CHAPTER 7
Habang pinagtitimpla ni Ginoong Bryle si Magda (Georgina) pababa naman ng mga oras na iyon si Bryan na masama ang titig sa kanya.
Mag-isa lang na nakaupo sa sofa si Georgina Nong lumapit si Bryan sa kanya.
"Sinasabi ko na nga ba, May hidden agenda ka talaga. Hindi mo ako nakuha kaya ang daddy ko naman ngayon ang inaakit mo? Ang galing mo ano? Ano na ang alam mo samin at pati daddy ko nakuha mo?" Inis na sambit ni Bryan sa kanya.
"Ano naman kaya ang sinasabi ng damuhong 'to". Bulong ni Georgina sa kanyang sarili
"Goodmorning". Nakangiting bungad ni Georgina sa kanya
"Huwag kanang magpanggap na hindi mo nadinig mga sinasabi ko sayo kanina"! Anito na tila naiinis na
"Ang alin don?" Takang tanong ni Georgina kahit narinig niya naman talaga gusto lang nitong asarin ang kaharap
"Anong ginagawa mo dito sa bahay ha? Nandito kaba para makahuthot ng pera sa daddy ko?" Nagulat pa si Georgina sa sinabi ni Byran
Pero gusto niya itong sakyan.
"Paano kong iyon nga?" Aniya na tila inaasar si Bryan
"Kong ako sa'yo bago pa pumunta si daddy dito umalis Kana. Magkano ba ang kailangan mo? 5k 10k 30k? Sabihin mo para makaalis Kana". Tanong ni Byran sa kanya
"Ang liit ng offer mo, bakit pa ako pipili sa offer mo e pwede ko naman makuha sa daddy mo yan kada oras". Saad ni Georgina na lalong nagpakulo sa dugo ni Byran
Akmang itatayo niya na ito para piliting ilabas ng bahay ng dumating ang daddy niy dala ang juice na tinimpla nito para kay Georgina
"Oh diyan Kana pala hijo, kilala mo siya diba siya si Magda mula ngayon makakasama na natin sya araw-araw". Anang daddy niya
"Bat naman dad sya pa? Masyado siyang bata para sayo, pera lang ang habol niyan sayo eh". Maktol ni Byran na parang bata
"Anong pinagsasabi mong damuho ka? Anong pera ang sinasabi mo diyan?" Takang tanong ng daddy niya
"Wag na nga kayo mag maang-maangan diyan dad, alam ko naman na kaya mo dinala ang babaeng yan dito para maging girlfriend mo. Sinasabi ko sayo ayaw ko siya maging Steo mother at lalong ayaw ko sa mukhang pera na yan." Galit na sigaw ni Byran sa kaharap
"Tumigil ka nga diyan Bryan, hindi ko siya babae ang totoo niyan nandito siya para sayo". Anang daddy niya
"Mas lalong ayaw ko sa kanya, dad naman hanggang kelan mo ba ako di titigilan sa gawain mong yan kani-kanino mo ako nerereto ni hindi mo alam kong tagasaan or sino ang babaeng yan, mamaya niyan polo*k pala--
.hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sinalpok siya sa ulo ng daddy niya.
"Pasensya Kana miss Magda sa anak ko, ganito talaga ugali niya. Sa tingin mo kaya mo ba sya". Tanong ni ginoong Bryle kay Georgina
"Gaya ng sabi ko sayo ginoong Bryle ako ang bahala sa anak mo." Kampanteng sagot ni Georgina..habang si Bryan naman ay naguguluhan sa usapan ng dalawa .
