PHILIPPE
“DADDY ang sarap ng ginawa mong graham cake. Hindi ba Mommy?” sabi ng anak kong si Alessan sa ina. Napasulyap ako kay Alessandra na mukhang nagulat. Mukha yatang nabigla sa sinabi ng bunso namin. Napilitan lang itong tumango kahit ayaw nito. Kita ko sa reaction ng mukha niya.
Dahil sa kakatitig ko sa asawa ko ay hindi ko masyadong nagalaw ang pagkain ko. Napasulyap si Alessandra sa plato kong may laman pa. Kunot na kunot ang noo. Nang magkatitigan kaming dalawa ay inirapan niya ako.
Nagsitayuan na ang mga anak namin at nagpunta nang sala. Naiwan kaming dalawa ni Alessandra. Tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan namin. Ako na ang maghuhugas ng pinggan. Nakahihiya naman kung paghuhugasin ko pa si Alessandra. Habang nagliligpit ng pinagkainan namin ay napansin ko si Alessandra na nakatingin sa akin. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa direksyon ko.
“Bakit hindi mo kinain ang pagkain mo? Nagsasayang ka lang ng pagkain.” Inis na sabi nito at saka tinalikuran ako. Napangiti na lang ako kahit galit ang asawa ko. Concern pa rin pala ito sa akin. Napatingin ako sa plato ko. Nagpasya akong umupo at kinain ang natira kong pagkain.
Pagkatapos kong hugasan ang mga plato umakyat na ako para tingnan ang mga anak ko. Nagkanya-kanya na silang punta sa mga silid nila. Naka-locked ang silid ng panganay na kambal ko. Wala kaming spare key kaya walang tutulugan si Alessandra kung hindi sa silid namin.
“Mommy, good night!” Paalam ni Samuel at Samantha. Humalik sila sa pisngi ng ina nila. Sumunod si Phille, Alejandro, Sandro at ang bunso na si Alessan Philippe. Gayon din ang ginawa nila sa akin. They kissed my cheeks.
Nang makapasok ang mga anak namin sa mga silid nila ay hindi ko alam kung sasabihin kong doon na kami matulog sa silid namin. Napakamot pa ako sa batok ko bago nagsalita. Nagdadalawang isip akong sabihin iyon.
“D-Doon na tayo matutulog sa silid natin.” Nauutal na sabi ko. Hindi maipinta ang mukha ni Alessandra sa sinabi ko.
“Plano mo ba ito? Kung oo, nakakainis ka!” Inis na aniya.
Umiling ako. “No, I did not plan this. Wala sa akin ang susi ng kambal. Wala naman tayong spare key, hindi ba?” sabi ko. Napabaling sa iba ang tingin ni Alessandra. Alam niya iyon.
“Sa lapag na lang ako matutulog. Doon ka na lang sa kama natin.” Humina ang boses ko sa huling sinabi ko. Hindi na nagsalita si Alessandra. Tinalikuran niya ako at napilitang pumasok sa silid namin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas sa loob ng katawan ko ang puso ko dahil sa bilis ng t***k nito.
MAAGA akong nagising kahit kaunti lang ang tulog ko. Hindi ako sanay sa lapag matulog, pero ayos lang. Basta nasa maayos ang asawa ko.
Nagulat ako nang bumukas ang silid ni Leandro. Kunot ang noo nitong napatitig sa akin. Nilagpasan niya lang ako.
“Leandro, anak.” Tawag ko. Marahas na lumingon ang anak ko.
“Huwag mo akong tatawaging anak! Hindi porke’t pumayag si Mommy na mag-stay dito, mag-aasta kang napatawad ka na namin. You will never get my forgiveness. Kung mga kapatid ko naibigay iyon sa iyo, puwes ako ay hindi ko ibibigay. Mga bata pa sila kaya wala silang alam sa pinaggagawa mo. Don’t you dare used my siblings to get my mother’s trust on you dahil mananagot ka sa akin. Even if you are my father!” I saw the rage in his eyes. That rage I should frighten. His fist are clenching as if he is ready to fight.
May kasalanan ako sa kanila kaya kailangan kong pagbayaran. Kung sasaktan niya ako para lang makabawi sa nagawa ko ay tatanggapin ko.
“Hurt me, son, and punch me; I will not complain. If it is the only way, I will make up for all the pain I have caused you and your mother. I’ll accept it.” Panghahamon ko sa kanya. He just smirked at me then out of nowhere he punch my face. I was knock out.
ALESSANDRA
PAGKALABAS ko ng silid namin nakita ko si Leandro na sinuntok si Philippe. Nanlaki ang mata ko nang tumumba si Philippe sa sahig.
“Oh my god!” Sigaw ko. Nawalan ng malay tao si Philippe.
“We need to take him to the hospital!” sabi ko sa anak na hindi tuminag sa pagkakatayo. Hinimas pa nito ang kamao na pinagsuntok sa mukha ng ama. Hindi ako pabor sa ginawa ng anak ko. Kahit galit man ito hindi niya dapat dinaan sa p*******t. Ama niya pa rin ito kahit may nagawa itong pagkakasala sa amin.
“Don’t worry Mom, nahilo lang yan kaya nawalan ng malay. Mamaya magigising din ’yan. Good morning Mom!” Napanganga ako sa sinabi ng anak. Hinagkan niya ang noo ko at umalis. Ano’ng gagawin ko sa lalaking itong nakabulagta rito.
“Hi Mom good mor -” Napahinto si Lessandro sa pagsasalita nang makitang nakabulagta ang ama. Lumipat ang tingin niya sa akin. Umiling ako dahil alam kong iniisip niyang ako ang may kagagawan kaya nakabulagta ang ama nila.
“Oh, I knew who did these.” Kinuha na nito ang ama. Nakaya niyang buhatin ang ama. Malaking bulas naman kasi ang mga anak ko kahit 16 years old palang sila.
“Ikaw na bahala sa Daddy mo,” sabi ko.
“Mom, hindi ba puwedeng bigyan mo ng second chance si Daddy? In your 14 years of marriage hindi naman nagkulang si Daddy sa amin - sa iyo. He spent more of his time with us kahit nahahati ang oras niya sa malaking company na hawak niya. He always had surprises to us. Alam kong wala akong karapatan na pangunahan kung ano man ang pasya mo. But Mom ramdam kong sincere siya sa paghingi ng tawad sa inyo,” sabi ng anak ko nang mailapag nito sa kama ang ama. Napasulyap ako kay Philippe.
“Mahirap ibigay sa kanya ang second chance. I am sorry anak hindi ko mapagbibigyan ang hiling mo. Civil lang ako sa Daddy mo dahil ayokong nakikita ng mga nakakabata mong kapatid ang away namin. Maiintindihan mo ako anak kapag nagmahal ka ng totoo at nasaktan ka ng sobra. Hindi ko sinasabing kasuklaman mo ang taong nanakit sa iyo. What I was telling is better to let go of the person para hindi na nasasaktan nang sobra. Kung saan siya masaya ibibigay ko sa kanya ’yun.”
“I understand Mom,” he said then hugged me. Lumabas ako ng silid at nagpunta sa kusina. Nag-ring ang phone ko at sinagot ang tawag. It’s Gabriel.
“Hey, Kumusta ka na?” Tanong ko sa kanya.
“Alessandra ako na susundo sa iyo pabalik sa bahay.” Presinta ni Gabriel.
“Huwag na Gab. Baka nakakaabala na ako. Saka may sasakyan naman ako.” Turan ko.
“Hindi ka nakakaabala sa akin. Wala rin naman akong gagawin. By the way, may ipakikilala ako sa iyo." Kumunot ang noo ko.
“Sino?” Tanong ko.
“Secret!” Natawa si Gabriel. Napangiti ako.
“Ikaw talaga! Pa-secret ka pa d’yan. O siya sige, aasikasuhin ko pa mga anak ko,” sabi ko.
“Okay, bye!” Paalam nito.
Inilagay ko sa bulsa ang cellphone ko. Habang naghahanda ng almusal ng mga anak ko, napatingin ako sa taong pumasok.
Si Philippe.
Nakahawak sa panga at may pasa sa pisngi. Napabaling ang tingin ko sa iba. Nakaramdam ako ng awa sa hitsura niya. Binaling ko sa iba ang tingin ko. Ayokong maawa sa lalaking nanakit sa akin. Hindi dapat ako naaawa sa hitsura niya, kahit nakakaawa naman. Tahimik lang na umupo si Philippe na napasusulyap sa akin.
Inilapag ko sa harapan niya ang tasa ng kape na sana iinumin ko. Parang nagulat pa nga si Philippe sa ginawa ko.
“Huwag mong bigyan ng malisya ang pagtimpla ko sa iyo ng kape. Gusto kong maging civil tayo para sa mga anak natin. Ayokong nakikita nila na nag-aaway tayong dalawa sa harapan nila. Mga bata pa sila para maka-witness ng magulong pamilya. Sinasabi ko ito para pangunahang hindi tayo okay. Ginagawa ko lang ito para sa mga anak natin at hindi para sa’yo.” Seryoso kong turan sa kanya.
“I understand. Umaasa akong bibigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Sa maniwala ka man o hindi, hindi ko magagawang mambabae o humanap ng iba. I am sorry kung naging malamig ako sa iyo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Para bang nagsasawa ako sa lagi kong ginagawa. I just want have some fun with my friends. But I will never find another woman I can’t do that.” Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Philippe. Siya pa itong may lakas ng loob na sabihin iyon? Inisip niya ba ako? Makasarili siya.
Hinarap ko siya. “Naisip mo ba ako, Philippe? Sa labing apat na taong pagsasama natin uminog ang mundo ko sa pamilya natin. Nakalimutan ko na ang sarili ko. Ni wala na akong oras na lumabas kasama ng mga kaibigan ko o ni ayusin ang sarili ko. Minsan naisip ko na gawin ko naman iyong mga bagay na magpapasaya sa sarili ko. Pero hindi ko ginawa dahil mas inisip ko ang pamilya ko kaysa ang sarili ko. Wala na akong pakialam kung sabihan nila akong losyang. Ang importante sa akin ay mapasaya ko kayo. Iyon na lang ang bagay na nagpapasaya sa akin at hindi ang luho para sa sarili ko. Kayo kasi ang kayamanan ko, higit sa lahat.” Nag-init ang sulok ng mata ko. Ngayon ko lang nailabas ang nasa dibdib ko. I admit na naisip kong magpakasaya naman kahit isang beses lang, pero mas iniisip ko ang mga anak ko at si Philippe. Sila kasi ang kasiyahan ko at hindi ang pansarili ko lang.
“Kaya huwag mong sabihin sa akin na pagod ka na dahil mas napapagod ako. Pagod na pagod na. Gusto kong sumuko na. Sinikap kong kumbinsihin ang sarili kong kahit minsan magpakasaya naman ako, pero hindi ko magawa dahil naaawa ako sa inyo. Sinong mag-aasikaso sa inyo kung wala ako? Sinong magluluto ng kakainin ninyo, magugutom kayo. Ayokong maging makasarili. Ayokong gawin iyon sa inyo.” Sa sinabi kong iyon hindi napigilang umiyak.
“Mas matimbang sa akin ang pamilya natin kaysa ang magpakasaya kasama ng mga kaibigan ko.” Dugtong ko pa habang umiiyak. Hindi ko napigilang sabihin sa kanya ang sama ng loob ko na matagal ko nang kinikimkim.