HELLO BOOK 3 NG I'M HIS LADY GUARD SOON TO POSTING ABANGAN PO NINYO
PROLOGUE
Bryan Lopez, isang 25 year old na binata na sakit sa ulo ng kanyang daddy Bryle. Hindi kasi ito sumusunod sa gusto ng kanyang Ama mahilig ito sa babae at mag bar. Ito lang palagi ang kanyang ginagawa sa buhay.
Aminado si Bryle na sa kanya nagmana ang anak pero hindi niya akalain na mahihirapan siya dito. Hindi niya na alam ang gagawin sa anak kong paano niya ito mapapatino.
Ilang babae Nadin ang nereto nya dito baka sakaling mainlove at mag bago pero walang epekto sa kanya ang lahat.
Silang dalawa nalang ng kanyang anak ang natitira sa mundo, namatay na ang daddy Jose niya Nong nakaraang taon dahil sa katandaan.
Ngayong 52 na ito ay lubos na siyang nababahala sa binatang anak niya, nag-iisa lang itong anak niya, at ito lang ang tanging tagapagmana nya sa kanilang kompanya.
Hindi niya na alam ang gagawin. Gusto Nadin niyang magkaroon ng apo pero iniisip ni ginoong Bryle kong kailan pa iyon ibibigay sa kanya ng anak. Lalo na at kagaya nya noon kaliwa't kanan ang mga babae.
Pauwi na ng halong iyon si ginoong Bryle mula sa kanyang opisina mainit nanaman ang kanyang ulo dahil sa Naka na si Bryan.
Sa office ba naman dinala ang babae at doon sila nag lampungan kaya naging usap-usapan sila sa loob.
Dahil sa inis ni Bryle sa anak ay hindi nito napansin na May mababangga Nadin siyang kotse.
Mabilis siyang nakapreno, para masigurado na okey lang ang kotseng nabangga sana nya ay bumaba sya para mag sorry dito.
Bumaba din ang driver ng kotse hangang sa nagkaharap ang dalawa, ganoon nalang ang gulayan nila sa isa't isa dahil familiar sila sa isa't-isa.
"Bryle?"
"J-ack?
"Pareeee". Masayang wika ng dalawa.
Sa coffee shop tumuloy ang dalawa para ipagpatuloy ang muli nilang pagkikita
20 years Nadin mahigit mula Nong di sila nagkita dahil sa ibang bansa na tumira ang mag-asawang Jack at Mariposa.
Huling kita pa nila noon ay sa kasal ng kaibigan nitong si Regine.
"Pare mabuti at bumalik na kayo dito sa Pinas? Dito naba kayo for good?" Tanong ni Bryle
"Oo pare, gusto kasi ng anak ko na magkaroon ng ibang idea dito sa bansang pinagmulan niya, pinili niya na dito muna mag bakasyon". Sagot ni Jack
"Dalaga naba ang inaanak ko?"
"Oo 23 na siya at ngayon isa na siyang Martial artist.
"Ganoon ba, mabuti kapa at mukhang lumaking mabait ang inaanak ko, ang sakin ngayon sakit ng ulo". Ani Bryle
"Pare babae lang katapat niyan para tumino". Suggest ni Jack
"Pare ginawa ko na pero wala e".
Malungkot na saad ni Bryle
Hanggang sa isang tawag ang napatahimik sa kanila.
"Dad help me, nandito ako sa police station." Anang anak na si Bryan
"Ano naman ba ang ginawa mo?"Asik ng ama
"Binugbog ako ng babae kaya nereport ko sya dito dad help me, natanggal ang isang ngipin ko, kailangan ko siyang ipakulong".sumbong ng anak
Imbes magalit ang ama ay natawa pa ito sa sinabi ng anak.
"Pare mukhang nakahanap na ng katapat ang anak ko". Ani Bryle
Bago nyo sana ito basahin, unahin nyo muna ang book 1 para magets nyo ito.
pangalawa po ang bayarang babae at ito po ang pang 3.