EPISODE 12

1259 Words
PHILIPPE “HINDI ba weekend ang usapan niyo?” sabi ni Gabriel sa akin. Parang gusto kong suntukin ang mukha nitong mayabang. Hindi porke’t siya ang tumulong sa mag-iina ko ay siya na ang may karapatan sa kanila. Napakayabang talaga niya! “Usapang mag-asawa ito kaya huwag kang makialam sa problema namin.” Mahinahon na wika ko. Kahit gusto ko na siyang taasan ng boses sa nararamdamang inis. Hinarap ni Alessandra si Gabriel. “Mamaya na lang siguro tayo mag-usap, Gabriel. Mag-uusap muna kami ni Philippe,” sabi nito kay Gabriel. Nagtagis ang bagang ko nang makitang ngumisi si Gabriel. Humanda ka sa akin kapag tayong dalawa lang. Hindi ako natatakot makipagbasagan ng mukha kahit mas malaki ang katawan niya sa akin. Sumunod naman si Gabriel sa pakiusap ni Alessandra. Palingon-lingon pa ito habang paalis. Sarap sipain ng mukha niya. “Bakit binago mo ang napag-usapan nating araw sa pagdalaw sa anak natin?” May inis sa boses ni Alessandra. “Don’t worry sa ibang bahay ako titira. H-Hindi naman dito.” Nauutal na sabi ko. Napairap si Alessandra. Ibang-iba na si Alessandra. Marunong nang umirap. Kung dati ay hindi ito makabasag pinggan, ngayon ay palaban na siya. “Okay, pinapayagan kitang manatili rito, pero ngayon lang. Baka sabihin mo ang sama ng ugali ko dahil hindi kita pinatuloy dito kahit isang araw.” Wika ko. Napangiti ako. Sabi ko na nga ba hindi niya ako mahihindian kahit galit siya sa akin. “Thank you, Alessandra.” Pasasalamat ko. Napasunod ako ng tingin nang tumayo si Alessandra. Napasulyap ako sa kanyang beywang. Ang beywang na iyon na lagi kong niyayakap. I miss hugging her belly. Kailan ko kaya uli mahahawakan ang asawa ko? Nakaramdam ako ng pagtigas ng aking p*********i. ALESSANDRA SUSUNDUIN ako ni Gabriel ngayon dahil ipakikilala niya raw ako sa sinasabi niyang kaibigan. Nagsuot lang ako ng medyo pormal na damit. “Mommy.” Napalingon ako nang tawagin ako ng anak kong si Alessan. Pumasok sa silid ko. Magulo ang buhok at mukhang kagigising lang. Nagkusot ito ng mata. Lumapit sa akin at yumakap sa binti ko. Inayos ko ang magulo niyang buhok. Nginitian ko siya. “Mommy can I come with you?” Hiling ng anak ko. Tumingala ito sa akin. Nagsusumamo ang mukha nito. “Hindi puwede anak. Malayo ang pupuntahan ni Mommy. Don’t worry bibili ako ng pasalubong sa inyo,” sabi ko. Umiling ang anak ko. Mas lalong humigpit ang pagkakayap nito sa binti ko. “I want to go with you, Mommy. Please?” Pakiusap nito sa akin. Hinaplos ko ang ibabaw ng ulo ng anak ko. “Nandito naman ang Daddy mo. Siya muna ang mag-aalaga sa iyo. Uuwi rin naman ako, hindi ako magtatagal sa pupuntahan ko.” Mas lalong umiling ang anak ko. Narinig ko ang paghikbi nito. Nagbuntonghininga ako. “Okay, isasama na kita. Eat ka muna ng breakfast at pagkatapos ay maligo ka na.” Malawak na ngumiti ang anak ko sa sinabi ko. Tumango ito. Pinahid ko ang luha niya sa mata. Nang makapasok sa kusina nakita ko si Philippe. He’s wearing my flowery apron. His hair are messy. Napatingin ako sa kanyang pang-ibaba, nakasuot ito ng boxer short. Hindi ko naiwasang mapasulyap sa ibabang bahagi ng katawan nito. Namumukol ang p*********i nito. Napalunok ako nang wala sa oras. Binaling ko sa iba ang tingin ko. Bakit ba ako napasulyap sa bahaging iyon ng katawan niya? Sino ba ang hindi? Bukod sa kaguwapuhan, iyon ang big asset ni Philippe. Napatingin ako sa hitsura ng kusina. Magulo at ang daming hugasin. Nakatambak ang mga kaldero sa lababo. Ang mga cabinet ay nakabukas. Ang mga sandok kung saan-saan nakalagay. Ang mga plato ay nakatambak sa lababo. Kapag talaga lalaki ang nagtrabaho rito sa kusina ay hindi maaasahan. Napabuntonghininga ako. Napalingon si Philippe nang mapansin ang presensya ko. Baka narinig nito ang malalim na buntonghininga ko. “I am so sorry the kitchen are kind of messy. I’ll clean it up when we finish our breakfast.” Hinging paumanhin ni Philippe. Dapat lang no? Alangan naman ako pa ang mag-aayos? Alam naman niyang may pupuntahan pa ako. Hindi ako kumibo. Pumunta na kami sa dining area. Pinaupo ko ang bunso ko sa tabi ko. Ang iba kong anak ay nasa dining room na. “Good morning, Mommy!” They greeted me in unison. Napangiti ako sa mga anak ko. Napansin kong wala ang panganay kong kambal. Malamang nakatulog pa ang dalawang iyon. Binata na talaga ang dalawang iyon. May sarili nang mundo. Hindi ko naman sila maitatali dahil may sarili na silang pag-iisip. Ayoko namang makialam sa buhay nila. Alam na nila kung ano ang tama at mali. “Good morning mga anak.” Bati ko sa kanila. Isa-isa ko silang hinagkan sa kanilang pisngi. Pagkatapos ay umupo na ako sa upuan. “Mommy where are you going?” Tanong ng anak kong si Samantha. Nakita nitong nakabihis ako nang pang-alis. “Ngayon ang interview ko sa work. Ipapakilala ako ng Tito Gabriel niyo sa magiging boss ko,” sabi ko sa anak ko. Napasulyap ako kay Philippe na mukhang nagulat sa sinabi ko. Ano’ng nakakagulat sa sinabi kong magtatrabaho ako? Kailangan kong kumayod sa sarili kong pagsisikap. Ngayong hiwalay na kami ayokong iasa sa kanya ang pangangailangan ko sa pera. Kung sa mga anak namin ay okay na magbigay siya, hindi ko siya pipigilan doon dahil karapatan niya iyon. “Bakit kailangan mo pang maghanap ng work? Kaya ko kayong surportahan. Hindi mo na kailangang magtrabaho,” sabi ni Philippe. Expected ko nang sasabihin niya iyon. Yes, kaya naman niya kahit hindi ako magtrabaho, pero ito ang desisyon ko na dapat niyang igalang. Hiwalay na kami kaya hindi na magandang umasa ako sa pera niya. “It’s not a proper place to talk about it. Pag-usapan natin iyan kapag dumating ako mamaya.” Seryosong wika ko. Sa sinabi kong iyon ay hindi naman na ito nagsalita. Inasikaso na nito ang mga anak namin. Pinagtimpla niya pa ako ng kape. Nang ilapag niya ito sa harap ko ay irap ang sinukli ko sa ginawa nito. Wala naman itong reaction sa ginawa ko at bumalik sa inuupuan nito. Paalis na kami nang humabol si Philippe. Hinagkan nito ang pisngi ng bunso namin. “Daddy, ano’ng gusto mong pasalubong mamaya kapag umuwi na kami ni Mommy?” Tanong ng bunso namin. Napangiti si Philippe. Hinaplos nito ang ibabaw ng ulo ng anak. “It’s okay kung wala,” sabi nito. Napaisip ang anak ko. “Alam ko na po kung ano ang favorite mo po, Daddy.” Napahagikgik ang anak ko. Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ang naisip na pasalubong sa ama nito? Ginulo ni Philippe ang buhok ng anak habang napapangiti. “Halika ka na anak aalis na tayo. Nandito na si Tito Gabriel,” sabi ko sa anak ko. Hinawakan ko ang isang kamay nito. Kumaway ang anak ko kay Philippe. Hindi ko na tiningnan kung ano’ng reaction ni Philippe at tinuon ang tingin sa harapan. Natatawa si Gabriel sa ginawa ko nang makasakay na kami sa sasakyan nito. “Mukhang affected ka pa sa kanya.” Biro nito. Hinampas ko siya sa balikat. “Hindi no? Ituon mo na lang ang atensyon mo sa pagda-drive,” sabi ko na may inis na tono. Hindi na ako apektado sa lalaking iyon. Pinatigas niya ang puso ko dahil sa pambabalewala niya sa akin. Ngayon ko lang na-realized na kailangan ko namang mahalin ang sarili ko. Tama na iyong 14 years na binigay ko ang panahon ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD