ALESSANDRA
INAYOS ko muna ang sarili ko. Ayokong makita ng mga anak ko na galing ako sa pag-iyak. Nagtagis ang bagang ko nang maalala kung paano ako ipagtabuyan ni Philippe na parang hindi niya ako asawa. Nagsisimula nang umahon sa dibdib ko ang galit para sa kanya.
Huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan ko. Ipinaskil ko ang ngiti sa mga labi ko nang makita ang mga anak kong paparating.
“Mommy!” Tawag sa akin ng bunso kong si Alessan. Tumakbo siya at mabilis na lumapit sa akin. Niyakap niya ako. Yumukod ako para bigyan siya ng halik sa pisngi.
“Na-miss mo yata ako, a?” Natatawang sabi ko. Binuhat ko siya at hinagkan ng tatlong beses ang pisngi ng anak ko.
“I love you, Mommy.” Malambing na sabi ng anak ko.
“I love you more, anak.” Napatingin ako sa nakangiting kambal. Si Samuel at Samantha ay kasama ang tatlo pa nilang mga kapatid.
“Mommy nagugutom na po ako,” sabi ni Sandro na pangpito kong anak.
“Mommy, nag-play po kasi sila ni Phille,” sabi naman ni Alejandro na pang-anim kong anak.
“Mommy, buy na lang tayo ng food then pumunta tayo sa office ni Daddy.” Suggestion ni Samantha.
Napangiti ako. Hindi naman siguro ako ipagtatabuyan ni Philippe dahil kasama ko naman ang mga anak namin. Ako lang naman ang ayaw niyang makita.
Nagpunta kami sa restaurant at nagpa-take out ng food. Nang ma-order na namin ang pagkain para sa tanghalian ay pumunta na kami sa opisina ni Philippe.
Pumasok na kami sa building. Buhat ko si Alessan at ang iba kong anak ay nagkakasiyahan habang naglalakad. Nanlaki ang mga mata ko nang nagpagulong-gulong si Sandro sa sahig at si Phille naman ay nagpadulas.
“Hey, both of you stop it at baka mabagok ang ulo niyo.” Pagbabawal ko sa dalawa.
“No, Mommy, it’s fun!” Tuwang-tuwa si Phille na nagpapadulas sa sahig. Mukhang si Sandro ang maglilinis ng sahig. Kung ilampaso naman kasi ang damit ay parang basahan lang. Narating namin ang opisina ni Philippe sa 30th floor. Nagulat pa nga ang sekretarya ni Philippe na si Joebelle nang makita kami.
“Hi, Ma’am Alessandra. Hi, mga kids!” Bati niya sa amin. Kumaway siya sa mga anak ko.
“Ma’am may bisita po si Sir Philippe baka po hin. . .” Hindi naituloy ni Joebelle ang sasabihin nang pumunta na agad ang mga anak ko. Nangunguna ang bunso. Siya na nga ang nag-open ng pinto. Pumasok kami sa loob ng opisina ni Philippe. Napahinto kami sa nakita namin. May isang babae ang nakaupo sa kandungan ni Philippe at hindi lang iyon, naghahalikan sila!
Sa kabiglaanan ay hindi ako nakagalaw at napaawang ng labi. Ilang sandali pa ay natauhan ako. Bigla kong hinila ang bunso ko na nakatulalang nakatingin sa ama nila. Mukhang hindi nahalata ni Philippe at ng babae na may tao at kami ’yun-pamilya niya.
“Daddy!” Tawag ni Samuel sa kanyang ama. Kita ko ang galit sa mata ng anak ko. Hindi ko napigilan ang anak kong sugurin ang ama at ang babae. Nanlaki ang mata ko nang batuhin ni Samuel ng vase na nakuha nito na nasa ibabaw ng table ang dalawa.
Nagulat ang dalawa. Natamaan ng vase ang babae sa braso.
“You little witch!” Galit na sabi ng babae. Biglang tumayo ang babae at saka sinampal ang anak ko. Dahil sa ginawa nito ay napaiyak ang anak ko. Doon na ako natauhan.
Bakit niya sasampalin ang anak ko? Sinugod ko ang babae at walang salitang sinuntok ang mukha niya na kinatumba nito.
“How dare you to hurt my son!”
Hindi pa ako nakuntento at sinabunutan ang mahabang buhok ng babae. Sinampal ko ang pisngi ng babae dahil sa gigil ko. Parang sinaniban ako ng demonyo. Bulag ako sa pakiusap ng babae. Ang nasa utak ko ay saktan siya dahil sinaktan niya ang anak ko.
“Walanghiya kang babae ka! Mang-aagaw ka na nga ng asawa may gana ka pang manakit ng anak ko! Wala kang karapatan saktan ni isa sa kanila. Magkakamatayan tayo!” Galit na sabi ko.
Kinalmot ng babae ang pisngi ko, ngunit himalang hindi ko naramdaman ang sakit. Natigil lang ako nang may pumigil sa akin. Pumulupot ang braso ni Philippe sa beywang ko at hinila ako palayo sa babae. Kumawala ako ngunit mas malakas si Philippe.
“Stop it Alessandra!” Sigaw nito sa akin.
Lugmok ang babae sa semento. Narinig ko ang iyak ng mga anak ko habang tinatawag nila ako.
“Mommy. . .Mommy. . . .” Sabay-sabay nilang sabi habang umiiyak. Nakita ko si Joebelle na hawak ang bunso kong iyak nang iyak na halos hindi na makahinga.
Tinulak ko si Philippe. Bigla akong nakaramdam ng pandidiri sa kanya. Paano niya nagawa sa aking lokohin ako? Wala akong naisip na pagkukulang sa kanya. Lahat binigay ko na kahit ang sarili ko ay kinalimutan ko na.
“Bakit Philippe? Bakit? Ganoon na ba ako kawalang kwenta para sa iyo at ipinagpalit mo na ako sa ibang babae? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na hindi mo na ako mahal. Hindi ganito na pati mga anak natin nadadamay.” Naghihinanakit kong tanong sa kanya. Nanginginig ang mga kamay kong nakakuyom. Nagtagisan ang bagang ko sa galit.
“I am sorry, Alessandra. Let’s tal . . .” Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng sampalin ko siya. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Gusto kong sumigaw at saktan siya hanggang mapagod ako.
“Napakawalanghiya mo, Philippe!” Ang tanging nasabi ko.
Hindi ko na kayang harapin si Philippe kaya tumalikod na ako. Hinila ko ang bunso kong iyak nang iyak. Sumunod sa amin ang sekretarya ni Philippe.
“Ma’am Alessandra, ihahatid ko na po kayo sa labas.” Nag-aalalang sabi ni Joebelle. Umiling ako. Binuhat ko ang bunso ko.
Kahit tigmak sa luha ang mga mata ko ay nakuha ko pang makapag-drive.
Ang galit ko kay Philippe at sa babae ay parang umaapoy. Gusto ko silang sunugin ng buhay at ilibing sa anim na talampakan. Ganoon ang gusto kong gawin sa kanila. Kung wala lang ang mga anak ko ay baka kanina ko pa sila napatay. Nang makauwi kami ng bahay ay agad akong dumiretso sa silid namin.
“Pack your things we will leave here.” Utos ko sa mga anak ko. Bumaling ang atensyon ko sa anak kong babae. “Samantha, tulungan mo ang mga kapatid mong mag-empake ng mga gamit nila.” Utos ko sa kanya. Tumango ito.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag ko. Agad kong tinawagan ang isa sa panganay kong si Leandro. Ilang ring lang ay sinagot nito ang tawag ko.
“Hello, Mom?” Nang marinig ko ang boses ng panganay kong kambal ay hindi ko napigilang humikbi.
“Mom. Why are you crying? What happened?” Tanong ni Leandro na may pag-aalala.
“Go home we will leaving,” sabi ko. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin ng anak ko. Nagsalita muli ang anak ko.
“Okay, Mom, wait for us.”
PHILIPPE
NAPAANGAT ako nang tingin nang makita ang dalawa kong anak na pumasok sa opisina ko. Matiim ang tingin ni Leandro sa akin., habang si Lessandro ay blangko ang mukhang nakatingin sa akin.
Hindi ko napaghandaan nang kuwelyuhan ako ni Leandro. Kahit 16 years old palang ang anak ko ay magkasing tangkad na kami.
“Binalaan na kita Daddy, but you are still hurting Mommy! How dare you!” Napabaling ang mukha ko nang suntukin niya ang mukha ko. Napasandal ako sa table ko.
“Kuya!” Sigaw ni Lessandro sa kapatid. Pinigilan niya si Leandro na susuntukin sana ako.
Nakaramdam ako ng pagkahilo. Kumapit ako sa sandalan ng swivel chair ko.
“Mapapatay kita sa p*******t ng damdamin ni Mommy! Wala akong pakialam kung ama pa kita. I can kill you with my bare hands! You're a jerk! Pagsisisihan mo ang ginawa mong panloloko kay Mommy!” Gait na galit na anito.
Nakawala si Leandro sa pagkakahawak ni Lessandro. Sinipa niya ako sa tagiliran ko. Hindi ko nakayanan ang sakit napasadlak ako sa sahig.
“Kuya tama na! Mapapatay mo si Daddy!” Anang kakambal na mukhang hindi patitinag sa sinabi ng kapatid. Napaangat ako nang tingin. Nahihilo man ay nakita ko ang panginginig ng buong katawan ni Leandro dahil sa galit. Pulang-pula ang mukha nito.
Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Pinahid ko iyon. Hinila ni Lessandro ang kapatid palabas ng opisina ko. Nangilid ang luha ko. Ano ba itong nagawa ko sa pamilya ko? Nasabi ko na lang sa sarili ko.