EPISODE 15

1202 Words
ALESSANDRA NAGMULAT ng mata si Alessandra. Parang may narinig siyang nagsasalita. Pagmulat niya ay madilim na paligid ang bumungad sa mata niya. Nananaginip lang yata ako. Parang boses ni Philippe iyon. Baka nga panaginip ko lang. Bakit ko ba napaginipan ang lalaking iyon? Pinikit kong muli ang mata ko. Napahikab ako habang palabas ng silid ko. Dumiretso na ako sa kusina para magluto ng agahan. Maaga akong nagising dahil kailangan kong magluto ng umagahan ng mga anak ko. Nag-inat ako ng braso ngunit naiwan sa ere ang braso ko ng madatnan ko si Philippe na nagluluto sa kusina habang kumakanta. Napasulyap ako sa kanyang katawan. Ang tanging suot ay ang apron kong flowery design at nakasuot lamang ito ng boxer short. Hindi niya napansin na may tao na at ako iyon. Napatitig ako kay Philippe dahil bigla siyang kumendeng. Sinasabayan ang pagkanta sa tugutuging pinakikinggan nito. Napakagat labi ako upang pigilin ang tawa ko. Bago pa ako matawa ay umalis na lang ako. Pagkaharap ko ay parating na ang mga anak ko. Hindi ko maiwasang mapalunok. Napalingon ako sa kusina, baka maabutan nilang sumasayaw ang ama nila at kumakanta pa. “Good morning, Mommy.” Bati ni Alessan Philippe. Lumapit ito sa akin. Yumuko ako para hagkan ang pisngi ng anak ko. Sumunod ang lima ko pang anak. “Wai-” Hindi ko na napigilan ang mga anak kong pumasok sa kusina. Naabutan ko pa sila na nanonood sa walang malay na si Philippe. Natawa ang mga anak ko nang makita ang kanilang ama. Ako nama’y hindi na rin napigilan ang mangiti. Well, he looks so sexy while grinding his hips and he has a good voice. Nag-init ang pisngi ko sa naisip. “Good morning, Daddy!” Sabay-sabay nilang bati sa ama. Gusto kong matawa sa hitsura ni Philippe. Dahan-dahan pa ang paglingon niya. Gulat ang hitsura niya ng makita kami. “Daddy ang galing mo pala magdance and magsing!” sabi ni Samantha. Lumapit ito sa ama at humalik sa pisngi. “Oo nga Daddy!” Segunda naman ni Samuel. Nilapitan din ang ama at humalik sa pisngi. “Dad, turuan mo ako magdance,” wika ni Alejandro. Hinagkan ang pisngi ng ama. Sumunod si Phille, Sandro at ang huli ang bunso. Nagpabuhat ito. Nangamot ng ulo si Philippe. Napasulyap siya sa akin. Sumeryoso ang mukha ko. “Wait lang ihahanda ko ang breakfast niyo.” Ibinaba nito si Alesan at pinaupo. Parang nataranta si Philippe. “I will help you.” Boluntaryo kong sabi. “No, honey, I can handle it. Just sit there I’ll be the one will serve breakfast.” Anito. Bumalik muli ako sa pagkakaupo. Bahala na nga siya riyan. Sinusundan ko lang ang galaw ni Philippe habang hinahain ang pagkain namin. Kapag napapatingin siya sa gawi ko ay hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Nang matapos ang breakfast namin ay nagpapaalam na ako sa mga anak ko. “Kids, behave okay. I’ll be home as early as 6:00 PM.” Wika ko sa mga anak ko. Papasok na rin sila. “Ako na ang bahalang maghatid sa school. Don’t worry.” Aniya. “Mommy, can I come with you?” Wika ng anak kong bunso. As much as I want too, but he need to stay here. Nakakahiya naman kay Tristan kung nandoon ang anak ko. “I am sorry baby, you can’t come with me. Uuwi naman ako ng maaga.” Napatingin ako kay Philippe na nakatitig sa akin. “You can stay here with your Daddy. Hindi naman siya aalis.” Ani ko. Napalingon si Alessan sa kanyang ama. Nginitian siya ni Philippe. “Okay, po.” Malungkot na turan ng bunso. I kiss his forehead. “Samuel and Samantha. Kayo na ang bahala sa mga kapatid mo.” Bilin ko sa dalawa dahil sila ang nakatatanda sa apat pa nilang mga kapatid. “Yes, po, Mommy. Don’t worry po akong bahala sa kanila,” sabi ni Samantha. Yumakap sa akin ang anak ko. I kiss her cheeks. “Mommy, magdala ka ng pasalubong, ha?” Wika ni Sandro. Natawa ako. “Okay, po.” Yumakap din siya sa akin. Yumakap na rin ang dalawa pa, si Alejandro at Phille. Sumakay na ako sa sasakyan ko. Kalahating oras din ang biyahe ko mula rito sa bahay at sa opisina ni Tristan. Binati ako ng guard na nasa lobby ng building. Nginitian ko siya. Na-miss ko ang magtrabaho. Ang tagal ko ring nasa bahay lang. I feel free. Pero may part na nalulungkot ako dahil hindi ko na magagawa ang lagi kong ginagawa kapag umaga. Ang asikasuhin ang mga anak ko. Babawi na lang ako kapag weekend. ***** Nasa gate palang ako ng bahay namin ay naririnig ko na ang iyak ni Sandro. Kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay. Nakita kong nakasubsob sa bisig ng ama ang anak ko habang umiiyak. “Ano’ng nangyari?” Nilapitan ko kaagad ang anak ko. Hinaplos ko ang likod niya. “Mommy, nakipag-away po si Sandro sa classmate niya kaninang uwian.” Paliwanag ni Samuel. “Bakit siya nakipag-away?” Tanong ko sa kambal. Napasulyap ako sa anak ko na umiiyak. Halos hindi na makahinga. Hinaplos ko ang kanyang likod. Napatingin ang mga anak ko kay Philippe na para bang humihingi sila ng permiso na sabihin ang nangyari. “Away bata lamang iyon. Kinausap ko na ang bata kaya huwag ka ng mag-alala.” Paliwanag ni Philippe sa akin. Ngunit hindi ako convince sa sinabi ni Philippe. Away bata? Hindi ugali ni Sandro ang mang-away. Friendly ang anak ko. “Sandro, anak, tell me bakit ka inaway ng classmate mo?” Tanong ko sa kanya. Mas lalong sinubsob ang mukha sa balikat ni Philippe. Lumakas ang iyak nito. Napatingin sa akin si Philippe. I see sadness in his eyes, pero wala akong pakialam sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay ang anak ko. Hindi ko na lamang kinulit ang anak ko. Hanggang matapos ang hapunan namin hindi ko nakausap ang anak ko. Ayaw niyang makipag-usap sa akin. “Ano ang nangyari Samantha?” Tanong ko sa anak ko. “Kuya ikaw na ang magsabi,” sabi nito sa kakambal niyang si Samuel. “Bakit ako? Ikaw na kaya.” Napasulyap na sa akin ang dalawa. “Tell me kung anong nangyari. Samuel, Samantha.” May pagbabanta sa boses ko. Napayuko ang dalawa. Nag-angat ng tingin si Samantha at tumitig sa akin. “Kanina po kasi naabutan po naming nakikipagtalo si Sandro sa mga classmate niyang lalaki. Narinig po naming..” Napahinto si Samantha. Siniko nito si Samuel. Kaya ito na ang nagsalita. “Sabi po ng classmate niya m-may iba na po kayo. Nakita raw po kayo ng Mommy ng classmate niya na may kasamang lalaki. Nag-kiss daw po kayo.” Napasinghap ako sa sinabi ng anak. Umiling ako. Wala akong lalaki at hindi ako nakikipaghalikan sa ibang lalaki. Tanging si Philippe lang ang nakahalik sa labi ko. “Hindi totoo iyan, kilala niyo ako. Kung sino ang nagsabi ay nagsisinungaling sila. Kakausapin ko ang Mommy ng classmate niya!” Galit na sabi ko. Hindi puwedeng manira na lang sila ng walang pruweba at pati ang anak ko ay nadadamay. Napakarumi talaga ng mga utak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD