PHILIPPE
“Ano’ng sinusulat mo?” Napalingon ako sa taong nagsalita na nasa gilid ko na pala. It’s Henry, my brother. Hindi ko namalayang nakapasok na ang kapatid ko dahil seryoso akong nagsusulat sa Journal ko. I used to write my everyday activity dahil minsan nakakalimutan ko. Nagkakaedad na rin naman ako kaya minsan nakakalimot ako.
“It’s my everyday activity. I used to take note in my journal,” sabi ko at sinara ang Journal ko. Hinarap ko si Henry na nagtataka.
“Matanda ka na kasi kaya kailangan mong isulat ang mga activity mo dahil makakalimutin ka na.” Natawa si Henry. Napairap ako sa kapatid. Alam ko naman na iyon.
“Forget my Journal. Ano’ng masamang hangin ang nagpapunta sa iyo dito?” Tanong ko. Nilagay ko ang Journal ko sa drawer ng table ko.
”Gusto ko sanang anyayahan kayo sa birthday ni Carmen. Hindi ko ma-contact ang number mo. Nagpalit ka ba ng number?” Tanong niya sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya. Nagpalit ba ako ng number? Kinapa ko ang bulsa ko kung nandoon ngunit wala. Binuksan ko ang drawer ko, nandoon ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at in-open ngunit hindi bumukas. Lowbat. Nakalimutan ko pa lang i-charge at naiwan ko pala rito sa opisina ko.
“Lowbat ang cellphone at naiwan ko rito sa office. Kailan ba ang birthday ni Carmen?” Tanong ko.
“Sa sabado. Sana makadalo kayong lahat. Hindi ko pa nakausap si Ess dahil mukhang busy sa new job niya.” Wika ng kapatid ko.
“Yeah, she’s busy now. Hayaan mo sasabihin ko mamaya kapag nakauwi na siya.” Nalulungkot ako dahil hindi na kami kagaya ng dati. Masaya at nagsasama. Kasalanan ko naman kaya kami naging ganito.
“Doon ka na nakatira sa bahay ni Gabriel?” Takang tanong ni Henry.
“Pansamantala lang habang inaayos ang bahay ko. Pina-renovate ko dahil pinadagdagan ko ng room. Lumalaki na ang mga anak ko kaya gusto na nilang walang kasama sa room nila.” Napatango si Henry sa sinabi ko.
“Napag-usapan niyo na ba ni Ess ang pagpapa-renovate mo ng bahay para sa silid ng mga anak niyo?” Umiling ako. Nagdesisyon akong mag-isa, pero sana okay lang sa kanya ang ginawa ko. Ito ay para sa kanila naman.
“Kapag nagkaroon ng pagkakataong makausap ko siya babanggitin ko sa kanya ang naging plano ko. Although hindi kami in good terms gusto kong doon sa bahay ang mga anak ko at si Alessandra. Gusto kong sama-sama kami.” Mapait akong napangiti. Malabong mangyari iyon dahil galit sa akin si Alessandra. Pinagbibigyan niya lang ang mga anak namin kaya napapapayag siyang manatili ako sa kanila. Napailing ang kapatid.
“Good luck kuya sa pagpapaamo kay Alessandra. Mahirap pa naman paamuin ang mabait.” Makahulugang wika nito at natawa nang mahina. Mukhang tama si Henry sa sinabi niya.
Hindi ko na lang pinansin ang patudsada ng kapatid ko. Malaki pa rin ang paniniwala kong magkakabati kami ng Alessandra in god’s time. Basta magtityaga ako sa pagsuyo sa kanya. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan.
Umalis na rin agad ang kapatid nang masabi nito ang pakay. Sinubsob ko uli ang sarili ko sa tambak kong trabaho.
“Sir, may meeting po kayo kay Mr. Torres.” Paalala sa akin ni Joebelle. Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong may meeting nga pala ako ngayon.
“Salamat, Joebelle. Anong oras?” Tanong ko dahil hindi ko na matandaan kung ano’ng oras. Kumunot ang noo ni Joebelle sa tanong ko.
“Sir Philippe, kayo nga po ang nag-set ng oras sa meeting niyo ni Mr. Torres.”
“Hindi ko na maalala kung anong oras.” Sagot ko.
“2:00 PM, Sir.” Sagot ng sekretarya ko.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Nagiging ulyanin na ako. Tumayo na ako para pumunta ng conference room. Sumunod sa akin si Joebelle, dala ang mga folders na kailangan ko. Napahinto ako sa paglalakad nang may naalala.
“Sir? Is there something wrong?” Nagtatakang tanong ni Joebelle sa akin.
“Mauna ka na muna sa conference room dahil may nakalimutan akong kunin,” sabi ko. Tumango siya sa sinabi ko.
Bumalik ako sa opisina ko para isulat lang sa journal ko ang gagawin ko ngayon. Bumalik din ako agad sa conference room. Pagkabukas ng pinto ay dumiretso na ako sa upuan ko. Hindi ko napansin na nandoon na pala ang ka-meeting ko.
“Good morning, Mr. Escobar.” Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Tumayo ako para makipagkamay sa kanya.
“I am sorry, medyo na-late ako dahil may kinuha lang ako sa opisina ko. Shall we proceed to our meeting?” Wika ko. Bumalik muli ako sa upuan ko.
“Hintayin lang natin ang Secretary ko. Nasa kanya kasi ang proposal na ipre-present ko.” Nakangiting wika ni Mr. Torres. Tumango ako.
“Ms. Joebelle dalhan mo kami ng coffee.” Utos ko sa Secretary ko.
Binasa ko ang mga papeles na nasa ibabaw ng table. Habang binabasa iyon ay hindi ko napansin ang pumasok.
“Nakuha mo ba?” Narinig kong tanong ni Mr. Torres sa taong dumating.
“Yes, Sir Torres.” Natigil ako sa pagbabasa dahil sa boses ng babaeng nagsalita. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin. Huminto ang paligid ko nang makita ang asawa ko. She was standing beside Mr. Torres and she was smiling. Parang gusto kong hilahin ang asawa ko at dito sa tabi ko siya tumayo. Or I make her sit on my lap.
“By the way Mr. Escobar meet my Secretary, Alessandra.” Pakilala niya sa asawa ko. Hindi ba niya alam na mag-asawa kami? O baka naman hindi niya ginamit ang last name ko sa resume niya? Napangiti ako sa kanya.
“Nice to know you. Ms. Alessandra.” Natawa si Mr. Torres.
“Hindi mo na ba nakilala ang asawa mo?” Tanong nito. Alam naman pala nitong asawa ko si Alessandra. So it means ginamit pa rin nito ang apelyido ko.
Gusto kong mainis sa pagtawa ni Mr. Torres na para sa akin ay isang insulto. Malay ko ba na alam niyang asawa ko si Alessandra.“ Tumikhim ako.
“I just want to be formal.” Pagdadahilan ko na lang para hindi ako mukhang napahiya. Kahit mukha akong tanga na hindi ko kilala ang pinakamamahal kong asawa.
“By the way here are the proposal of Mr. Torres.” Napatitig ako sa mukha ng asawa ko. Hindi ko pinansin ang papers na binigay niya sa akin. Kinakabisado ko ang bawat sulok ng mukha ng asawa ko. I want to memorize her beautiful face. I want to hug her right now. Sana ako ang kasama niya ngayon at hindi ang lalaking ito. Siya ang pinakamagandang babae sa paningin ko kahit na nakapikit pa ako. Siya lang ang nakikita ko kahit sa balintataw ko.
I smiled na parang nakangiti rin siya sa akin. May malakas na tumikhim. Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan. Umayos ako ng upo.
Kinuha ko ang proposal. Sa peripheral vision ko ay nakikita ko si Alessandra na nakatingin sa akin. I wanted to hug her na lagi kong ginagawa kapag nandito kami sa opisina. Madalas siyang nandito kapag wala siyang magawa sa bahay. I used to call her para papuntahin dito sa opisina dahil nami-miss ko ang presensya niya. Nasanay na akong kasama siya palagi at laging nakakandong sa lap ko.
“Mr. Escobar we will present the proposal para makita mo kung ayos ba ang flow ng chart na ginawa namin,” sabi ni Mr. Torres. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Niluwagan ko ang kurbata ko dahil tila nasasakal ako. Si Alessandra ang magsasalita sa harapan namin.
Wala akong naintindihan sa pinapaliwanag niya. Sa mukha niya ako nakatingin at sa labi niya. I watch every move of her lips. Every sway of her sexy belly. Her body language makes me want more of her. I want her. I need her in my life. Tumayo ako.
Nagulat sila sa ginawa ko. I hugged her behind her back.
“P-Philippe, a-anong ginagawa mo?” She stammered
“Honey. . .” Iyon lang ang nasabi ko.
“Mr. Escobar, we are here for the meeting not for your personal matter,” sabi ni Mr. Torres. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko lang pinahiya ang sarili ko kung hindi pati si Alessandra.
Nagbuntonghininga ako. Bagsak ang balikat kong bumalik sa upuan ko. Nagpatuloy si Alessandra sa pagsasalita. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa hiya. Wala akong nagawa kung hindi ipagpatuloy sa pakikinig kahit hindi ko na naiintindihan ang pinaliliwanag niya.
“What do you think, Mr. Escobar?” Tanong sa akin ni Mr. Torres. I cleared my throat. Natuyuan ako ng laway sa kagandahan ng asawa ko.
“Well, Maganda ang proposal niyo, but I need a more accurate explanation. Masyadong blunt.” Wika ko habang nakatitig sa asawa ko. Inirapan niya ako. I like it whenever she rolled her eyes.
“Okay, we will make changes in our proposal.” Wika ni Tristan. Tumayo na ito at lumapit sa akin. I stood up. He reaches his hand towards me.
“Don’t worry hindi ko naman sinasabing ayaw ko sa proposal mo. Nakulangan lang talaga ako.” Wika ko. Napasulyap ako sa asawa ko. She’s talking to Joebelle.
“Okay, thank you, Mr. Escobar.” I nodded my head.
“Ms. Alessandra tayo na?” sabi niya sa asawa ko. Gusto ko sanang mag-stay muna ang asawa ko. Maalala ko palang she’working with him.Sinamahan ko silang lumabas para makita ko pa ang asawa ko nang malapitan.
“Alessandra.” Tawag ko sa asawa ko. Parang may pumipigil sa aking magsalita. Walang boses na lumabas sa lalamunan ko.
“May sasabihin ka ba, Mr. Escobar?” Tanong ni Alessandra na mukhang inis. Tinarakan ng palaso ang puso ko sa pagsasabi niya ng Mr. Escobar. Napakapormal naman ng tawag niya sa akin. Kahit sana pangalan ko na lang.
“S-Sa bahay ka ba magdi-dinner?” Lakas loob kong tanong. Biglang sumingit si Tristan sa usapan namin ng asawa ko.
“I am so sorry, Mr. Escobar we have something to do about the proposal at baka gabihin ng uwi ang Secretary ko. Aayusin pa kasi namin ang proposal na pinababago mo.” Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko about sa proposal. Actually, wala naman akong naintindihan sa paliwanag ng asawa ko. Busy ako sa kakatitig sa kanya.
“G-Ganoon ba? Okay,” sabi ko na lang. Wala akong nagawa kung hindi tingnan na lang sila habang paalis. Marahas akong nagbuntonghininga. Minsan tanga rin ako, kung bakit kasi pinaiiral ko ang ego ko.