EPISODE 11

1588 Words
ALESSANDRA NAPAPANGITI ako sa isang sulok habang nakikinig sa usapan ng mga anak ko. Inaamin kong hindi ako expert sa pagluluto. Actually, mas magaling magluto sa akin si Philippe. Natuto na lang ako sa pagluluto dahil ginagawa ko naman ito araw-araw. O kaya naman ay pinanonood kong magluto si Philippe. Nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi na kami kagaya ng dati, masaya. Lumabas ako sa kinatataguan ko at nagkunwaring kadarating lang. Pinaskil ko ang ngiti sa labi ko. “Good morning kids!” Bati ko sa tatlo kong anak. Nanlaki ang mata nila nang makita ako. “Mommy kanina ka pa ba diyan?” Tanong ni Sandro. “Kadarating ko lang, bakit?” Inosente kong tanong sa anak ko. Gusto kong matawa sa hitsura nilang gulat na gulat. Obvious sa reaction nila. Nagkamot ng ulo ang anak. Nakita ko ang pagsiko ni Samuel sa kapatid. Napasulyap ako kay Philippe na titig na titig sa akin. Inirapan ko siya. “Good morning, hon.” Bati niya sa akin. Hindi ko sinagot ang pagbati niya sa akin at hinarap ang mga anak ko. “Maligo muna kayo bago kumain ng umagahan.” Utos ko sa kanila. Humalik sila sa pisngi ko maliban lang kay Philippe. Sumunod naman ang anak ko at nagpunta sila sa bathroom upang maligo. Naiwan kami ni Philippe. Hinarap ko siya upang komprontahin. Supposedly next week pa ang pagdalaw nito sa mga anak at hindi ngayon. “Hindi ba next week ang pagdalaw sa mga anak mo? Napag-usapan na natin iyan.” Inis na turan ko. “I-I know na-miss ko lang ang mga anak ko kaya pinuntahan ko sila at para ipagluto ng almusal.” Napairap ako sa inis sa lalaking nasa harapan ko. So gusto niyang palabasin na hindi ko kayang ipagluto ang mga anak ko? Oo na hindi ako ganoon kagaling sa pagluluto at siya ang mas marunong. “I can cook their breakfast. Hindi mo na kailangang gawin iyan, Philippe.” Nagulat ang naging reaction ni Philippe sa sinabi ko. Tama lang na sabihin ko iyon dahil ayokong magsinungaling sa nararamdaman ko. “Hon. . .” Tawag nito sa akin. “Huwag mo na akong tawaging sa ganyang endearment dahil wala ng talab sa akin. Tapos na tayo Philippe kaya hindi na tamang tawagin mo pa ako sa endearment natin noon. Palalagpasin ko ang ginawa mo ngayon, pero sa susunod sana naman tumupad ka sa pinag-usapan natin,” sabi ko at saka ko siya tinalikuran, nagpunta ako sa mga anak ko para tingnan kung tapos na silang maligo. ***** Inaya ko sa lanai si Gabriel upang magkape. Favorite kong spot ang lugar na ito. Nakikita kasi mula rito ang ganda ng lugar kung saan nakatayo ang bahay. Malawak ang pagmamay-ari ni Gabriel. Kita ko ang view ng magandang garden. May mga punong malalaki. Napakaganda sa mata ang kulay luntian ng paligid. Mahangin din ang lugar na ito. Inilapag ko sa coffee table ang ginawa kong kape. Umupo kaming pareho sa bakal na upuan habang nakaharap sa labas. Napalingon ako kay Gabriel nang magsalita ito. “By the way, I have something to tell you. My friend is searching for an Executive Secretary. Umalis kasi ang Secretary niya dahil nag-asawa na. Hindi na raw pinayagang magtrabaho ng asawa. Gusto mo ba?” Tanong nito. “Hindi mo na kailangang tanungin dahil tatanggapin ko yang inaalok mong trabaho. May experience naman ako sa pagiging sekretarya. Sabi ni Gabriel. Kailangan ko rin kasi ng trabaho. Ayokong umasa sa bigay ni Philippe. Iyon ay para sa mga anak ko at hindi sa akin. Gusto kong kumita sa sarili kong pera.” Natatak na sa isip ko ang sinabi niya. Bumaba ang self-esteem ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay wala akong silbi. Umaasa lang ako sa kanya. “Walanghiya rin ang asawa mo, Alessandra. Hindi niya kailangang isumbat ang bawat na perang binibigay niya sa inyo. Obligasyon niya iyon sa pamilya niya. Tarantado rin, eh? Sa yaman niyang iyon kukuriputan pa kayo?” Natawa si Gabriel. Natawa rin ako. May punto siya. Sa dami ng pera ni Philippe sobra iyon sa amin. Kayang-kaya niyang bilhin kahit ang pinakamahal na bagay. Hindi naman kasi materyal na bagay ang gusto ko kundi ang atensyon niya at pagmamahal. “Maganda ang pa-sweldo ng kaibigan ko na iyon. Hindi siya kuripot kagaya ng asawa mo.” Natawa ako sa sinabi ni Gabriel. Kuripot ba si Philippe? “Thank you Gabriel sa pagtulong sa akin.” Pasasalamat ko. “Gusto ko sanang sa company ko ikaw magtrabaho. Ayaw mo naman kasing tanggapin ang offer ko.” Anito. “Ayokong mawalan ng trabaho ang secretary mo nang dahil sa akin.” Wika ko. “Hindi naman mawawalan ng trabaho ang sekretarya ko. Ililipat ko siya sa ibang department. Napanguso ako. “Mahihirapang mag-aadjust ang sekretarya mo kapag sa ibang department mo siya nilipat. Hindi niya porte ang ibang trabaho kung nasanay na siya sa pagiging sekretarya mo.” Naalala ko noong nagtatrabaho pa ako sa Daddy ni Philippe, hindi niya ako nililipat sa ibang departamento dahil baka hindi ko magawa ang trabaho roon dahil hindi ko raw porte. “Nagtataka lang ako kay Philippe the coward kung bakit naghahanap pa siya ng ibang babae kung nasa iyo na ang lahat. Mabait at maganda pa,” sabi nito. Natawa ako sa sinabi niyang maganda. Maganda ba ako kung naghahanap pa ng iba si Philippe? “Hindi ako maganda kaya naghanap ng iba ang lalaking iyon.” May hinanakit na wika ko. Kumunot ang noo ni Gabriel. “Sino ang nagsabi na pangit ka? Si Philippe? Gago ang asawa mo. Akala mo naman kina-macho niya ang pagiging playboy? A big no way! Maganda ka sa panlabas at pati na rin sa panloob,” sabi nito at kinindatan ako. “Bolero ka talaga,” sabi ko. “Hindi ako bolero dahil nagsasabi lang ako ng totoo. Mas malaki ang muscle ko sa kanya at mas guwapo ako.” Pagmamalaki nito. Totoo naman ang sinabi niyang macho siya at gwapo. Napahagikgik ako nang pin-flex nito ang malalaking muscle sa braso. “Kita mo iyan? Pumuputok sa laki, di ba?” Pinisil ko ang muscle niya. Sobrang tigas. “Nagbubuhat ako ng bakal, three times a week para mapanatili ang muscle ko nang ganito kalaki. Balak kong sumali sa Mr. Philippines this year. Sana palarin.” Namilog ang mata ko. “Talaga?” Hindi makapaniwalang turan ko. Hindi ko akalaing sumasali sa ganoong paligsahan si Gabriel. “Siguradong mananalo ka na. Sa ganda ng katawan mo ikaw na ang champion,” sabi ko. “Iyan ang gusto ko sa iyo, Alessandra. Bukod sa mabait ka hindi ka pa sinungaling,” sabi nito. Sabay pa kaming natawa. Napalingon kaming dalawa ni Gabriel nang may tumikhim nang malakas. Parang hindi nga tikhim ubo na. “Oh, narito ka pala Philippe the coward. Kape tayo!” Pag-anyaya ni Gabriel. Humigop ito sa tasa. “Hmmm. . . Ang sarap naman ng timpla mo, babe. Nanunuot sa aking kalamnan at mga muscle. Parang gusto kitang halikan, babe.” Biro ni Gabriel sa akin. Napakagat labi ako para pigilin ang ngiting gustong umalpas sa labi ko. Maloko talaga itong si Gabriel. Mukhang pikon na itong si Philippe. Masama na ang timpla ng mukha nito. Hinampas ko si Gabriel sa balikat para patigilin na sa pang-aasar kay Philippe. “Oh s**t! Ang sarap naman ng hampas mo parang nanigas ang aking muscle. Sige pa hampasin mo pa ako, babe.” Anito. “Ewan ko sa iyo,” sabi ko. “Alam mo bang ang hampas mo ay parang minamasahe ang katawan ko? You’re the best!” Natawa ako nang mahina. Kung si Gabriel natutuwa samantalang itong si Philippe ay parang sasabog sa galit. Namumula na ang punong tainga nito. Umupo sa isa pang upuang bakal si Philippe at tumabi sa kinauupuan ko. Nagulat ako nang kunin niya ang tasa ng kape ko at humigop doon. “Masarap talaga magtimpla ang ASAWA ko.”Ani Philippe na may diin. Napairap ako sa kanya. Ngayon nasasabi niya ang asawa ko, pero noon ni ang endearment sa akin ay hindi niya masabi. “Oh, really? Hindi ba hiwalay na kayo at magpa-file na nang annulment si Alessandra? Wala ng bisa ang salitang asawa ko sa inyo.” Pang-iinis pang lalo ni Gabriel kay Philippe. “Hindi pa kami annuled kaya ASAWA ko pa rin siya.” Napabuntonghininga ako. Ito na naman siya. Hinarap ko si Philippe. “Kung pumunta ka rito para makipag-away umalis ka na lang.” Seryoso kong saad kay Philippe. Natigilan siya. Natahimik na lang si Philippe. Mukha siyang naging maamong tupa nang seryoso ko siyang tiningnan. “Hindi naman sa ganoon, hon.” Napairap ako sa kanya nang banggitin na naman niya ang hon. Ewan ko ba naiinis na ako sa salitang hon. Nakakairita na sa pandinig ko. Natatawa lang nang mahina si Gabriel sa isang tabi. “May ganyan pala? Hiwalay na’t lahat tinatawag pa rin sa endearment? Kung ako hindi na.” Pang-aasar pang lalo ni Gabriel. Pinanlakihan ko ng mata ang kaibigan. Mas lalo lang niya kasing ginagatungan ang inis ni Philippe. Pulang-pula na ang punong tainga nitong isa sa pagpipigil sa galit. “Bakit naparito ka?” Tanong ko kay Philippe. Napasulyap siya sa akin. “Gusto ko sanang mag-stay muna rito para makasama ang mga anak ko.” Napaubo si Gabriel at naibaba ang iniinom na kape. “Okay ka lang?” Tanong ko sa kaibigan at hinagod ang likod nito. Tumango si Gabriel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD