PHILIPPE
SINUNDO ko sa school ang mga anak ko. Maaga akong nag-out sa opisina. Dadaan pa kami ng grocery ng mga bata. Hinintay ko sila sa parking lot.
Napangiti ako nang makita ang anim kong anak. Samantha is holding her younger brother Alessan. While Samuel nakikipagharutan kay Alejandro at Phille. Si Sandro naman busy sa cellphone nito.
“Hi Daddy!” They said in unison. Isa-isang humalik a pisngi ko ang mga anak ko. Binuhat ko ang bunso.
“My teacher told me I have honor.” Pagmamalaki ni Alessan Philippe sa akin. Namilog ang mata ko sa sinabi niya.
“Really? We need to celebrate! Is that okay with you guys?” Tanong ko sa mga anak ko. Ngumiti sila.
“Yes, of course, Dad. Gusto kong kumain sa restaurant Daddy!” sabi ni Samuel.
“That’s a good idea, anak.” Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko. Pumasok na sa loob ang mga anak ko.
Pumasok kami sa favorite restaurant naming mag-anak. Dito lagi kami kumakain kapag nagke-crave ng kakaibang pagkain. Lalo na si Alessandra noong pinagbubuntis ang mga anak namin. Palagi siyang dito kumakain dahil gustong-gusto niya ang mga pagkain dito.
“Daddy I want kare-kare,” sabi ni Samuel. Favorite niya ang pagkain na iyon.
“Ew! I don’t like kare-kare para kasing may kakulay siya. Iyong poop ni Alessan.” Wika ni Alejandro. Nagtawanan sila.
“Masarap naman iyon. Hindi ba, Dad?” Napatingin sa akin si Samuel. Hinaplos ko ang ibabaw ng ulo niya.
“Yes, of course masarap iyon. It’s one of my favorite.” Natuwa ang anak ko.
“I want Menudo!” sabi naman ng only princess naming si Samantha.
“Daddy, gusto ko ng pancit tapos leche plan.” Wika naman ni Sandro.
“Lahat ng gusto niyo o-orderin natin, okay?” Nagtatalon sa tuwa ang mga anak ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa restaurant.
Lumapit sa amin ang waiter. Sinabi ko sa kanya ang mga order namin. Habang kumakain kami ay kinalabit ako ni Alessan Philippe. Nakanguso ang anak ko at tila galit dahil nakasalubong ang kilay nito.
“Bakit anak?” Tanong ko. Napatingin ang anak ko sa kaliwang bahagi. Sinundan ko ang tiningnan niya. Si Alessandra kasama siTristan. Nagtatawanan sila habang kumakain. Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko sa nakikitang ngiti ni Alessandra sa lalaki.
“Boss ng Mommy mo iyon,” sabi ko na lamang para hindi mag-isip ng masama ang anak ko. He puckered his lips.
“Bakit hindi tayo ang kasama niyang kumain? Eh, ano kung boss siya?” Sabat ni Sandro. “Hindi ba, Dad, hindi mo naman sinasama sa restaurant si ate Joebelle?” Gusto kong lumubog na lang sa kinauupuan ko dahil sa pagtatanong ng anak ko. May tama nga naman siya. Hindi ko alam kung ano’ng tamang explanation ang sasabihin ko.
“Kaya nga, Dad. Dapat tayo ang kasama ni Mommy na kumakain.” Nakisingit na rin si Samuel na nakatingin sa kanilang ina.
Napalunok ako. Hindi ko na magawang kainin ang nasa kutsara ko at isusubo ko na sana. Naibaba ko ang kamay ko.
Nagulat ako nang tumayo si Alessan Philippe at pumunta sa kinaroroonan ng kanilang ina.
“You stay here, okay?” Bilin ko sa mga anak ko. Sinundan ko si Alessan Philippe.
“Alessan!” Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon.
“Mommy!” Tawag nito sa ina. Napatingin si Alessandra sa anak namin.
“Bakit siya ang kasama mong mag-eat hindi kami!” Hinawakan ko ang kamay ng anak ko. Ngunit hinawi niya ang kamay ko.
“Hindi mo na kami love! Ayoko na sa iyo!” Galit na sabi nito.
