CHAPTER 6
MAAGANG nagising sina Mariposa at Jack kasama ang anak na si Georgina, ngayon kasi balak magsimula ni Georgina sa trabaho. Dapat kasi kahapon kaso May family gathering sila kaya pinaliban niya muna ito.
Pagbaba nila ay nakahanda na ang mga almusal sa misa, nakangiti ang mag-inang Sally at Monique habang inaantay silang makababa.
Inalok silang mag almusal na dahil nakahanda na ang lahat.
Umupo naman silang tatlo at nagtimpla ng sarili nilang kape, nag insist pa si Monique na siya na ang mag timpla pero pinigilan siya ni Georgina dahil siya inaano ang gumagawa nito sa mommy at daddy niya.
Palihim naman na nainis si Monique kay Georgina.
Habang kumakain sila ay biglang naalala ni Mariposa ang regalo nito kay Monique.
"Mo'Nique halika dito, pakikuha muna sa taas doon sa kwarto ang pasalubong ko sayo, nakapatong siya sa tabi ng tv kunin mo doon." Nakangiting sabi ni Mariposa.
"Talaga po t-tita". Sambit ni Monique
Biglang natahimik ang tatlo saglit maging ang nanay nitong si Sally dahil imbes ma'am ang itawag ay Naki tita pa Ito.
"Nice, hahah okey tama yan tita nalang ang itawag mo sakin. Dahil di na kayo bago sakin okey?" Ani Mariposa
Sa sobrang tuwa ni Monique ay bigla nitong niyakap si Mariposa na hindi naman agad nakakilos dahil di niya lubos akalain na magawa iyon ni Monique sa kanya. Inisip na lamang ni Mariposa na malambing na dalaga ang anak ni Sally.
Ang hindi alam ni Mariposa ay kasama iyon sa madilim na plano ni Monique. Unti-unti nitong kukunin ang loob nilang mag-asawa. Sa anak kasi parang nahirapan na siya dahil nakita nitong mukhang palaban din ang anak.
"Mommy daddy, mauuna na ako May work pa ako ngayon, uuwi nalang ako mamayang gabi". Pag basag ni Georgina ng katahimikan
"Ihahatid na kita". Singit ng daddy Jack nya
"Dad wag na, mag commute nalang ako at isa pa ngayon ang simula ng trabaho ko alam mo na". Ani Georgina dahil sinabi nya na dito ang dahilan kong anong trabaho ang papasukin nya
Tumaas naman ang kilay ni Monique dahil sumingit sa usapan ang mabidang anak,
Inagaw Nadin niya ang attention nito
"Tita aakyat na ako sa itaas kukunin ko na po ang regalong binili nyo para sakin". Ani Monique
Napunta na ulit sa kanya ang attention ng mommy Mariposa ni Georgina
"May naamoy akong hindi maganda sa babaeng 'yun". Ani Georgina sa kanyang isip
Bago umalis si Georgina ay kinausap niya muna nang palihim ang mga magulang
"Mag-ingat kayo dito sa bahay mommy daddy, hindi maganda ang pakiramdam ko sa anak ni manang sally para bang May masama itong plano". Maya maya wika ni Georgina sa mga magulang
"Wag ka mag-alala anak, lagi kaming handa at isa pa mukhang mabait naman si monic, hangga't di ko siya nakitaan ng masama itrato ko siya ng mabuti. Pero wag lang siyang nagkamaling gumawa ng kalokohan kilala mo kami ng daddy mo, ayaw namin ng traidor sa paligid". Seryoso ngunit May laman ang pagkasabi ni Mariposa non.
"Sige na mag-iingat ka sa trabaho mag kontak ka sa amin mamaya. Baka pupunta din kami sa office tutulong kami kay tita Regine mo". Ani Jack
Nag beso na si Georgina sa kanyang mga magulang at umalis na.
Habang sa itaas naman, tanaw na tanaw ni Monique mula sa bintana na nag uusap ang tatlo, hindi alam ni Monique kong ano ang pinag-uusapan nila pero alam niya sa sarili niya na sila ang pinag-uusapan nang mga ito.
Kuyom na kuyom ni Monique ang kanyang kamay, at galit na nakatingin sa paalis na anak.
."bakit pa kasi kayo bumalik dito"! Bulong nito sa kanyang isip
Maya maya pa ay pumasok din ng ina nitong si Sally, kinausap niya ang anak tungkol don sa gnawa niyang eksena kanina.
Hindi daw iyon nagustohan ng ina niya at maari wag nang ulitin dahil nakakahiya umano, una sa lahat katulong lang sila sa bahay hindi kaano-ano.
"Wala kang pakialam nay, hindi ko tanggap na basta nalang katulong sa bahay na ito. May karapatan tayo dito dahil 20 years nating inalagaan to! Dapat kasi di na sila bumalik eh! Sana mamatay nalang sila bigla para tuluyan ng mapunta satin to"! Ani Monique
Bigla siyang sinampal ng ina, di niya inaasahan iyon pero dalawang beses siyang sinampal ng nanay nya.
."hindi ko alam kong saan ba ako nagkamali sapag aruga sayo! Hindi na ikaw iyan anak, masyado mo nang tinataasan ang standard mo gayong mahirap lang naman talaga tayo, pinag aral kita pero hindi mo tinapos, kaya hanggang ngayon di ka padin Naka graduate sa highschool dahil puro ka barkada at umaasa sa perang sinasahod ko, kong alam ko lang na ganyan magiging epekto sayo dapat noon palang pinasama na kita sa tatay mo"! Galit na turan ng ina sa kanya
"Anong nangyayare dito manang sally Monique?"
Nagulat sila sa biglang pagsulpot ng mag-asawa sa labas ng pinto
"Tita- Ma'am". Sabay na sambit ng mag-ina
"Wala naman po tita, nag uusap lang kami ni nanay tungkol sa uulamin mamayang tanghali". Ani Monique
"Wag na kayo magluto dahil hindi kami mag lunch dito, Gabi na kami makakauwi dahil tutulong kami ngayon sa kompanya namin, bibisitahin namin ang branch . Magluto nalang kayo para sa inyo". Ani Jack
"Sige po tito salamat po". Malambing na sagot ni Monique halata sa boses nito na May pang-aakit na boses
Sa gilid naman ay pasimpleng nakiramdam naman si Mariposa, mukhang tama kasi ang kanyang anak.
Samantala
Nakarating na si Georgina sa location ng bahay na binigay ni Ginoong Bryle sa kanya, nag doorbell sya ng tatlong beses bago iyon bumukas.
Nakangiting si Bryle ang nag bukas ng gate para sa kanya.
"Finally! Akala ko hija hindi Kana tutuloy". Galak at excited na sambit ni ginoong Bryle
"Maari po ba iyon? Pasensya na po kong hindi ako natuloy kahapon, May family gathering kasi kami kaya dumalo muna ako sa family namin, para magkita-kita at makasalo sila sa pagkain. Kaya po wala ako kahapon". Ani Georgina
"Okey lang iyon, ang mahalaga narito Kana. Sa ngayon nasa kwarto ang anak ko, ang gagawin mo muna kapag aalis siya sumunod ka or sumama ka sa kanya. Wag mo siyang hayaang makawala sayo kaya mo ba iyon?" Ani Bryle
"Ako po ang bahala, bukod doon yun lang po ba?" Ani Georgina
"Basta siya lang ang trabaho mo, saan sya pupunta at kong ano ang gagawin nya dapat doon at at ereport mo sakin ang mga ginagawa niya. Kaya mo ba talaga ito? Sorry ha disido na akong pabagohin sya". Ani Bryle
"Ipagkatiwala nyo na po siya sa'kin sisiguraduhin ko na hindi matapos ang isang buwang 'to ay mapabago ko na sya". Buong tiwalang sambit ni Georgina
"S-salamat magtitiwala ako sa'yo, Magda sana sana talaga magkatotoo ang sinasabi mo. Ipapaubaya ko na sayo ang pagbabago ng aking anak, magtitiwala ako sa'yo". Ani Bryle
Mula sa taas kitang-kita ni Bryan ang daddy niya kausap ang babaeng kinaiinisan nya.
"Talagang pumunta kapa talaga dito? Humanda ka gagawin kong mahirap ang buhay mo dito sa bahay".bulong ni Bryan sa sarili niya at tuluyan ng bumaba para salubungin ang bisita ng daddy niya.
ITUTULOY