal nito sa kanya "Sorry di ko sinasadya". Ani Georgina "Sorry oh sinadya mo talaga para mapansin kita, sorry pero di kita type, pwede tumabi ka sa dinadaananan ko sagabal ka". Anito "Nag sorry na nga diba? At excuse me? Nagpapapansin ang kapal mo sa part na yan, feeling pogi ka niyan ha baka sirain ko yang mukha mo"! Inis na tira. Ni Georgina dito Mahangin kasi ang lalaki at mayabang kaya inis na inis na si Georgina dito "Ang tapang mo naman babae, di mo ba kilala kong sino ang kausap mo? Kaya ngayon palang tumigil Kana makatalak diyan kong ayaw mong masaktan sakin"! Anito "Tabi"! Anang lalaki at nabigla siyang itinulak pa tabi. Sa inis ni Georgina ay kinuha nito ang isang pares ng sapatos niya at walang pasabong ibinato sa lalaki, sapol sa batok dahilan para napalingon ito sa kanya. Napasinghap ang mga tao na nakakita sa ginawa niya, bumalik ang lalaki at akmang sasampalin siya ng inunahan siya ni Georgina ng isang suntok. Tanggal ang isang ngipin niya sa taas . Hawak hawak nito ang duguan baba dahil sa pag tanggal ng ngipin. "Magbabayad ka! Ipakulong kita"! Banta nito sa kanya "Gawin mo, samahan pa kita sa police station niyan eh". Anito "Hindi mo kilala ang binabangga mo, May kalalagyan ka". Muling wika ng lalaki Kinuha nito ang cp at narinig ni Georgina na daddy nito ang kausap,pinapapunta sya sa police station, at doon nito sinabi sa Ama ang nangyari sa knya . "Tsk sumbongero, iyakin blee." Ani Georgina at binuksan pa ang lalaki na lalong nagalit sa kanya. Maya-maya pa ay May dumating na dalawang guard at isang medic ng mall para tingnan ang duguang bunganga ng lalaki, samantalang hawak NMN ng dalawang guard di Georgina. Dadalhin nila ito sa police station dahil ang rereklamo ang lalaking sinuntok niya. Samantalang pinigilan NMN ni Georgina ang ate Angel niya na wag ng sabihin ito sa daddy niya at sya na ang lulutas sa problemang pinasok nya. "Hay naku naman best, kakauwi mo lang sa Pilipinas, gulo naman agad ang pinasok mo, ang masaklap pa tinanggalan mo pa ng isang ngipin. Mana ka talaga kay lola mo Angelina, kwento ni mommy sakin ganyan dawka hustler noon si Lola Angelina kay lolo Tristan . Malay mo yung lalaking sinuntok mo ang the one mo". Gusto ng kaibigan "Kawawa siya sa'kin". Pabirong hirit naman ni Georgina Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD