PHILIPPE
PINUNTAHAN ko ang panganay kong kambal na sina Leandro at Lessandro upang kausapin. Isang linggo na magmula nang lumayas ang pamilya ko sa bahay. Nalulungkot akong wala sila. Ngayon ko lang napagtantong mas mahalaga ang pamilya ko kaysa ang kaligayahan ko dahil sila ang kasiyahan ko at hindi ang ibang tao.
Sobra ang pagsisisi ko dahil sa nagawa ko sa kanila.
“Anak.” Tawag ko sa kanila nang makita ko sila sa gym na pinupuntahan tuwing weekend. Naghahanda na ang dalawa paalis na ng gym. Mabuti na lang naabutan ko sila.
Napalingon ang dalawa na pasakay sa sasakyan nila. Sumama ang mukha ni Leandro nang makita niya ako. Si Lessandro naman ay nakatingin lang sa akin at hindi lumapit. Naiintindihan ko ang galit nila sa akin. Sinaktan ko ang kanilang ina.
Si Leandro ang tipo ng anak na kapag galit ay dala-dala sa dibdib nito ang galit. Hindi mo ito mapapaamo nang madalian. Si Lessandro ay kaya mo pang paliwanagan. Kay Leandro ako mahihirapan.
“Dad.” Wika ni Lessandro. Nilapitan niya ako at niyakap. Si Leandro ay masamang tingin ang pinukol sa akin.
“Bakit, Philippe?” Sambit ni Leandro sa pangalan ko. Masakit na sa pangalan na lang niya ako tinawag at hindi na Daddy. Hindi ko siya masisisi na maramdaman ang galit dahil may kasalanan ako, napakalaki ng kasalanan ko.
“Can I talk to you?” sabi ko. Napasulyap ako kay Lessandro. He nodded. Iniwanan niya kaming dalawa ng Kuya niya.
“Wala na tayong dapat pag-usapan. Sinira mo ang tiwala at paggalang namin sa iyo. I told you wala na kaming ama. You hurt my Mommy and you made her cry! Umalis ka na habang may pagtitimpi pa ako ay baka masapak pa kita!” Galit na anito. Tinalikuran niya ako.
Lumunok muna ako bago nagsalita. “I am sorry but I never cheated on your mother. Yung nakita nila sa office ko are just a mistake. My friend suddenly kissed me.” Paliwanag ko. Marahas na lumingon si Leandro. Kunot na kunot ang noo. Yung tipong gusto niya akong tirisin sa pamamagitan ng tingin lang.
“Sinasabi mong malinis ang konsensya mo na wala kang ginawang mali? Are you justifying na kasalanan ng babaeng yun kaya nangyaring hinalikan ka niya at wala kang kinalaman doon? Are you f*cking crazy? Nagbago ka kay Mommy. Akala mo ay hindi namin alam iyon? Damn you, Philippe! Lahat kaming mga anak mo alam namin na nagbago ka kay Mommy. Nanahimik kaming lahat kahit alam naming nasasaktan ang ina namin! Para maibsan ang kalungkutan ni Mommy kami na ang pumuno sa pagkukulang mo! Mahirap sa amin na nakikita naming umiiyak ang ina namin nang palihim! Masakit sa amin ’yun, pero sa iyo wala kang pakialam! You are an asshole!”
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ng anak. Tama siya sa sinabi nito. Bullseye. Sinampal ako ng katotohanang isa akong walang kwentang asawa.
Yes, tama siya asshole nga ako - naging makasarili. Ang tanging inisip ko ang sarili ko. Ang tanging gusto ko ang lumaya dahil sa lame excuse kong nagsasawa na ako, nasaktan ko ang mga anak at ang asawa ko.
Hindi ko inisip kung ano’ng hirap ni Alessandra sa pag-aalaga sa amin. Kahit pagod nakukuha pang asikasuhin ako na dapat tinutulungan ko siya. She smiles at us kahit makikita mo ang pagod niya. Wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya. She took care of us kahit hindi na niya maasikaso ang sarili niya. Ni hindi ko man lang mapasalamatan ang asawa ko sa ginawa niyang sakripisyo para sa amin. Pero ako ano’ng ginawa ko? Sinaktan ko lang siya at may gana pa akong magreklamo.
“Tandaan mo ito, Philippe. You will never see our Mom! Go to hell and there you have fun and do the freedom you want with your f*cking sl*t!” Galit na sabi ng anak ko. He turned his back and leave me. Napatingin na lang ako sa papalayong sasakyan ng anak. Tumulo ang luha ko.
Paano ko nagawa sa kanila ito?
ALESSANDRA
NAPANGITI ako nang makita ang mga anak kong tumutulong sa gawaing bahay. They never do this in our house.
“Mommy, I clean my room!” Pagmamalaki ni Sandro.
“Ano’ng clean your room? Ako nga nagwalis tapos nagtupi ng mga kumot, e?” Singit ni Alejandro. Napasimangot si Sandro.
“Huwag kayong mag-aaway, ha? Halina kayo gumawa ako ng meryenda ninyo,” sabi ko. Nagtatalon sa tuwa ang dalawa.
“Nasaan ang iba?” Tanong ko sa dalawa.
“Nasa backyard po, Mommy. Wait, I will call them!” Nagtatakbo palabas ng bahay si Sandro.
“Mommy, kailan uuwi si Daddy? I miss him.” Natigil ako sa paghahanda ng meryenda dahil sa tanong ni Alejandro. Hinaplos ko ang ibabaw ng ulo ng anak.
