ALESSANDRA
NAPATINGALA sa akin ang bunso kong anak na si Alessan Philippe. Sa lahat ng anak namin siya ang kamukha ni Philippe, mula sa kilay, mata, ilong at labi ay nakuha niya ang lahat kay Philippe. Pati ang pagkunot at pagngiti ay kuhang-kuha niya.
Hinaplos ko ang noo ng anak na merong butil ng pawis. “Bakit kasi sumama ka pa anak. Mainit ang sikat ng araw,” sabi ko sa anak. Narito kami sa palengke upang bumili ng prutas at gulay. Ngumuso ang anak ko sa sinabi ko. Sa lahat ng anak ko ito ang laging nakabuntot at hindi puwedeng hindi ko kasama sa mga lakad ko.
“I want to see a fish,” sabi ng anak. Napangiti ako. He likes fish lalong-lalo na ang buhay. Nagpunta kami sa bilihan ng mga gulay. Nagtingin-tingin ako ng ilang gulay na iluluto ko para sa tanghalian namin.
Plano kong maghanap ng trabaho para masuportahan ko ang pangangailangan ng mga anak ko. Nakahihiya namang umasa ako kay Gabriel. Sapat na binigyan niya kami ng matutuluyan pansamantala habang wala pa akong trabaho.
Paliko na kami nang may nakasalubong kaming matangkad na lalaki. Muntik ko nang mabitawan ang dala kong supot dahil halos magkadikitan na kaming dalawa. Napahawak tuloy ako sa kanyang braso para di matumba.
“I am so sorry, Miss.” Hinging paumanhin ng lalaki. May hawak din na supot at mukhang namalemgke rin siya.
“Sorry din dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko,” sabi ko. Hinawakan ko ang anak kong nakatingin sa lalaki.
“No, it's my fault.” Napangiti ang lalaki. Parang tingin ko sa lalaki parang walang problema. Nakangiti ang lalaki na pati ang mata ay nakangiti rin. Maganda ang maputi at pantay na mga ngipin ng lalaki.
Napasulyap ang lalaki sa anak ko. Nginitian niya ito, pero nagtago sa likuran ko si Alessan Philippe. Nahihiya.
“Hello, kiddo.” Bati niya sa anak ko.
“Anak mo?” Tanong nito. Tumango ako bilang sagot.
“By the way, I am Tristan Torres.” Pakilala nito sa sarili at nilahad ang kamay nito na tinanggap ko naman.
“I am Alessandra.” Pakilala ko naman sa sarili. Hindi ko na binanggit ang apelyido ko. Para saan pa? Maalala ko lang ang ginawa ni Philippe sa akin.
“What a nice name to a woman like you.” Natawa ako sa sinabi nito.
“Ganyan ba ang sinasabi mo sa mga binobola mong babae?” Biro kong saad sa kanya. Natawa rin siya sa aking biro. Ganoon naman ang mga lalaki kapag nagpapa-impress. Magsasabi sila ng magagandang mga salita sa mga babae para lang mapansin sila at siyempre ang mga babae naman kadalasang naniniwala.
“Totoo naman ang sinabi ko. Ang akala ko nga kapatid mo lang ang kasama mo.” Napanguso ako. Mukha ba akong bata at napagkakamalan pa niyang kapatid ang anak ko? I’m 40 kaya matanda na ako. Napatingin ako sa anak ko nang hilahin ang laylayan ng blouse ko.
“I’m hungry. I want to eat at Jollibee.” Ungot ng anak ko. Magsasalita pa sana ako nang sumingit si Tristan.
“Tamang-tama papunta na sana ako sa Jollibee. Kung okay lang sa iyo sabay na tayong pumunta roon?” Nakangiting wika nito. Talagang nakaka-enlighten ang kanyang ngiti. Meron kasi siyang biloy sa magkabilang pisngi.
“Ayos lang naman,” sabi ko na lang. Malapit lang kasi rito sa palengke ang store ng Jollibee.
“Libre ko na kayo,” sabi ni Tristan nang makaupo kami sa napili naming lamesa sa loob.
“Nakahihiya naman kung ililibre mo pa kami ng pagkain. Ngayon mo lang naman kami nakilala,” sabi ko.
“Hindi naman importante kung ngayon ko lang kayo nakilala. Gusto kong manlibre ngayong araw at saka kilala naman na kita kaya walang kaso iyon sa akin.” Nahihiya akong pumayag sa sinabi niya. Sa tantiya ko hindi nalalayo ang edad ni Philippe kay Tristan.
“Nasaan ang asawa mo?” Tanong ko sa kanya. Natigilan si Tristan sa tanong ko. Napangiti na naman siya. Pakiramdam ko itinatago niya lang sa ngiti ang tunay na nararamdaman.
“Hiwalay na ako sa asawa ko. It's been a year now. Well, ganoon talaga walang nagtatagal sa mundo, lahat may hangganan.” Matalingghagang wika nito. Totoo ang sinabi niya, walang forever. Pareho pala kami ng kapalaran - hiwalay sa asawa.
Inayos ko ang kinakain ni Alessan bago ko tiningnan si Tristan na nakatitig sa anak ko.
“Nasaan ang mga anak mo kung hindi mo mamasamain ang tanong ko.” Tanong ko sa lalaki.
“Wala kaming naging anak ng asawa ko. Gusto kong magbuntis na ang asawa ko ngunit ayaw niya dahil sabi niya hindi pa siya handa. May mga pangarap pa raw siyang gustong tuparin. Pinagbigyan ko na lang ang asawa ko dahil mahal ko siya.” Bigla akong naawa sa lalaki. Tunay ang pagmamahal nito sa babae.
“I am sorry.” Hinging paumanhin ko.
Hanga ako sa katapatan sa asawa nito. Biglang sumagi sa isip ko si Philippe. Hindi siya naging tapat sa akin. Marami na kaming anak, pero hindi pa ako sapat sa kanya. Nagsimula na namang umahon sa dibdib ko ang sakit.
“Okay na ako ngayon. You are lucky you have a kid. Ilan ang anak mo?”
“I have 8 kids.” Nanlaki ang mata ni Tristan.
“Really? Wow! Ang dami pala ng anak mo, but you look young. Para nga kayong magkapatid ng anak mo.” Natawa ako.
“Naku binobola mo na naman ako,” sabi ko.
“Hindi, a?” Anito Napailing lang ako.
PHILIPPE
SUMIMANGOT ako nang pumasok sa opisina ko ang kaibigang kong si Stephanie. Ang taong dahilan nang paghihiwalay namin ni Alessandra. Pinagsisisihan kong dinala sa opisina ko si Stephanie.
“Anong ginagawa mo rito?” Iritableng tanong ko.
Ilang araw na akong walang maayos na tulog. Pinahahanap ko ang asawa ko at mga anak. Hindi ako magiging maayos nang wala sila sa tabi ko.
Umupo ang kaibigan ko sa ibabaw ng table at saka pinagkrus ang binting na-expose na mga hita.
Napairap ako. Naalala ko ang pagsampal niya sa aking anak. Tumayo ako sa swivel chair at ginawaran ito ng malakas na sampal na ikinagulat nito. Napahawak sa pisngi habang gulat na gulat ang mga matang nakatingin sa akin.
“Damn you! Why did you slap me?!” Galit na aniya.
“Sinampal mo ang anak ko kaya dapat lang sa iyo iyan! Umalis sila nang dahil sa iyo! Iniwan ako ng asawa ko!” Galit na sabi ko.
“Hindi ba ’yun naman ang gusto mo? You want freedom right? Ito na nga umaayaw ka pa!” Sumalubong ang mga kilay ko. Hindi naman kagaya ng iniisip niya ang gusto kong freedom.
“Get out of here!” Pagpapaalis ko sa kanya. Umalis sa pagkakaupo si Stephanie nilapitan niya ako at niyakap.
“Please, Phil, ako na lang ang piliin mo. I promise hindi kita iiwan. Ikaw ang gusto kong maging ama ng magiging anak ko.”
Mas lalong sumalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Kinalas ko ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko. “What the f**k we both married! Aaminin ko I want freedom, pero hindi ibig sabihin nun iiwan ko ang asawa ko at mambababae ako. I love Alessandra!” sabi ko.
Natigilan ako sa sinabi ko. Kung mahal ko si Alessandra, bakit ko siya sinaktan? Alam kong sumobra ako sa masamang pakikitungo sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil inis ako sa tuwing nakikita ko siya. Pakiramdam ko siya ang dahilan kaya hindi ako malayang gawin ang gusto ko.
“Please, ako na lang ang mahalin mo Phil. Hindi ako magbabago sa iyo.” Pagsusumamo nito sa akin. Napailing ako sa kakulitan ng kaibigan.
“Balikan mo ang asawa mo. Maswerte ka dahil mabuti s’yang asawa kahit hindi mo s’ya mabigyan ng anak. Ano bang kulang sa kanya at basta mo na lang iniwan? Baliw ka talaga.” Saad ko nang may pang-iinsulto. Well, sanay naman ang kaibigan sa lumalabas sa bibig ko.
“Dahil nabo-bored na ako sa kanya. Kagaya mo I want something new. At ikaw ’yun!” Baliw na talaga ang babaeng ito. I want freedom, pero hindi freedom na iiwanan ko ang asawa at mga anak ko. Gusto kong pagtuunan ang sarili ko, to have some fun. In the past 14 years of my marriage, my life revolved only around my work and my family, but not for myself. Wala na akong panahon. Napagod ako sa palagi kong ginagawa - paulit ulit na lang. Nagsawa ako. ’Yun ang dahilan ko kung kaya gusto kong maging feeling binata.
“Hindi ko siya babalikan I hate him!” She said with finality.
“He was a good man you’re lucky dahil kalalaki niyang tao marunong sa lahat ng gawain, daig ka pa nga niya. You are crazy,” sabi ko.
“Yeah, I am crazy liking you, Phil. Hindi magbabago ang pagtingin ko para sa iyo sa mga sinasabi mo sa asawa ko.”
Ayokong pagsisihan niya rin ang pag-iiwan sa asawa niya kagaya nang pagsisisi ko sa ginawa ko kay Alessandra. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nasaan na kaya ang pamilya ko?