Chapter- 3

1263 Words
“I’M sorry po pero hindi ko ipinamimigay ang anak ko at lalong hindi ko kailangan ng sustento. Ang nangyari sa amin ng anak ninyo ay isa lang pagkakamali, wala siyang pananagutan sa amin.” “Pero Montemayor ang bata at karapatan niya kung ano ang mayroon ang kanyang ama. Apo namin ang anak mo, hija, huwag mong masamain ang inaalok namin sa iyo.” “Hindi ko ho kayang mawalay sa anak ko, kaya sana maintindihan ninyo kung bakit hindi ko matatanggap ang alok ninyo para sa anak ko. Kaya ko naman ho na buhayin at palakihin nang maayos ang bata. Pasensiya na ho kayo.” Walang nagawa ang mag-asawa, malungkot silang nagpaalam at nakasunod lang ng tingin si Tanya. “Sino ang mag-asawa na ’yon, anak?” “Ah, w-wala iyon, Inay. May itinanong lang tungkol sa trabaho ko.” “Ah, gano’n ba, anak? Pasensiya ka na, Tanya. Ganitong hindi ako nakakakita ay hindi kita matulungan.” “Inay, ’ayan na naman kayo. Ilang beses ko ba na sasabihin sa inyo na ayos lang po. Makakaraos din tayo, ang mahalaga magkakasama tayong tatlo ni Baby.” “Bakit hindi mo pa tanggapin ang inaalok sa iyo ng kababata mo sa Italy? Doon ay malaki ang chance na makaipon ka para sa inyo ng anak mo.” “Inay, hayaan po ninyo at pinag-iisipan ko naman ’yong nang mabuti. Maliit pa si Baby kung iiwan ko kayo, baka mahirapan ka sa pag-aalaga sa kanya.” “Mas mahihirapan tayo ’pag lumaki na ang anak mo na wala kang panggastos sa pag-aaral niya.” Niyakap ni Tanya ang ina, ito na lang ang mayroon siya at ang pinakamamahal na anak. Ngayong natunton sila ng mga Montemayor ay nagkaruon siya ng takot. Ano’ng gagawin niya sakaling sapilitang kunin ang kanyang anak? Masyadong mayaman at maimpluwensiya ang pamilyang iyon. Sa bandang huli ay nagpasya rin siyang mangibang-bansa. Para sa ina at sa kinabukasan ng kanyang anak. *** “BABY, sorry pero iiwan muna kita kay Lola mo, ha? Kailangan ni Mama magtrabaho para sa kinabukasan mo. Pangako, ’pag nakaipon agad ako ay babalikan kita.” Nangingilid ang kanyang luha pero kailangan niyang magpakatatag. “Inay, ipangako mo na kahit sino pa ang kumausap sa inyo at mag-alok ng kahit ano ay hindi mo tatanggapin. Wala na po akong oras at kailangan ko nang umalis.” “Sige, anak. Mag-iingat ka doon. Huwag mong masyadong alalahanin ang anak mo, gagawin ko ang lahat para maalagaan siyang mabuti.” Mabilis ang takbo ng orasan, halos ayaw bitiwan ni Tanya ang kanyang anak. Pakiramdam niya ay huling yakap na niya dito. “Tama na ’yan, anak, mahuhuli ka na sa flight mo. Akin na si Baby.” “Opo, Inay.” Matapos yakapin at halikan ang anak ay ibinigay na niya ito sa kanyang ina. *** “SIGURADUHIN mo ang sinasabi mo! Kahit magkano ay magbabayad ako.” “Sigurado, sir. Sa katunayan nasa airport ako ngayon para sundan ang mag-ina.” “Make sure na safe ang bata.” “Yes, sir, makakaasa po kayo.” Masakit ang ulo ni Lander sa mga sunod-sunod na balita. Hindi siya makapaniwala na nagkalat ang mga anak ni JB mula sa iba’t ibang babae. Pang-ilan na ba itong huli na itinawag sa kanya? “Saan ka pupunta, sweetheart?” “May kakausapin lang akong tao. Hindi ako magtatagal, honey.” “Okay, mag-iingat ka.” *** SA opisina ay nadatnan ni Nicholas ang kapatid sa hindi kanais-nais na tanawin. “Fix yourselve, ladies, and go!” “Oh, brother, napasugod ka? May problema ba?” “Ako walang problema, pero ikaw isang tambak!” “Wala akong problema, ano ka ba. I’m okay, bro. Hindi mo ba nakikita na masaya ako?” “Daddy’s on the way at kung hindi ka pa magbibihis ay siguradong aabutan ka niya nang ganyan.” “Oh, f*ck!” Agad na hinagilap ni JB ang kanyang mga damit at mabilis na isinuot iyon. “Hey! Bakit hindi pa kayo kumikilos? Hurry! Get out! Now!” baling ni Nicholas sa mga babae. Gustong matawa ni JB sa lakas boses ni Nicholas. Palibahasa napakaseryoso sa buhay. Halos sabay pa silang napalingon nang bumukas ang pinto. “JB, sino ang dalawang babae na ’yon?” tanong ni Lander nang makita ang dalawang babaeng lumabas. “Wala ’yon, Dad,” sagot ni JB. “Anak, I need to talk at hindi ito biro. Hindi ka ba nag-aalala sa mga anak mo?” “Hindi, Dad. Handa akong sustentuhan silang lahat.” “Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Kanina lang ay may bago na namang DNA test result na nagpapatunay na anak mo ang pang-anim na bata. Ano ba ang plano mo, anakan ang lahat ng babae na ikakama mo? You’re already thirty-seven. Halos labindalawang taon ka nang ganyan, hindi ka ba nagsasawa? Son, pakiusap, tama na, itigil mo na ang mga ginagawa mo. Hindi ka na bumabata, kailan mo ba maiisipang mag-asawa? Kung huli na ang lahat? Ang mga anak mo ay puro panganay at lahat ay lalaki. Baka dumating ang araw na pagsisihan mo ang lahat ng ’yan.” “I’m sorry, Dad, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa mahanap ang tamang babaeng para sa akin. Tungkol sa mga anak ko, darating din ang oras ipahahanap ko sila. Hindi pa ngayon, Dad, hindi pa ako handa sa mga bagay na ’yan.” “No! Hindi na ako makakapayag, JB! Halos twelve years na ang lumipas mula nang mangyari sa buhay mo ang bagay na iyon. Hinayaan ka namin ng mommy mo dahil alam namin kung gaano ka nawasak at nasaktan ng babaeng ’yon. But not this time. Mula sa araw na ito, walang sinumang babae ang maaaring dalhin mo dito sa opisina, or else mawawalan ka ng mamanahin!” “No, Dad! Ayaw ko! Dito lang ako sa Pilipinas.” “Kung gano’n ay gawin mo ang sinasabi ko! Aalis na ako. At ikaw naman, Nich, asikasuhin mo na ’yong problema sa shipping.” “Yes, Dad.” Si Nicholas ay ngingiti-ngiti habang pasulyap-sulyap sa kapatid na hindi maipinta ang mukha. “Ano’ng tinatawa-tawa mo riyan?” “Wala naman, big bro. Hindi ko lang ma-imagine na mada-diet ka na sa mga hot chicks.” “Get out!” “Bye, bro. Mwah, mwah!” pang-aasar pa nito sa kapatid. Gustong sabunutan ni JB ang sarili dahil sa inis. Ano ba naman itong pinagagawa sa kanya ng ama? Para siyang mababaliw ’pag naiisip na hindi na siya maaaring magdala ng babae sa kanyang opisina. How will he survive? Tanging mga babae lang ang nakapagpapasaya sa kanya. Ngayon na mismong ang kanyang ama na ang nagbigay ng order sa kanya ay dapat niya itong sundin. Kilala niya ang chairman, ginagawa nito ang mga binibitiwang salita. Sa inis ay pumasok na lang siya sa secret room at doon ay nahiga. *** “NO, I can’t! Hindi ko magagawa ang gusto mo! Patayin mo muna ako bago ka magtagumpay!” “JB Montemayor, isa kang salot sa buhay naming mga babae! Huwag kang mag-alala, hindi naman kita papatayin, pero ito.” “A-Ano’ng gagawin mo? No, stop!” “This thing is the a curse kaya nagkalat ang mga anak mo! ’Pag pinutol ko ito, sigurado akong magtitino ka na, Montemayor! Ito ang dapat sa ’yo, Montemayor!” Kasabay ng pagpikit niya ay ang pagkaputol ng kanyang p*********i. “F*ck!” napamura siya sa lakas ng pagkahulog ngunit nang mahimasmasan ay parang gusto pang magpasalamat. Dahil panaginip lang pala ang inaakalang pagkaputol ng kaniya ng kaniyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD