EPISODE 17

1396 Words
PHILIPPE HABANG nagpapaliwanag sa harapan ng mga ka-meeting ko ay biglang bumukas ang pinto ng conference room. Ang lahat ay napalingon sa taong nasa pintuan. Nangunot ang noo ko dahil kilala ko ang taong pumasok. “Calixta?” I said. Nagulat pa ito nang makita niya kami. Napangiti nang alanganin ang babae. “Hi, po, Mr. Escobar. I am sorry po dahil maling room pala ang napasukan ko.” Hinging paumanhin niya sa amin. Napatingin ako sa hawak nitong paper bag. Siguradong dinalhan na naman nito ang ama ng pagkain para sa tanghalian. Napakabait na anak. “It’s okay,” sabi ko. Kumaway si Calixta at lumabas na ng conference room. “Mukhang hindi lang ito si Niccola ang may ibang babae. Pati yata ikaw Philippe.” Marahas akong napatingin kay Monte. Sinamaan ko siya ng tingin. “She’s not my woman. She’s a friend. For pete sake napakabata naman niya para patulan ko. Halos anak ko na lang,” wika ko. Nagtawanan ang mga kaibigan ko. “Bakit parang defensive ka?” Pagbubuyo naman ni Piero. “Let’s continue the meeting. Kung hindi itatapon ko kayo palabas ng building ko.” Inis na wika ko. Napasulyap ako sa anak kong busy sa Ipad nito. Natapos ang meeting namin, hapon na. Dito na kami kumain sa confernce room. Nakatulog na si Alessan sa sofa sa kakahintay sa akin. Sinamahan ang anak ko ng secretary kong si Joebelle. “Sir Philippe, tulungan na kita.” Presinta ni Joebelle habang inaayos ko ang gamit ko. Umiling ako. “It’s okay Joebelle. You can go home now at baka hinahanap ka na ni Dominique.” Wika ko. Nahihiyang napangiti si Joebelle. “Baka nga po nakatulog na po iyon. Sinabi ko naman po na baka gabihin ako sa pag-uwi ngayon.” Wika nito. “Ganoon ba? Ingat ka sa pag-uwi.” Bilin ko sa kanya. Tumango siya at lumabas na ng opisina ko. Sinukbit ko ang bag na dala ko at binuhat si Alessan na mahimbing nang natutulog. Pinasandal ko siya sa balikat ko. Mukhang napagod ang anak ko sa paghihintay matapos ang meeting namin. Marahan kong inilapag sa backseat ang anak ko. Pinasadya kong palagyan ng pambatang upuan ang anak ko para maging komportable sa pag-upo. Kinabit ko na ang seatbelt at marahan kong sinara ang pinto ng sasakyan. Pumunta na ako sa driver’s seat. I-o-on ko na sana ang engine nang may mapansin akong dalawang tao na naglalakad palapit sa sasakyan ko. Napahinto sila habang nagtatawanan. Parang piniga ang puso ko kung paano ngumiti at tumawa si Alessandra habang kasama ang isang lalaki. Gusto kong bumaba at komprontahin sila ngunit maalala kong wala na pala kami ni Alessandra. Ano’ng karapatan kong magalit? Baka mas lalong magalit si Alessandra sa akin kung gagawa ako nang hindi niya magugustuhan. Napahigpit ang hawak ko sa steering wheel na parang gusto kong durugin sa kamao ko. Nagngingitngit sa galit ang puso ko. Ako lang dapat ang nagpapasaya sa asawa ko. Ako lang dapat ang taong magpapangiti sa kanya. Nag-init ang sulok ng mata ko. Alam kong hindi na mangyayari iyon. Pumatak sa pisngi ko ang mainit na likido. Napatingala ako para huwag akong mapaiyak ng todo baka magising ang anak ko. Pinahid ko ng palad ang luha ko. Nagpasya akong paandarin ang sasakyan kahit masama ang pakiramdam ko. Habang papasok ng bahay siya nama’ng pagdating ni Alessandra. “Philippe. . .” Tawag niya sa akin. Nilingon ko siya. Pinaskil ko ang sapilitang ngiti sa labi ko kahit naninibugho ang damdamin ko. “Kumusta ang araw mo sa work?” Tanong ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa labi ni Alessandra na mas lalong kinasama ng pakiramdam ko. “Ayos naman. Mabait naman ang boss ko at hindi naman ako nailang sa kanya.” Kuwento nito na parang kaswal lang. Alessandra is a great Secretary, lahat yata kaya niyang gawin. Naalala ko noon kung paano ko siya paglinisin ng magulo kong opisina, pero nagagawa naman niyang linisin sa kabila ng tambak nitong trabaho. I really missed that day. Kung kaya ko lang bumalik sa time na iyon. Babalikan ko. Kung may time travel nga lang bakit hindi ‘di ba? Well, that’s impossible. “Mabuti naman kung ganoon. Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita.” Suhestiyon ko. Napatingin si Alessandra sa akin na parang may nasabi akong masama. “Huwag na at baka pagod ka na rin. Baka may sobra pa sa niluto ng katulong.” Saad nito. Umiling ako. Gusto kong ako ang magluluto ng kakainin ni Alessandra kahit pagod at gusto ko ng matulog. I want to serve her. That is the only happiness I have now. “It’s okay I will cook for you. And beside hindi pa ako kumain.” Wika ko. Kanina pa kami kumain ng mga kaibigan ko. Kaya nagugutom na naman ako. “Naku huwag na. Maghahanap na lang ako na pwedeng madaling lutuin kapag wala ng ulam.” Wika nito. “I will cook for you. Madali lang naman iyon.” Pagpupumilit ko. Nagutom ako sa nakita kong kasiyahan ni Alessandra sa ibang lalaki. “Ayos lang na magluto ka?” Tiningnan niya ako nang may pagdududa. Am I look like haggard? Napangiti ako. “Ayos lang. Dadalhin ko lang muna si Alessan sa silid nila.” Wika ko. “Sige bahala ka.” Anito. I chuckled. Sabay na kaming umakyat sa taas. Pumasok sa isang silid si Alessandra at ako naman ay sa silid ng mga anak ko. Marahan kong inilapag sa kama si Alessan. Inalis ko ang sapatos nito bago kinumutan. Mamaya ko na lang papalitan ng pantulog. Kailangan ko munang lutuan ang asawa ko. Nagtingin ako sa ref kung ano’ng mailuluto mabilisan lang. May nakita akong hita ng manok. I think fried chicken na lang ang lulutuin ko. Favorite ni Alessandra iyon. Naalala kong ito ang madalas kainin niya noong pinagbubuntis ang panganay namin. Napangiti ako nang maalala ang panahon kung paano kainin ni Alessandra ang apat na piraso ng chicken. Sa liit niyang iyon kaya niyang ubusin iyon? Iyon ang food na pinaglihian niya. Hinanda ko na ang harina, itlog, paminta at asin na ihahalo sa chicken. Minasahe ko muna sa asin at paminta ang chicken bago ko i-dip sa itlog at harina. Nilagyan ko ng cayenne pepper, black pepper at garlic powder ang harina bago ko pagulungin ang chicken. Pinainit ko ang kanin habang pinipirito ang chicken. Iniahon ko na ang manok na napirito ko nang pumasok sa kusina si Alessandra. Nakasuot na ito ng pantulog. “Mukhang masarap ang niluluto mo. Ang bango ng amoy nakakagutom lalo,” sabi nito habang hinihimas ang tiyan nito. Napangiti ako. Mukhang good mood ang asawa ko. Napakamot ako sa ulo ko. Naglagay na ako ng plato at baso. Sinalinan ko ng malamig na tubig ang baso. Nilagyan ko naman ng kanin ang plato ni Alessandra. Gusto kong pagsilbihan si Alessandra kahit hindi man kami kagaya ng dati. Hindi pa rin naniniwala ang pag-asa kong balang araw babalik kami sa dati, masaya at nagsasama. Kung mangyari iyon I will aways hugs her. I want to feel my love for her. Hindi na ako magkakamali. Nagsimula nang kumain si Alessandra. “Be careful mainit ang chicken.” Wika ko. Napangiti si Alessandra. I like seeing her smiling at me. “Ang sarap naman nitong niluto mo Philippe.” Wika nito habang ngumunguya. Ayos lang na Philippe ang tawag niya sa akin basta nakikita ko siyang nakangiti. Mas okay na ito kaysa hindi niya ako kinakausap. “Thank you at nagustuhan mo,” sabi ko. “Kain ka na.” Pag-anyaya niya. Tumango ako sa utos niya. Habang kumakain napapasulyap ako sa asawa ko. Hindi ako magsasawang titigan ang napakagandang mukha ni Alessandra. She have the most beautuful face for me. Walang kaarte-arte sa katawan. Nakilala ko siya sa pagiging simple. Minahal ko siya sa kung ano siya. Inaamin kong marami akong naging babae noong bago ko pa nakilala si Alessandra. Ngunit mas angat ang kagandahan niya sa kanila. Kahit walang effort, pero napaibig niya ako. Kahit tumanda ako at makalimutan siya ng isipan ko, pero mananatili siya sa puso ko. Ayokong mawala si Alessandra sa parteng iyon ng katawan ko. Gusto kong siya lang ang ititibok ng puso ko, wala ng iba. Isang matamis na ngiti ang binigay ni Alessandra sa akin. I love you so much, Alessandra. Isinaisip ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD