PHILIPPE
NAGLINIS muna ako ng bahay bago ako magtrabaho. Nang matapos kong linisin ang bahay ay sinimulan ko ang trabaho ko.
I decided to work from home. Kausap ko ang Sekretarya kong si Joebelle sa google meet. Dinala ko na rin dito ang mga gamit sa work kaya hindi mahirap sa akin kahit sa bahay lang ako magtrabaho.
“Daddy, nagugutom na ako,” sabi ng anak ko si Sandro. Hinihimas nito ang tiyan. Sumubsob ito sa balikat ko. Napatingin ako sa relo ko.
Damn!
Nakalimutan kong magluto, magtatanghalian na pala. Masyadong naging busy ako sa trabaho.
“I am so sorry, baby. Teka lang magluluto lang si Daddy, okay?” Tumango ang anak ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming nagpunta ng kusina. Pagkarating namin sa kusina ay natigilan ako. Wala akong ideya kung ano’ng lulutuin ko. Napahilot ako sa sintido ko. Ang hirap palang mag-isip ng uulamin. Bigla ay naalala ko si Alessandra. Siguro ganito si Alessandra, palaging nag-iisip nang uulamin namin sa araw-araw. Ngayon ko lang nalalaman kung ano’ng hirap ni Alessandra, mula sa pag-aalaga sa walo naming mga anak at sa pag-aasikaso sa akin. May gana pa akong magreklamo. Gago talaga ako.
Dahil wala akong maisip na lulutin ay tinanong ko na lang ang anak ko. “Anak ano’ng gusto mong lutuin ni Daddy?” Tanong ko kay Sandro. Ngumuso ang anak.
“Daddy, hindi naman po ganyan si Mommy kapag magluluto ng lunch. Wala naman po akong alam kung ano’ng name ng niluluto ni Mommy, eh?” sabi ng anak ko at nangamot ng ulo. Napakamot din ako sa ulo ko. Nagkaroon na ako ng problema kung ano’ng iluluto ko.
Kinuha ko ang cellphone at in-open ang Youtube. Nag-search ako ng mga pagkain na puwedeng lutuin for lunch. Lumabas ang iba’t ibang dish. Sa dami nila ay hindi ko alam kung alin ba roon ang lulutuin ko. Mukhang complicated lutuin ang lahat nang na-i-search ko. Inilapag ko sa table ang cellphone ko at hinarap ang lulutuin kong ulam.
Ang pinakasimpleng nakita kong dish ay beef adobo. Naghanap ako ng beef sa ref. Napangiti ako nang makita ang beef. Kumuha ako ng patatas, sibuyas at bawang.
“Daddy, nagugutom na po ako,” sabi ni Sandro. Naawa ako sa hitsura ng anak ko. Naghanap ako ng sandwich na puwede kong gawin. May nahanap ako.
“Anak, wait mo si Daddy, ha? I will make a sandwich for you,” sabi ko. Kumuha ako ng cheese and mayonaise. Naghanap ako ng ham. Pumasok ang iba ko pang mga anak.
“Daddy, kakain na po ba tayo?” Tanong ni Samantha. Umupo ito sa stool at pumangalumbaba.
“Magluluto pa lang si Daddy, anak. Gagawa na lang muna si Daddy ng sandwich niyo,” sabi ko.
Isinalang ko ang ham sa frying pan. Habang niluluto ang ham hinanda ko naman ang sandwich sa plato. Inilabas ko sa ref ang cheese at mayonnaise. Nagpunas ako ng noo dahil tumatagaktak na ang pawis ko. Ganito pala kahirap maghanda ng makakain. Ang daming gagawin.
“Daddy, tumatawag si ate Joebelle,” sabi ni Phille.
“Pakidala na lang dito ang cellphone ko anak.” Utos ko. Inalis ko ang ham sa frying fan at pinatay ang stove. Isa-isa kong nilagyan ng ham ang sandwich. Iniabot sa akin ni Phille ang cellphone. Sinagot ko ang tawag.
“Hello, Joebelle, anong problema?” Tanong ko sa Sekretarya ko.
“Sir Philippe, may pumuntang babae rito at hinahanap po kayo. Nagalit ng sinabi ko na wala kayo at dumalaw kila Ma’am Alessandra. Nagwala nga po.” Nagbuntonghininga ako.
“Hayaan mo lang ang baabeng iyon. Sabihin mo sa security na huwag na siyang papapasukin, okay?” Bilin ko.
“Okay po,” sabi ni Joebelle.
Tinapos ko na ang tawag dahil magluluto pa ako ng pagkain ng mga anak ko. Pagkaharap ko sa mga anak ko ay nanlaki ang mata ko nang makitang wala ng laman ang plato. Mukhang gutom na gutom na sila. Napangiti ng alanganin ang mga anak ko sa akin. Napakamot ako sa ulo ko.
Nang matapos kumain ang mga anak ko ay naiwan ako sa dining table. Napatingin ako sa table. Ang daming kalat. Hindi pa ako naliligo dahil wala akong oras na gawin iyon. Naglinis ako ng bahay at nagluto. Hindi na ako nakapagbihis ng damit. Ito pa rin ang suot ko. Natawa ako sa hitsura ko. Mukha akong hindi isang CEO. I am sure pagtatawanan ako ng mga kaibigan kong bully kapag nakita nila ang hitsura ko. Gayon pa man masaya ako dahil kahit paano ay napagsilbihan ko ang mga anak ko. Okay lang na hindi ako naligo basta hindi magugutom ang mga anak ko. Sila ang mas importante kaysa ang sasabihin ng iba.
ALESSANDRA
TANGHALI na ng dumating si Gabriel. May meeting pa raw kasi itong pinuntahan. Inip na inip na ang bunso ko na nakatulog na sa sofa rito sa opisina ni Gabriel.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nang magtama ang mata namin ng lalaki ay nangunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang lalaki.
“Tristan/Alessandra.” Magkasabay naming binanggit ang mga pangalan namin. Bigla kaming nagkatawanang dalawa. Nagtatakang tingin ang pinukol sa amin ni Gabriel.
“Do you know each other?” Tanong niya sa amin.
“Yes, nagkakilala kami sa Tagaytay nang minsan namalengke ako, nagkabanggaan kaming dalawa. Doon nagsimula ang pagkakakilala naming dalawa.” Kuwento ko kay Gabriel.
“Ikaw pala ang naghahanap ng Secretary,” sabi ko. He nodded.
“Umupo ka muna para mapag-usapan na natin ang posibleng trabaho ni Alessandra sa office mo,” sabi ni Gabriel. Napasulyap si Tristan sa sofa kung saan nakahiga ang bunso ko.
“Kasama mo pala si Alessan Philippe,” sabi nito at napangiti. Hindi niya inaalis ang tingin sa bunso ko.
“Oo nga, eh? Alam mo namang palaging sumasama iyan kapag umaalis ako. Hindi puwedeng maiiwan sa bahay dahil iiyak. Anino ko kasi ang batang iyan.” Biro ko at saka sumulyap sa anak ko.
“Ito ang ang resume ni Alessandra,” sabi ni Gabriel at binigay kay Tristan ang resume ko. Binasa niya iyon at napapatango habang binabasa ang resume ko.
“Impressive. Matagal ka palang nagtrabaho sa pamilyng Escobar.” Anya.
“Yes, mabait naman kasi ang original na boss ko.” Narinig ko ang tawa ni Gabriel. Inirapan ko siya. Pang-asar ang lalaking ito. Napasulyap si Tristan kay Gabriel.
“Sinasabi mong hindi mabait si Philippe?”sabi ni Gabriel. Napanguso ako.
“Mabait din naman, pero mas mabait si Sir Danilo at Ma’am Eliza.” Sinikap kong hindi sila tawaging Daddy at Mommy. Ayokong pag-usapan ang relasyon namin ni Philippe. Hindi rin naman mahalaga iyon. Napangiti si Tristan.
“Don't worry hindi ako kagaya ng ex-boss mo. Mabait ako at mahaba ang pasensya.” Nagtawanan ang dalawa. Ako naman ay napapanguso.
“Alam ko ang pinupunto niyong dalawa. Mahaba rin naman pasensya ni Philippe, pero minsan mainitin lang talaga ang ulo niya” Paliwanag ko. Bakit ko nga ba pinagtatanggol ang lalaking iyon?
“Bakit tila yata pinagtatanggol mo si Philippe the coward?” Tanong ni Gabriel sa akin. Natigilan ako.
“Hindi naman sa pinagtatanggol ko siya. Ama siya ng mga anak ko kaya natural na ipagtanggol ko siya.” Paliwanag ko kahit iyon naman talaga ang totoo.
“Ah. . .” Magkapanabay na turan ng dalawa.
Hinatid ako ni Gabriel, alas-siyete na ng gabi. Nakatulog na sa balikat ko ang anak.
“Gusto mong tulungan kita? Ako na ang magbubuhat kay Alessan.” Presinta ni Gabriel.
“Huwag na at baka gabihin ka na sa paguwi ng Manila. Kaya ko na ito,” sabi ko. Hinagkan niya ang noo ko bago sumakay ng sasakyan nito. Tinanaw ko muna ang papalayong sasakyan ni Gabriel bago ako pumasok sa loob.
Pagkabukas ng main door. Nakita ko na agad si Philippe na nakahiga sa sofa. Mukhang himbing na himbing ang tulog. Nagdalawang isip akong gisingin siya, pero sa huli ginising ko.
“Philippe. . .” Tawag ko sa kanya. Napatirik ako ng mata dahil mukhang malalim ang tulog niya. Tinapik ko ang pisngi niya at medyo napalakas iyon. Nagmulat ng mata si Philippe.
“Pasensya na nakatulog ako sa paghihintay sa inyo.”
Napasulyap si Philippe sa anak namin. Walang paalam nitong kinuha sa akin si Alessan. Hindi na ako tumanggi dahil masakit na ang balikat ko.
“Kumain ka na ba, hon?” Tanong niya sa akin.
“Hindi pa.” Sagot ko.
Bakit ba hon pa rin ang tawag niya sa akin? Hindi ko na lang pinansin iyon. Kahit na ba sabihan ko siyang huwag nang sabihin iyon, pero uulitin pa rin naman niya. Kaya hayaan ko na lang.
“Wait lang,” sabi nito at pinunta na sa silid ng anak ko ang bunso namin.
Umupo muna ako sa sofa upang ipahinga ang paa ko at likod. Sinandal ko ang likod ko sa malambot na sandalan. Nakakapagod ang araw na ito kahit nakaupo lang ako maghapon sa opisina ni Gabriel. Pinikit ko ang mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa tapik sa balikat ko.
“Hon.” Tawag ng boses lalaki. Nagmulat ako ng mata. Nabungaran ng mata ko ang mukha ni Philippe. Napakalapit ng mukha nito sa mukha ko. Napatitig ako sa mukha ng asawa ko. He looks haggard and tired, but he manage to smile at me, iyong ngiting masaya na parang may na fullfilled siyang task ngayong araw.
Niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. Asawa ko siya at ama siya ng mga anak ko. Ngunit sa nangyari sa amin ay na-realized kong kailangang pagtuunan muna ang sarili ko. Kailangan namin ng space sa isa’t isa. Hindi namin namamalayang nasasakal na pala namin ang isa’t isa. Mas okay ang ganito kami, walang pinagtatalunan.