ALESSANDRA
KINABUKASAN pumunta ako sa school at dumiretso sa principal’s office. Ayon sa principal nagreklamo na si Philippe sa ginawa ng kaklase ni Sandro, pero hindi ako kuntento. Gusto kong mapanagot ang Nanay ng bata. Wala siyang karapatang idamay ang anak ko sa galit niya sa akin. At hindi ko naman kilala ang babae. Bakit galit na galit sa akin, nagkalat pa ng maling balita.
Hindi ko mapigilan magalit dahil sa maling tsismis at pati ang anak ko ay nadadamay. Pumasok ang isang babaeng balingkinitan at matangkad. Para siyang model sa taas ng height niya.
“Have a sit. Pag-uusapan natin ngayon ang issue na nangyari kahapon.” Wika ng Principal. Napasulyap sa akin ang babae. Hindi ko siya kilala, ngayon ko lang siya nakita.
“Inaway ang anak ko at may sinabi silang nagpagalit sa kanya. Hindi ganoon ang anak ko na basta na lang magagalit. They provoke him.” Panimula ko.
“Bakit hindi mo na lang aminin na ang anak mo ang bayolente. Sinuntok niya ang anak ko. Halos hindi na makatayo ang anak ko sa natamo niyang suntok sa anak mong basagulero.” Nag-igting ang panga ko sa sinabi niyang basagulero. Napatayo ako sa kinauupuan ko.
“Hindi ganoon ang anak ko! Pagsabihan mo ang anak mong huwag nagsasabi ng kung ano-anong kasinungalingan. Ikaw ang ina kaya dapat ikaw ang huwaran sa anak mo.” Hindi na ako makapagpigil na ibulalas sa babaeng kaharap ko ang galit at inis sa ginawa niya. Siya ang punot dulo ng lahat. “Bakit kailangan mo pang sabihin sa anak mo ang isang kasinungalingang hindi naman totoo!” Napakuyom ako ng kamao.
“Bakit totoo naman, ah? Hindi ba hiwalay na kayo ng asawa mo dahil nanlalaki ka!” Gusto kong sampalin ang babae sa sinabi niya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.
“Hindi totoo iyan! Wala akong lalaki. Anong klase kang ina kailangan mo pang sabihin iyon sa anak mo! Ano naman kinalaman ng anak mo sa pamilya ko? Hindi kita kilala kaya hindi ko lubos maisip na bakit ginagawa mo ang paninirang ito sa akin,” sabi ko. Hindi nakasagot ang babae sa sinabi ko.
“Nandito tayo mga Mommy para ayusin ang gusot at hindi para mag-away,” sabi ng prinicipal.
“Paanong hindi ako magagalit? She is spreading lies.” Depensa ko.
“Totoo naman ang sinabi ko. I saw you with another man. And you two kissed.” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinampal ko ang babae. Inawat na kami ng Principal at ibang teacher na nandoon.
“Napakadumi ng utak mo! Wala kang karapatang siraan ako dahil hindi totoo iyan!” I burst out.
Nanginginig ang kamay ko habang nakakuyom. Hindi ko alam kung bakit nagiging bayolente na ako. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Pakiramdam ko ay aping-api ako na kailangan kong lumaban, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga anak ko. Wala silang karapatan na paiyakin ang mga anak ko.
Hindi naging maganda ang pag-uusap namin sa Principal office. Mas lalo lang pinalala nito ang galit ko. Pagkapasok ng bahay sinalubong ako agad ni Philippe.
Hinawi ko siya sa daraanan ko. Nagulat si Philipe sa inasta ko. Nang dahil sa kanya nangyayari ito sa amin.
Hinarap ko siya. “ It’s all your fault!” Dinuro ko siya. “Nang dahil sa iyo umiyak ang anak ko. Nang dahil sa iyo nasaktan ang anak ko!”
Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ko napigilan maglabas ng sama ng loob sa kanya. Siya ang may kasalanan kaya kami ganito.
“Bakit hindi mo kausapin ang ex-girlfriend mo! Plano mo ba ito Philippe para pasakitan ako? Pagsabihan mo ang babae mong madumi ang utak!” Galit na ani ko.
“Hon, hindi ko siya naging girlfriend. Wala akong alam sa sinasabi mo. Bakit ko naman gagawin na siraan ka. Asawa kita, ina ka ng mga anak ko. Hindi ko magagawa iyon. Bakit ba ang hirap sa iyo, Alessandra na ipaliwanag ang sarili ko. Oo inaamin kong nagbago ako, pero hindi sumagi sa isip kong mambabae o maghanap ng iba. I am sorry kung sa tingin mo naging gago ako. Pero huwag naman ganito. Mahal na mahal kita, maniwala ka naman sa akin.”
Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya. Ngunit maagap niya akong niyakap mula sa likod ko.
“Please, honey, forgive me.” Paghingi nito ng tawad. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat nito tanda na siya ay umiiyak. Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko kayang magpatawad sa ngayon. Nandito pa rin ang sakit sa dibdib ko. Tila nakatatak na sa utak kong niloko niya ako at hindi ko na maibabalik ang pagtitiwala ko sa kanya.
PHILIPPE
HABANG kumakain ay hindi ko maiwasang mapapatitig sa anak kong bunso. Because of me walang Alessandra na narito. Sana’y inaasikaso kami ng mga anak ko. She cooked food, dress our kids, clean our house and when I got home I see her smiling at us.
Sumilay ang ngiti sa akin nang sumulyap ang bunso kong anak na si Alessan Philippe. I approached him to wipe the sauce on his mouth.
“Do you want more, baby?” I asked him. He nodded. I put rice and menudo on his plate. He really likes it.
“Masarap ang niluto mo, Daddy, mas masarap pa sa luto ni Mommy.” He covered his mouth when he realized something. “Don’t tell Mommy about it, Daddy,” I chuckled. “Promise me, it’s our secret.” He said, wanting an assurance. “I promise, baby.” I said.
“Finished your food we will going to the office.” I said to him.
May meeting kami ng mga kaibigan ko. I need my presence there. My son’s eyes were light up as he hears the word office. He loves going to my office. Kapag wala na siyang pasok I usually brought him there.
I bathed him and dressed him up. Then we are ready to go. My son held my hand and looked and gave me a sweet smile on the lip. I caress his hair.
When we reached the office, it was already 1:00 PM. My meeting is at 2:00 PM. I have one more hour to prepare my things for my meeting.
My Secretary, Joebelle greeted us.
“Hi, Sir Philippe. Hi, baby Alessan.” She greeted to my son. I was surprise when he approached Joebelle and give her a kiss on her cheeks. She smiles.
“You are so sweet, baby.” She says to my son.
“Tinawagan mo na ba ang mga ka-meeting ko today?” I asked her.
She nodded, “Si Sir Nicolo po ay baka raw po ma-late ng kaunti. Nasa Laguna raw po siya, pero papunta na po rito sa Makati.” Wika ni Joebelle. I nodded.
Pumasok na kami ng anak ko sa office ko. He sat on the sofa and get her Ipad. I let him play there while I was working.
While reading some papers suddenly my door open. Three men entered my office. They are all smirked.
“Oh, nandito pala ang kamukha mo, Philippe,” sabi ni Piero. Napaismid ako. Bumaling ang tingin niya sa anak ko.
“Hi, Alessan Philippe! How are you?” Tanong niya sa anak. Nag-angat ng tingin ang bata at ngumiti sa kanya.
“I am good, Tito Piero. Where’s your girlfriend?” Napanganga ako sa tanong ng anak ko. I chuckled. Nanlaki ang mata ni Piero.
“Wala akong girlfriend.” Tanggi nito sa sinabi ng anak. My son’s lips puckered as if he was not convinced with his answer.
“Mukhang may alam ang batang ito, ah?” Wika ni Monte. Nilapitan nito ang anak, inakbayan.
“Reporter yata itong anak mo, Philippe” Natatawang wika ni Luca. “Magbago ka na kasi Piero, napaghahalata ka na at pati bata kita ang kalandian mo.” He laughed. Sinamaan siya ng tingin ni Piero.
Bumukas ang pinto at pumasok ang nakasimangot na si Niccola.
“Oh, bakit ang sama yata ng timpla mo Niccola? May nakita ka bang hindi kanais-nais? Suyuin mo na kasi para hindi ganyang nagseselos ka sa wala.” Nagkatawanan kami at pati si Alessan nakitawa na rin.
“What took you so long?” Inis na tanong ko. Dapat kanina pa kami nagsimula. Naiinip na ibang ka-meeting namin.
“Nasiraan kami sa gitna ng daan. Fvck that!” Napahinto si Niccola nang makita ang anak kong nakatitig sa kanya. Umupo si Niccola at sumandal sa sofa. Pumasok naman si Joebelle.
“Sir, ito na po ang mga papers na kailangan.” Binigay niya sa akin ang papers.
“Thank you, Joebelle. Make us a coffee and also chocolate drinks for Alessan.” Utos ko sa kanya. Nakasunod ang tingin ni Niccola kay Joebelle. Dumiretso lang patungo sa pintuan at hindi niya pinansin ang kaibigan na kanina pa nakatitig dito.
“Hi, baby Alessan.” Bati ni Niccola ngunit tinalikuran siya ng anak ko. Natawa kami sa ginawa nito.
“Mukhang bad trip sa iyo ang bunso nitong si Philippe the coward.” Ani Piero. Sinamaan ko siya nang tingin. Ba't ba palagi nila akong tinatawag na coward? Noon iyon.
“Nagseselos iyan.” Tatlo kaming kumunot ang noo.
“Kanino sa iyo? Bakit?” Tanong ni Luca.
“Tanungin niyo siya.” Wika ni Niccola na ang tinutukoy ay ang anak ko. Pare-pareho kaming napasulyap sa anak ko. Pumunta sa likurang bahagi ng swivel chair ko ang anak at nagtago.
“Natakot sa iyo,” sabi ko kay Niccola. Hinila ko ang anak at pinaupo sa kandungan ko.
“Baby, you don’t like your Tito Niccola?” Tanong ni Monte. He nodded. “Why?” Tanong nitong muli.
“Because he made Ate Joebelle cry. I saw him, he hurt her.” He points his finger at Niccola. He had never imagined that my son would say that. We all look at Niccola. I see him swallowed.
“You hurt her?” My voice raised a bit.
“Hell no!” Tanggi niya. My son’s puckered his lips. Napatingin ako sa anak ko. He seems not believing in what Niccola says.
“I saw you.” Sabat naman ng anak ko. Nagtawanan ang tatlo sa pagtanggi ni Niccola.
“Huwag mo na kasing itanggi. Hindi nagsisinungaling ang bata,” sabi ni Monte.
“Whatever. I don’t care if you don't believe me.” Wika nito sa amin.
“My son says so it matters to me.” Napaismid sa akin si Niccola.
“How about you, Philippe?” Tanong ni Niccola.
“Let’s start our meeting now. We are just wasting our time just argue with nonsense.” Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi naman na ito nagkomento. Alam kong nasaktan ko rin ang asawa ko at ngayon ay pinagsisisihan ko na.