Prologue
JB is a very responsible kuya sa dalawang nakababatang kapatid. Hindi lang ’yon, maging sa mga magulang nila ay napakabait nito. Kahit sa lahat ng bagay ay napakasuwerte ng mga ito na may anak sila na kagaya niya.
“Anak, you’re already twenty. Wala ka bang planong manligaw?”
“Wala pa po sa isip ko ang bagay na ’yan, Dad. Hindi ko pa siguro natatagpuan ang para sa akin.”
“Bakit, ano ba’ng katangian ng babae ang hinahanap mo?”
“’Yong kagaya ni Mommy. Maganda, mabait, tapat at mapagmahal. Gusto ko ’yong matinong babae na maaari kong mapagkatiwalaan kahit malayo ako. At gusto ko ’pag naka-girlfriend ako ay siya na ang magiging asawa ko.”
“Anak, h’wag gano’n. Dapat maranasan mo din ang magka-girlfriend ng iba para may comparison.”
“Dad, ayaw kong manakit ng babae. Hindi ko kayang makakita ng babaeng umiiyak. Kaya nga po umiiwas ako sa mga babaeng gustong lumapit sa akin.”
“Papaano mo mahahanap ang babaeng para sa iyo kung iyan agad ang iniisip mo?”
***
“SWEETHEART, kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinpansin.” Yumakap sa likuran niya ang kanyang girlfriend.
“Sorry, love, may naalala lang ako. Ano nga iyong sinasabi mo?”
“Sabi ko, kailan tayo magpapakasal? My family asked me about our wedding at hindi ko alam kung ano’ng isasagot.”
“May problema pa kami kay Nicolai. Hayaan mo at ’pag natapos iyon ay agad kong ipapaalam sa ’yo. Huwag ka nang magtampo, alam mo naman na ayaw kong nakikita na malungkot ka. Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan ’yan.”
He’s twenty-one years old nang makilala niya ang kanyang girlfriend. Isa itong simpleng babae na galing sa simpleng pamilya. Tahimik, mahinhin, malambing, maganda, at siyempre sexy. Sa bawat araw at sandali ay walang-kapantay na saya ang kanyang nadarama. Kaya naman ang tumingin sa ibang babae ay never niyang ginawa. Itinanim niya sa puso at isipan na isang babae lang ang kanyang mamahalin. Umikot ang buong buhay niya sa kaisa-isang babaeng pinag-ukulan niya ng panahon, ang babaeng magiging kabiyak ng kanyang puso. Nangako siya sa sarili na ito ang babaeng magiging ina ng kanyang mga anak, pakamamahalin at iingatang hindi masaktan. At sa bawat taon na lumilipas ay hindi niya nakalilimutan ang kanilang anniversary. Lahat ng makapagpapasaya sa minamahal ay kanyang ibinibigay. Gusto niyang maging pinakamaganda ang kanyang girlfriend. Proud siyang ipakilala ito sa buong mundo. Pati pag-aaral nito ay siya ang gumastos. Nang maka-graduate ito ay ibinigay niya ang kalayaan na mamuhay ito sa ibang bansa. At ngayon nga ay gusto na ng girlfriend niya na makasal na sila. Pero dahil sa kapatid na si Nicolai ay hindi niya magawang makapagplano.
“Ang lalim ng iniisip mo sweetheart.”
‘Wala naman, love. Iniisip ko lang ang tungkol sa brother ko. Hayaan mo at pagkatapos ng lahat ay ako mismo ang pupunta sa mamang at papang mo. Gusto ko na din na makasal tayo, limang taon na rin tayo and I want kids.”
“Bakit kasi ayaw mo pa na magbuntis ako? Kahit ako gusto kong magkaanak na tayo.”
“No! Gusto kong maglakad ka sa simbahan na sexy para maisuot mo ang pangarap kong wedding gown para sa ’yo. Gusto kong ikaw ang pinakamagandang bride sa buong Montemayor.”
“Thank you, sweetheart. I love you so much.”
***
“KUYA Lath, gaano kalaki ang chance na makakalaya si Nicolai?”
“Malaki, JB. Ang kailangan lang natin ay ang cooperation ni Alliyah, Brian at ng mga anak. Wala namang nai-submit na medical records noon kaya malaki ang pag-asa natin.”
“Sige, Kuya, ipapaasikaso ko agad para mapadali ang kalayaan ni Nicolai. Tatawagan na lang kita ’pag na-contact ko na si Alliyah.”
“Sige, pinsan. Tawagan mo ako anytime at kahit busy ako ay iiwan ko, makarating lang agad dito.”
“Salamat.”