“Gusto mo bang makasama ang Daddy mo?” Tumango ang anak.
Kahit sinaktan ako ng lalaking iyon hindi ko naman ipagkakait ang mga anak ko sa kanya. Kaya kong lunukin ang pride ko para sa mga anak ko. Hindi nila deserve na mawalan ng ama nang dahil sa pride ko. Para sa ikaliligaya ng mga anak ko pagbibigyan ko sila. Gayon pa man hindi ibig sabihin niyon ay babalikan ko ang lalaking iyon. Iba ang impact sa akin nang ginawa niya.
“Tatawagan ko ang uncle Henry niyo para samahan kayong puntahan ang Daddy niyo.” Nakangiting sabi ko. Malawak na napangiti ang anak ko. Niyakap niya ako.
“Thank you, Mommy!” Pasasalamat nito sa akin. Napangiti ako. Hinimas ko ang ibabaw ng ulo ng anak ko.
Nagpasya akong tawagan si Henry para sabihing ihatid niya ang mga anak ko sa bahay ni Philippe.
“Ess, thanks god, tumawag ka!” Anito. Pinatay ko kasi ang cellphone ko dahil ayokong makipag-usap sa kahit kanino.
“Alam ko na ang totoo! Kung kailan naman tumanda ang Kuya ko ay saka namang nambabae. Saan kayo ngayon? Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin? I can help you.” Anito.
Sa hindi malamang dahilan ay nag-init ang sulok ng mata ko nang marinig ang boses ni Henry. Nahihiya kasi akong humingi ng tulong sa kanya. Ayokong abalahin siya at baka madamay siya sa away namin ni Philippe.
“Huwag kang mag-aalala ayos lang kami. Tinulungan ako ng isa sa kaibigan ko. Tumuloy kami sa bahay niya rito sa Tagaytay.”
“I am so sorry, sa ginawa ni kuya Philippe. Nandito lang ako para tulungan ka. Don’t hesitate to ask me.” Anito.
“I’m okay. Can I have a favor?”
“What is it, Ess? Kahit ano pa ‘yan gagawin ko.” Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
“Puwede mo bang ihatid ang mga bata kay Philippe. Gusto kasi nilang makita ang ama nila.” May bumikig sa lalamunan ko nang sabihin ko iyon.
“Okay, I will fetch them. Tell me your whole address.”
ILANG oras ang nakalipas ay dumating si Henry. Yumakap ito agad nang makita ako. Sa pagyakap ko sa bestfriend ko ay hindi napigilang umiyak.
“Shhhh.” Pagpapatahan niya sa akin. Kumawala sa pagkakayakap si Henry at saka pinahid ang luha ko sa mga mata. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya.
“Pagbabayaran ni Kuya Philippe ang ginawa niya sa ’yo. You don’t deserved this. Lahat ng oras mo inilaan mo sa kanya at sa mga anak mo, pero kulang pa iyon sa kanya. He’s an asshole.” Galit na sabi ni Henry. Napahawak ako sa braso ni Henry.
“Hayaan mo na siya kung doon siya masaya. Wala naman akong magagawa kung ayaw na niya sa akin. Malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Tutal ’yun naman ang inirereklamo niya na wala na siyang kalayaan magmula nang magsama kami. In our 14 years of marriage I never get tired of taking care of them and loving him. I even forgot myself. Puro na lang siya ang iniisip ko.
Tapos iyon lang ang irereklamo niya sa akin? Ni hindi niya ako tinanong kung pagod na rin ba ako?” Litanya ko.
Hindi ko mapigilang magpuyos sa galit. Masakit lang na inilaan ko ang lahat ng oras ko sa kanya. Sila ang mas priority ko higit sa lahat kahit kalimutan ko na ang sarili ko.
Inayos ni Henry ang nagulo kong buhok. Hinaplos niya ang pisngi ko. Nadudurog ang puso ko sa tuwing naaalala ang ginawa ni Philippe, may kahalikan siyang ibang babae.
“Huwag kang mag-aalala tuturuan natin ng leksyon ang lalaking ’yun.” He promised.
“Hayaan mo na siya, ayoko na rin naman siyang pag-usapan. Nag-request lang kasi ang mga anak kong gusto nilang makita ang Daddy nila,” sabi ko. Kahit labag sa kalooban ko ang gusto nilang mangyari ay ayokong biguin ang mga anak ko.
“Samantha, hindi ka ba sasama sa mga kapatid mo?” Tanong ko kay Samantha habang naghahanda ang ibang anak ko sa pag-alis.
Umiling ito. “No, Mommy. I will stay here with you. Ayokong nakikita kang nalulungkot at nag-iisa.” Anito na kinalugod ng puso ko. Niyakap ko ang anak ko at saka hinagkan ang tuktok ng buhok nito.
“Thank you, anak. Okay lang sa akin na sumama ka sa mga kapatid mo, hindi naman ako magagalit. Ayos lang ako rito dahil kasama ko naman ang kuya Leandro at kuya Lessandro mo.”
Iling lang ang sagot ng anak ko na tila hindi patitinag sa desisyon nitong hindi sumama. Napatingin ako kay Henry na nakatingin sa amin ng anak ko.
“Kayo na lang siguro ang pumunta, Ry. Ayaw sumama ni Samantha,” sabi ko.
“Okay, I understand,” sabi niya at saka hinagkan ang pisngi ni Samantha.
“Salamat, Ry. Kumusta mo na lang kay Carmen at sa mga anak mo,” sabi ko. He nodded.