"May hindi ba ako nalalaman dad? Ano Pong ibig nyong sabihin tungkol sakin?" Di nakatiis na tanong ni Bryan sa Ama
"Mula ngayon dito na mag tatrabaho si Magda at ikaw ang babantayan niya". Panimula ng daddy niya
"Ano?! Dad mukha ba akong bata?! Malakas na sigaw ni Bryan sa Ama
"Tumigil ka Bryan ako ang masusunod dito, wala kang karapatang questionen ako"! Galit naman na sigaw ng daddy niya
"Sa totoo naman kasi dad eh, ano siya yaya ko!" Pang Alaska pa ni Bryan
"Wala kanang magawa, kailangan mong sundin lahat ng iuutos sayo ni Magda, sa kanya ko na itinitiwala ang pagbabago mo. Ginawa ko na lahat Bryan para magbago ka pero ayaw mong magbago. Ito lang ang naisip kong paraan para mabago naman yang ugali mo." Mahabang litanya ng daddy niya
"Ano ba sa tingin nyo ang kaya nitong gawin sakin dad? Baka isang halik ko lang tiklop to". Nakangiting sambit ni Bryan
"Tumigil ka Bryan ibahin mo siya sa mga babae mo, hindi ganyan ang pagkakilala ko kay Magda alam kong siya din ang magpapabago sayo. Nababasa ko iyon". Anang daddy niya
"Gaano ka kaseryoso dad? Gusto mo bang patunayan ko sayo?" Ani Bryan
Lumapit ito sa tahimik na si Magda sa mesa habang iniinom nito ang kanyang juice,walang pasabing pinatayo siya ni Bryan at akmang hahalikan sana ng bigla siyang napasigaw sa ginawa ni Magda sa kanya.
Tinuhod siya ni Georgina dahilan para matamaan ang balls nito sa baba
"Aray ang itlog* ko"!!!!malakas na sigaw ni Bryan
.habang wala namang pakialam ang dalawa sa kanya dahil nagsimula na ulit sila mag-usap.
"Pwede kanang pumasok sa trabaho ginoong Bryle, ako na ang bahala sa anak mo dito. Maniwala kayo sakin kaya kong pabagohin ang isang itlog na yun". Nakangiting saad ni Georgina sa kanyang Amo
"Kong ako sa'yo magpakabait ka kay Magda anak, dahil baka hindi lang yan ang abutin mo sa kanya. Sumunod ka sakin sa office dahil magsisimula Kana sa trabaho mo. Wag na wag ka'ng magpapalate." Ano Bryle sa anak
Masamang tiningnan ni Bryan si Magda na ngayo'y nakatayo na sa kanyang harapan, nakapamewang pa ito.
"Maligo Kana at susunod tayo sa office ng daddy mo". Utos ni Georgina sa kanya
"Paano kong ayaw ko? May magagawa ka?" Pabalang sagot ni Bryan
"Wag mong sagarin ang pasensya ko pisot ha. Baka di kita natantya riyan". Ani Georgina.
"What pisot?! Inis na tanong ni Bryan
"I google mo. Basta maligo Kana don aantayin kita dito sa sala. Bilisan mo May 20 minutes ka lang". Utos ni Georgina dito
"Makautos akala mo nanay kita. Tigilan Moko makakaganti din ako sa'yo babae ka." Bulong ni Bryan pero hindi niya akalaing nadidinig iyon ni Georgina
"Wag mong painitin ang ulo ko ha, baka gusto mong tanggalin ko din isang ngipin mo sa baba?" Banta ni Georgina sa kanya
"Sige nga subukan mo". Utos ni Bryan sa kanya, gusto kasi ni Bryan makita kong ano ba talaga ang kakahayan ng babaeng to.
"Sugurin mini sige nga". Pang aasar pa ni Bryan
Nag ambag ng suntok si Georgina sa kanyang mukha pero nasalag ito na Bryan hawak nito ngayon ang kamao ng dalaga.
Pero di niya akalain na mahina lang iyon at sadyang ginawa iyon ni Georgina dahil nasa kaliwang kamay talaga ang lakas nito.
Gulat na gulat si Bryan ng dumapo sa mukha nya ang kaliwang kamay ni Georgina
Hindi nga natanggal ang ngipin pero dumugo naman ang nguso nya.
"Pasalamat ka mahina lang yan. Kong nilakasan ko pa tiyak hindi lang isang ngipin mo ang natanggal kundi lahat na". Ani Georgina at iniwan na si Bryan saka tinungo ang veranda para don ito antayin.
"Maligo Kana, masama akong pinaghihintay".
"Arghh ikaw na babae ka gaganti ako! Sino ka para gawin sakin ito"! Ani Bryan na galit na galit