Naging busy si JB sa nalalapit na pagbubukas ng kaso ni Nicolai. Kinailangan niyang pakiusapan ang mag-iina ng kapatid pati na si Brian.
***
DALAWANG buwan na silang hindi nagkikita ng kanyang girlfriend dahil may inasikaso siya sa ibang bansa. Gano’n pa man ay hindi niya nakalilimutang tawagan ito para kumustahin. Miss na miss na niya ang dalaga. Unang beses na ganito sila katagal na hindi nagkikita.
Ngayon ay pabalik na siya ng Pilipinas. Namili muna siya ng pasalubong para sa dalaga at para na rin sa pamilya nito. Excited na siya sa pagkikita nila ng kanyang mahal.
Bago mag-take off ang eroplano ay ilang beses niyang tinawagan ang girlfriend pero unattended ang cell phone nito. Hanggang sa nawalan na siya ng signal ay hindi na niya na-contact ito. Ngayon lang nangyari na hindi niya nakausap ang dalaga. Ayaw man niyang mag-isip pero hindi maganda ang naiisip niya.
***
GINISING siya ng malakas na ring ng cell phone at pupungas-pungas niyang kinuha iyon. Unknown number iyon kaya minabuti niyang hindi na lang ito sagutin. Ipapasok na sana niya sa kanyang bulsa ang cell phone nang may pumasok na message.
Disappointed siya nang mabasang numero lang ang nag-appear, meaning hindi galing sa girlfriend niya ang mensahe.
From: 0949******81
You can go ASAP in this address: Shangri-La Plaza Hotel, Room 1001. The big surprise is waiting for you.
Kinabahan siya bigla. Dapat ba niyang sundin ang text na iyon o i-ignore na lang?
“Sir, your parents were calling you but your line is busy. Tawagan mo daw sila, urgent.”
Agad siyang nag-return call sa mga magulang.
“Son, are you in Manila now?”
“Yes, Dad. I just arrived minutes ago. Ano po ’yong urgent at napatawag ka?”
“We recieved a message in my e-mail and said you need to go the address na ibinigay nila.”
“Nakatanggap din ako, Dad, but who knows? Baka nanloloko lang ’yon.”
“Go, son, puntahan mo. And don’t worry, magpapadala ako ng mga tao to protect you if ever happen.”
“Sige po, Dad. Thanks."
Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit kakaiba ang kaba ng kanyang dibdib? Ilang beses na rin niyang tinawagan ang kanyang girlfriend pero unattended pa rin ang cell phone nito.
***
LUMIPAS ang halos isang oras ay nakarating na niya ng Shangri-La Hotel.
“Sir, nasa parking lang ako. Tawagan mo na lang ako ’pag pababa ka na.”
“Salamat ho.”
Agad siyang sumakay ng elevator at pagbukas niyon ay mabilis ang mga kilos na nilakad niya ang Room 1001.
Magdu-doorbell sana siya nang kusang bumukas ang pinto. Hindi pala iyon naka-lock kaya maingat niya iyong itinulak. Nakiramdam siya sa paligid pero tahimik doon. May napansin siyang clip sa tiles at pinulot iyon. Lalo siyang kinabahan dagil parang pamilyar sa kanya ang bagay na hawak. Sinipat niya pa iyong mabuti kung hindi siya nagkakamali hanggang sa makarinig siya ng kakaibang ingay. Sinundan niya ang ingay na iyon hanggang unti-unti iyong luminaw.
“Oh, sh*t! Oh God! Harder, baby!”
“Yes, b***h! I’ll f*ck you hard to make sure na mapapayag mo na ’yang gag* mong boyfriend.”
“Y-Yeah. P-Pangako, hindi matatapos ang week na ito at maibibigay ko na ang isang milyon na kailangan mo.”
“Siguraduhin mo lang dahil ’pag hindi ka tumupad sa usapan ay magsisisi ka!”
“Oh . . . deeper. Ahh . . ..”
Malakas na malakas ang bayo ng kanyang dibdib habang papalapit sa nakaawang na pinto. Halos manginig siya sa kakaibang takot at galit na nararamdaman. Hindi siya puwedeng magkamali, ang boses na naririnig niya ay kilalang-kilala niya.
“F*ck you, wh*re! Ang sarap mo . . .”
“Dude, bilisan mo na nang makaalis na tayo.”
“Yes, pare. Ito na. F*ck this bitch.”
Tigagal si JB nang tuluyang bumukas ang pinto ng kuwarto. Para siyang nawalan ng lakas at nanghina ang katawan nang dahil sa panginginig. Hindi siya makapaniwala na threes*me ang nagaganap doon. Ang babae ay kilalang-kilala niya; ang walang-hiya niyang girlfriend.
