PHILIPPE
“DADDY!” Sigaw ng mga anak ko habang nagtakbuhang papalapit sa akin. Nag-init ang sulok ng mata ko nang makita ko sila.
Isang buwan lang na hindi ko sila nakita ay katumbas ng isang taon. Agad na niyakap ako ng lima kong anak. Nang kumawala sila sa pagkakayakap ay agad kong hinanap si Samantha.
“Where’s Samantha?” Tanong ko sa kanila. Expected ko nang hindi sasama si Alessandra sa kanila. Naiintindihan ko dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya.
“Ayaw niya pong sumama dahil wala raw kasama si Mommy sa bahay ni tito Gabriel,” sabi ni Alessan Philippe, ang bunso kong anak. Nangunot ang noo ko. Sino si Gabriel? Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos. Ano kayang hitsura ng lalaking tinutukoy ni Alessan?
“I am so happy you’re here,” sabi ko. Sobrang lungkot ng bahay nang wala sila. Ngayon ko napagtantong napakahalaga ng pamilya ko higit sa kanino man.
“By the way I cooked food for us.” Dagdag na sabi ko.
Nagtalunan sa tuwa ang mga anak ko. Hindi ko mapigilang matuwa sa inasal ng mga anak ko. Para silang nanalo sa lotto.
Natapos ang hapunan nang may saya sa puso ko. Nagustuhan nila ang niluto kong kare kare na lagi kong niluluto sa kanila tuwing weekend. I miss cooking for my family.
Nakatulog na ang mga anak ko. Napatingin ako sa cellphone na hawak ni Alessan Philippe. Nakatulugan na nito ang paglalaro ng games. Nang kukunin ko sa kamay ng anak ko ang cellphone nakita ko ang picture ni Alessandra na screen background ng cellphone. Napatitig ako sa nakangiting babae. Bakit ko sinaktan ang napakabuting asawa at ina nga mga anak ko? Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa nagawa ko. Bigla kong naisipang tawagan ang asawa ko. Magbabasakali akong kausapin siya. Baka makuha ko pa siya sa pakiusap. Sa nanginginig na mga kamay ay hinanap ko ang numero nito.
Ilang minutong nakatitig lang ako sa number ni Alessandra ng mahanap ko ang pangalan nito sa contact, bago ko tinawagan. Hindi ko siya matawagan sa numero nito dahil na-blocked ang number ko sa kanya.
Nag-ring ang phone nito. Napalunok ako nang laway habang hinihintay na sagutin ni Alessandra ang tawag ko. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay pinangangapusan ako nang paghinga.
Nakaramdam ako nang hiya sa sarili ko. Itutuloy ko pa bang kausapin si Alessandra o hindi na?
Nagrigudon ang t***k nang puso ko nang marinig ang malamyos na boses ng asawa ko.
“Hello, anak, bakit gising ka pa? Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka na?” Tanong ni Alessandra sa anak. Ang akala nito ang bunso namin ang kausap niya. Lumunok muna ako bago nagsalita.
“Honey, pakiusap kausapin mo naman ako.” Pakiusap ko.
Katahimikan ang namayani. Ang tanging naririnig ko ay ang paghinga nito. “Honey, pakiusap bumalik ka na sa akin. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng ginawa ko. Pakiusap bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.” Pagmamakaawa ko.
“Wala na tayong dapat pag-uusapan, tapos na tayo. Malaya kang kunin ang mga anak natin at hindi kita pagbabawalan. Hintayin mo na lang ang annulment paper na ibibigay ng abogado ko.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig sa kanya.
“B-Bakit?”
“Tinatanong mo kung bakit? Niloko mo ako at sinaktan ang damdamin ko. Hindi ba gusto mong lumaya? Binibigyan na kita ng kalayaan,” sabi nito.
Naputol na ang linya. Nabitiwan ko ang cellphone. Nakaramdam ako ng takot, takot na mawala si Alessandra.
*****
“DADDY, bati na kayo ni Mommy?” Tanong ng bunso ko habang nakaupo kami sa sofa. Nagpasya akong mag-leave muna sa trabaho para mapagtuunan ang mga anak ko.
Hinaplos ko ang buhok nito. “H-Hindi pa. Matutulungan mo ba akong magbati kami ng Mommy mo?” Tanong ko. Tumango ang bunso ko.
Alam kong maling gamitin ko ang anak ko para magbati kami ni Alessandra, gagawin ko. Habang tumatagal ay nahihirapan ang kalooban kong hindi kami okay ni Alessandra.
“Don’t worry Daddy, I will talk to Mommy. Gusto kong umuwi na kami sa bahay,” sabi ni Samuel na nasa kabilang side ko nakaupo.
Inakbayan ko si Samuel at hinagkan ang ibabaw ng ulo nito. Sa kabila nang kasalanan ko hindi nagalit ang mga anak ko maliban sa panganay na kambal. I need to do more effort para masuyo ko sila. It’s all my fault anyway.
Habang nagluluto ng tanghalian tumunog ang cellphone ng bunso ko.
“Sagutin mo na anak, i-loud speaker mo lang para marinig ko si Mommy,” sabi ko sa bunso. Tumango ang anak ko.
“Hello, Mommy, I miss you!” Bungad na sabi ng anak. Napangiti ako. He’s a sweet boy.
“Hi, baby, I miss you more. Wala na akong kayakap dito, si ate lang.” Malambing na sabi ni Alessandra. Napahagikgik si Alessan habang nakatingin sa akin. Binalaan ko siya na huwag sasabihin na nakikinig ako.
“Mommy pumunta ka rito.” Natahimik sa kabilang linya. “Mommy?” Tawag nito sa ina.
“Hindi puwede, anak. May pupuntahan si Mommy.” Napanguso ang bunso ko.
“Hindi mo na ako love Mommy. Please pumunta ka na rito, I want to sleep beside you. Hindi po ako nakatulog, e?”
Napatakip sa bibig ang anak ko. Napailing ako sa kadramahan ng anak. May ganitong side pala ang batang ito. Narinig ko ang mahabang buntonghininga ni Alessandra. Alam kong napipilitin lang siya.
“Okay, I go there. Wait for me.” Napangiti ako sa sinabi ni Alessandra. Dumagundong ang t***k ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba. Gusto kong mapasigaw sa tuwa.
“Yehey! Mommy, thank you so much. I love you!” Masayang sabi ng bunso ko.
Hindi ko napagiling mapangiti dahil sa sayang nararamdaman ko dahil makikita ko na si Alessandra. Hindi na ako makapaghintay.
Hindi ako mapalagay sa kinatatayuan ko habang hinihintay ang pagdating ng asawa ko. Lakad dito at lakad doon ang ginawa ko. Ang mga anak ko ay nasa garden naglalaro habang hinihintay ang kanilang ina.
Inayos ko ang buhok ko at pati ang suot ko. Mukha akong aakyat ng ligaw sa hitsura ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang makita kong may humintong sasakyan. Binuksan agad ni Sandro ang gate para makapasok ang sasakyan ng asawa ko. Hindi ko alam kung lalabas ako. Tinubuan ako ng hiya.
“Daddy, nandito na si Mommy!” Narinig kong sabi ng bunso namin. Nataranta ako at hindi alam kung saan ako pupunta. Lalabas ba ako o magtatago? Sa huli ay nagpasya akong lumabas sa kinatataguan ko.
Pinasadahan ko muna ang sarili ko bago salubungin ang asawa ko. Nagpabango pa nga ako. Niluto ko ang mga paborito nitong pagkain.
Naalala ko noon na palagi nitong request na gawin ko ay mango graham cake, na siya ko namang sinusunod.
Napatikhim ako nang makalapit ako sa kanila. Puro nakangiti ang mga anak ko sa ina nila. Tanging si Alessandra ang walang reaction. Seryoso niya akong tiningnan. Sinalubong agad ako ni Samantha nang mahigpit na yakap.
“Daddy, I am sorry po.” Hinging paumanhin ng anak ko sa akin. Nangilid ang luha ko sa paghingi nito ng tawad na sana ako ang dapat magsabi niyon sa kanila. Hinaplos ko ang buhok nito.
“No, anak. Ako ang dapat ang humingi ng sorry sa inyo, sa Mommy niyo,” sabi ko. Pinigilan kong mapaiyak. Mahigpit kong niyakap ang anak ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong maluha nang mayakap ang anak kong babae. Nang kumawala ako sa pagkakayakap sa anak ko ay pinahid ko ang luha ko.
“Nagluto ako ng hapunan. Kain muna tayo,” sabi ko nang may ngiti sa labi ko. Napatingala ang bunso sa ina na nakayakap sa beywang nito.
“Mommy, madaming niluto si Daddy. Gumawa siya yung favorite natin.”
Nakangiting wika ng bunso. Halos matunaw ang puso ko sa sinabi ng anak.
Hinaplos ni Alessandra ang noo ng anak namin. “Okay.” Yumukod ito at hinagkan ang noo ng anak. Pinauna ko silang pumunta sa dining room.
“Hon.” Tawag ko kay Alessandra na paalis na. Napahinto ito sa paglalakad. Bahagya nitong nilingon ang ulo.
“Huwag mo na akong tawagin sa ganyang endearment, wala nang saysay ’yan sa akin. Pumunta ako rito para sa mga anak ko at mapagbigyan ang hiling nila at hindi para sa iyo, Philippe.”
May kung anong sumugat sa puso ko sa sinabi niya. Napakasakit pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Gagawin ko ang lahat upang makuha ang tiwala niya at pagmamahal.
“Alam kong sagad hanggang langit ang pagkamuhi mo sa akin. Tatanggapin ko kung ano’ng parusa mo sa akin. I am so sorry. Sana bigyan mo uli ako ng isa pang pagkakataon”
Akmang hahawakan ko siya nang tabigin niya ang kamay ko.
“Huwag mo akong utusan kung anong gusto mong gawin ko. Kung narito man ako ay dahil sa mga anak natin at wala ng iba.”
Bagsak ang balikat kong tumango. Mas okay na ang ganito kaysa ipilit ang gusto ko na malayong mangyari, sagad hanggang langit ang galit niya sa akin.
“I understand.” Ang tanging nasabi ko.
She turned her back and left. Kahit ang bigat ng dibdib ko, ginawa ko pa rin ang pagsilbihan ang mga anak ko at si Alessandra.