PHILIPPE
HABANG kumakain ang asawa ko ay palihim ko siyang sinusulyapan. Kahit malamig ang trato niya sa akin ay ayos lang. Ang mahalaga naman nakikita ko siya at pinagsisilbihan.
Gusto kong bumawi sa kanya sa lahat ng kasalan ko sa kanya. Ako naman ang mag-aasikaso sa kanya at sa mga anak namin. Ilang taong pinagsilbihan ako ng asawa ko, pero ano ang ibinigay kong kapalit? Sama ng loob.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang napakaganda kong asawa. Hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Alessandra. Kung titingnan she looks like in her late 20’s kahit nasa 40 na si Alessandra. Kahit medyo tumaba si Alessandra ay wala naman kaso sa akin iyon. Para sa akin siya pa rin ang sexy sa paningin ko. I like hugging her belly.
“Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Mukha kang baliw.” Inis na sabi ni Alerssandra. I chuckled. Yeah, I am crazy in love with you, honey. Isinaisip ko na lang ang gusto kong sabihin.
“Masaya lang ako dahil nagustuhan mo ang luto ko kaya ako napapangiti.” Ani ko. Kagaya ng kinagawian nito inirapan niya ako.
“Mas marunong kang magluto kaysa sa akin. Natural na masarap itong niluto mo.” Aniya na may kasamang simangot ng mukha. Kahit ganoon hindi pa rin siya mukhang pangit. Mas lalo siyang gumaganda. Kahit saan yatang anggulo maganda ang asawa ko.
Kinuha ni Alessandra ang plato na pinagkainan niya ngunit pinigilan ko. Kinuha ko iyon at pati ang baso na ginamit niya.
“Ako na ang maghuhugas, magpahinga ka na. I know you’re tired.” Napatingin siya sa akin nang matagal bago niya ako tinalikuran.
Pagkatapos kong mahugasan ang plato, hinarap ko naman ang trabaho ko na naiwan kanina. Kailangan kong tapusin ang ilang papeles na kailangan kong i-review. Kinuha ko sa ibabaw ng table ang salamin ko at isinuot iyon. I open my laptop and started to open some emails from clients.
ALESSANDRA
PUMASOK ako sa silid ko. Kahit wala naman akong ginawa kanina. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Pagkatapos kong maghilamos at magtooth brush nagpalit ako ng damit pantulog.
Pagkahiga ko ay napatingin ako sa relo. Alas nuebe na pala ng gabi. I need to prepare my clothes for tomorrow para hindi na ako kapusin sa oras. Ayoko namang magmadali sa pagpasok at hanapin ang damit ko.
Naalala ko noong nagtatrabaho ako, maayos ang mga damit ko. Bawat araw ay may nakalaan ng damit na isusuot ko. I miss working in the office. 14 years na pala magmula nang huminto ako sa pagtatrabaho. Mukhang mahihirapan akong mag- adjust dahil nasanay na ako sa gawaing bahay.
Hindi ko naman pinagsisihan na rito na lang sa bahay para asikasuhin ang mga anak ko at ang asawa ko. Pero siguro kailangan ko ring isipin ang sarili ko. Siguro’y tama sila na hindi lahat ibigay ang atensyon ko sa kanila. Magtira naman ako para sa sarili ko. Hindi ko naman inaalis sa sarili ko na ibigay pa rin sa kanila ang atensyon ngunit kailangan ko ring bigyan ng atensyon ang sarili ko. Para naman magawa kong pasayahin ang sarili ko. Hindi naman siguro masama at sabihing makasarili na ako dahil mas inintindi ko ang sarili ko kaysa ang pamilya ko. Kailangan ko rin ng freedom kahit kaunti lang.
Ilang oras na akong nakahiga ngunit gising pa rin ang diwa ko. Ilang buwan na akong ganito nahihirapan sa pagtulog. Nagpasya akong bumangon upang uminom ng gatas. Baka sakaling makatulog ako. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ay napansin kong may ilaw sa sala. Nakalimutan yatang i-off ni Philippe ang ilaw. Ang lalaking iyon talaga.
Napahinto ako sa pagpasok sa sala. Nakita ko si Philippe na nakaharap sa laptop at may binabasa roon. Habang may papel na nasa harapan niya na mukhang pinipirmahan niya.
Matagal kong tinitigan si Philippe. Humihikab na ito, inaantok na yata, pero mukhang marami pa siyang gagawin.
Pumunta ako ng kusina. Nagtimpla ako ng gatas ko at kape naman ni Philippe. Huminga muna ako ng malalim nang dalhin ko ang tasa ng kape. Nagulat pa nga si Phillipe nang ilapag ko sa gilid niya ang tasa ng kape.
“T-Thank you, hon.” Kunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
“Bakit hindi mo pa tapusin iyan bukas? Gabi na para magtrabaho ka pa.” Napakamot ng ulo si Philippe sa sinabi ko.
“Kaunti na lang ito, matatapos ko na.” Anito. Napairap ako. Bahala na nga siya.
“Okay.” Malamig na sabi ko. Tumalikod na ako.
PHILIPPE
NAPANGITI ako nang umalis na si Alessandra. Kahit ganitong gesture ng asawa ay masaya na ako. Kahit hindi sweet ang dating niya atleast may concern pa rin naman siya sa akin.
Kahit antok sinikap kong tapusin ang trabaho ko. Hinigop ko ang ginawang kape ni Alessandra. Napangiti ako dahil hindi pa rin nagbabago ang timpla niya. Napaka sarap. Mukhang gaganahan akong mag-work ngayon.
Ilang oras ang nakalipas ay hindi ko pa natapos ang ginagawa ko. Napahikab ako dahil sa antok. Nag-inat ako ng braso at niliyad ang likod kong sumasakit. Nagpasya akong ituloy na lamang bukas. Napatingin ako sa relo ko. Ala una na ng umaga. Maaga pa akong gigising dahil ipagluluto ko pa ang asawa ko.
Sininop ko na ang mga papeles pati na ang laptop ko. Umakyat na ako para matulog. Nanghihinayang ako dahil hindi kami magkatabi ni Alessandra. Siguradong hindi mahimbing ang tulog ko nito. Tumapat ako sa silid ni Alessandra. Matagal kong tinitigan ang pinto niya. Napatingin ako sa door knob. Napangiti ako nang hindi naman naka-locked. Dahan-dahan ang pagbukas ko. Sinungaw ko ang ulo ko sa siwang ng pinto. Payapa nang natutulog si Alessandra.
Pumasok ako sa loob. Nilapitan ko ang kinahihigan ni Alessandra. Pinakatitigan ko ang asawa ko. Na-miss kong makatabi ang asawa ko.
May naalala akong ganitong senaryo. Palihim din akong pumapasok sa silid ni Alessandra noon. Hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin.
Umupo ako sa gilid. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok. I love her silky hair. I trace my finger to her beautiful lips. Ang labi na lagi kong hinahalikan. Kailan ko kaya magagawa ulit iyon?
“Miss na miss na kita honey ko. How I wish na mapatawad mo na ako. I promise to you hindi na ako maghahanap ng freedom. Hindi ko kaya na ganito tayo. Napakahirap.” Tumulo ang luha ko. “Mahal na mahal kita.” I said in between my sob. Natawa ako nang mahina. Nagiging iyakin na ako.
“I love you so much, honey. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. I am so sorry kung nasaktan kita nang hindi ko sinasadya. But I want you to know ikaw lang ang huling babaeng iibigin ko. Hanggang sa huling hininga ko.” Turan ko. Bago pa ako umiyak ay nagpasya akong lumabas. Hinagkan ko ang noo ng asawa ko bago umalis.