“Sir.” Mabilis na hinila ng dalawang lalaki si JB. Hindi man lang niya namalayan na naroon na ang ipinadala ng kanyang ama na mga tauhan.
“S-Sweetheart!”
Bigla ang bugso ng galit ni JB kaya nabunot niya ang baril ng isang tauhan. Binaril niya nang sunod-sunod ang tatlong hubad na katawan.
“Sir, tama na po!” Mabilis na inagaw ng isang tauhan ang baril sa kamay ni JB. Inutusan nito ang iba pa nilang kasamahan na tumawag ng ambulansiya.
Maraming pulis ang dumating pero nailabas na nila ang kanilang amo. Kinuha ng mga pulis ang baril na ginamit. Isang tauhan ng ama ni JB ang umako ng krimen. Ang lalaking kumuha ng baril sa kamay ni JB ang siyang naging akusado.
***
SA mansiyon ay umiiyak sina Nicole at si Lander naman ay hindi malaman ang gagawin.
“Shhh . . . Tama na, honey. Huwag ka nang umiyak, ligtas naman ang ating anak.”
Nang makarinig ng ugong ng sasakyan ay agad silang tumakbo palabas ng main door.
“Anak ko!”
“Ano’ng nangyari?”
Magkapanabay na tanong nila sa anak na tulala pa rin.
“Ma’am, sir, si Master JB po mismo ang nakasaksi sa ginagawang kalaswaan ng kanyang girlfriend. I’m sorry, sir, na-late kami ng dating. Naroon na siya nang dumating kami. Nabaril ho niya ang tatlo pero inako ho ni Alex.”
Nagtagis ang mga ngipin ni Lander. Sinasabi na nga ba at hindi siya nagkamali. Una pa lang ay napapansin na niya ang kakaibang ugali ng babaeng ’yon. Pero dahil anak nila si JB at mahal nito ang babaeng ’yon ay nirespero nila ang desisyon ng anak.
Sa kuwarto naman ay duguan ang kamao ni JB sa kasusuntok sa pader. Naglupasay siya sa carpet, hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman. Para siyang mamamatay at dapat may gawin siya para maibsan iyon. Sa lahat ng mananakit sa kanya ay bakit ang babaeng pinag-ukulan niya pa ng buong pagmamal? Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na kaya siyang saktan nito sa limang taon na inakala niyang puno ng saya at ligaya. Matagal na pala siyang niloloko at pinaglalaruan nito. Nabulag siya ng sobrang pagmamahal kaya hindi man lang niya namalayan na ginagag* na pala siya.
“A-Anak, please tama na. Huwag mong saktan ang sarili mo. Mommy’s always here beside you at hinding-hindi kita iiwan. Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan mo ngayon. Blessing na lang din siguro na hangga’t maaga ay nakilala mo na ang tunay na pagkatao ng babaeng ’yon.”
“Mom, sobrang sakit po, para akong pinapatay. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. B-Bakit nagawa niya akong saktan nang ganito? Literal ang sakit at hapdi, mommy, para akong unti-unti akong hinihiwa ng blade. Mahal na mahal ko siya, eh. Lahat naman ay ibinigay ko sa kanya. Buong buhay ko, siya lang ang pinaglaanan ko ng buong panahon ko. Lahat ng makakapagpasaya sa kanya ay ibinigay ko, pero kulang pa rin pala sa kanya ’yon.” Niyakap siya ng kanyang mommy, pinunasan ang basang mukha niya gamit ang sariling palad nito.
“Mahal na mahal kita, anak. Sa akin ka lumabas at karugtong kita. Lahat ng hirap at sakit na dinadanas mo ngayon ay doble ang sakit na nararamdaman ko. Kung puwede lang sana na akuin ko ang lahat ng pagdurusa mo ay gagawin ko. Hindi ko kayang nakikita kang nahihirapan dahil lang sa walang-kuwentang babaeng iyon. Narito kami ng daddy mo, anak, pati ang mga kapatid mo. Kayanin mo, anak. Marami pang babaeng mas karapat-dapat sa pagmamahal mo. At ang babaeng ’yon, she doesn’t deserve your love.”
Si Lander na nakatayo sa gilid ng pinto ay tahimik lang na lumuluha. Ang kanyang napakabait at mapagmahal na anak ay tumatangis. Ramdam na ramdam niya ang paghihirap nito. Kumuyom ang kanyang kamao at bago umalis ay minsan pa niyang sinulyapan ang kanyang mag-ina.