“No, anak love ko kayo,” sabi ni Alessandra sa anak. Napasulyap siya sa akin. Alam ko ang nasa isipan niya. Baka iniisip niyang plano ko ito. Bakit ko naman gagawin iyon? She is the mother of my kids. Hindi ko kayang siraan siya sa mga anak namin. Alam ko ang hirap niya sa pag-aalaga sa walo naming anak. Wala akong karapatang gawin iyon. Nirerespeto ko siya bilang ina ng mga anak ko.
Tinalikuran niya ang ina nang lalapitan siya nito. Yumakap sa akin si Alessan. Umiyak ang anak ko. Hinaplos ko ang kanyang likod.
“I want to go home, Daddy,” sabi nito. Tiningnan ko ng may simpatya si Alessandra. Hindi ko gusto ito.
Halos tahimik ang mga anak ko habang nasa loob ng sasakyan at hanggang sa pag-uwi namin. Nakatulugan na nga ni Alessan ang pag-iyak at pagsasabi na hindi na niya love ang kanyang ina. I try to convince him na hindi totoo iyon. Pero tumimo sa isipan nito ang nakita sa resturant. Hindi ko siya mapigilang maramdaman ang sama ng loob.
Napasandal ako sa sofa. Dumating si Alessandra, galit ang nakikita ko sa kanya. Nilapitan niya ako at sinampal.
“Ano’ng nagawa ko sa iyo, Philippe at ganito ang ganti mo sa akin! Pati ang anak natin ginagamit mo para siraan ako sa kanila.” Anito. Napakunot ako ng noo habang hawak ang pisngi kong sinampal niya.
Umiling ako. “Hindi totoo iyan! Bakit ko naman gagawin iyon?”
“Puwes nagawa mo na!” Galit na wika nito.
“Hindi ko gagawin iyon! Ano’ng akala mo sa akin desperado na makuha kang muli at gagamitin ko pang pananggalang ang mga anak natin?” Napatawa ako.
“Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa akin, Alessandra? Hindi ako gagamit ng isang paslit para lang siraan ka at kunin ang loob ng mga anak natin. Napakasama ko namang ama kung ginawa ko nga iyon. I am not that desperate. Sa palagay mo ba hindi masasaktan ang anak mo na iba ang kasama mo sa hapunan at hindi sila? What do you think? Sa tingin mo matutuwa sila? Lagi mo na lang kasing pinaiiral ang galit mo sa akin. Kung gusto mo akong saktan, ako lang at huwag mong idamay pati ang mga anak natin.”
Nag-init ang sulok ng mata ko. Hindi ko maiwasang maghinanakit sa kanya. Ginawa ko naman ang lahat para maibalik namin ang dati. Nilunok ko ang pride ko, para lang maipakitang nagsisisi na ako sa maling ginawa ko. Ano pa ba ang gusto niya? Lumuha ako ng dugo at lumuhod sa harapan niya para mapatawad niya ako sa maling nagawa ko?
Bago ko siya tinalikuran. Humarap ako sa kanya.
“Sana naman Alessandra huwag mong isisi sa akin ang lahat dahil ginagalang kita bilang ina ng mga anak natin. I swear to god, hindi ko magagawang siraan ka sa kanila.” Hindi ko na napigilan ang luha kong pumatak sa pisngi ko.
“Alam ng diyos kung gaano kita kamahal. Tao lang ako Alessandra na nagkakamali, pero sana naman marunong kang magpatawad. Kahit para sa anak na lang natin at huwag na lang siguro ang para sa atin. Kung hindi mo kayang makisama sa akin hindi naman kita pipilitin. Gusto ko lang na maging maayos tayo para sa mga anak na lang natin.” Madamdamin kong wika. Sumagap ako ng hangin na tila pinanikipan ako ng hangin sa dibdib.
“I will give you the freedom you want. As long as na hindi maapektuhan ang anak natin. Ibibigay ko na sa iyo.” I said.
Bago pa ako mapaiyak ng todo ay tumalikod na ako. Dumiretso ako sa silid ko at doon ako humagulgol. Labag sa loob kong palayain ang asawa ko. Ngunit kung ito naman ang magpapaligaya at magpapatahimik sa kanya, ibibigay ko sa kanya iyon dahil mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko.