ALESSANDRA
SINUSUKLAY ko ang buhok ng kaisa-isa kong anak na babae na si Samantha. Napakaganda niya. Napangiti ako nang haplusin ng anak ko ang pisngi ko.
“You are so beautiful, Mommy.”
“Binobola mo naman ako anak. Ano ba’ng gusto mong kainin?”
She tilted her head. Kumunot ang noo. “Hindi kita binobola, Mommy. It's true that you're stunning on the inside and out. If Daddy doesn't love you, I do. If Dad doesn’t care about you, I will look after you, Mommy.” Natigilan ako sa sinabi ng anak ko. Pati ba naman ang pangalawa kong anak napapansin na rin ang pagbabalewala sa akin ni Philippe?
Napayakap ang anak ko sa akin. Napakagat labi ako para pigilin ang hikbi na gustong umalpas sa mga labi ko. Ayokong makita ng mga anak ko ang paghihirap ng kalooban ko. Gusto kong makita nilang positibo ako at hindi malungkot kahit na sumusuko na ako sa pambabalewala sa akin ni Philippe.
Ano ba ang naging pagkukulang ko? Lahat naman ng oras ko ay inilaan ko sa kaniya at sa mga anak namin. Kulang pa ba iyon sa kanya? Hindi pa ba sapat para hindi siya magloko at maghanap ng iba? O dahil pangit na ako sa paningin niya? Napakababaw naman yatang dahilan iyon.
Nagluto ako ng tanghalian ni Philippe at dinalhan ko siya rito sa office. Pagkapasok ng building ay binati na ako ng mga empleyado. I miss working here. Naalala ko noong nagtatrabaho pa ako bilang sekretarya ni Philippe. How I miss those days.
“Hi po Ma'am Alessandra.” Bati sa akin ng Secretary ni Philippe.
“Hi, Joebelle, nandiyan ba ang Sir mo?” Tanong ko sa kanya.
“Wala po si Sir Philippe. Lumabas po dahil may ka-meeting po s’ya,” sabi nya.
“Ganoon ba? Puwede ko naman sigurong hintayin na lang sa loob ng opisina niya. Dinalhan ko s’ya ng tanghalian niya, eh.” Nakangiting sabi ko.
“Itong isa para sa sa ’yo.” Inilapag ko ang isa pang paper bag sa table niya.
“Nakakahiya naman po, Ma’am. Pero salamat po, nakatipid ako ngayon,” sabi nito.
Naalala ko noon kung paano ako magtipid sa pagkain ko para makaipon ng pera sa pampaanak ko. Napangiti ako ng manariwa sa alaala ko iyon.
“Papasok na ako, ha?” Paalam ko.
“Sige po, Ma’am.”
Binuksan ko ang pinto at saka pumasok sa loob. May pinagbago ang opisina ni Philippe. Naging moderno na ito. Pinapalitan na rin niya ang dating kulay gray na kulay ng wall. Mas umaliwalas na ngayon dahil cream na ang kulay ng pintura. Inilapag ko ang paper bag sa center table at inilabas ang mga tupperware.
Napalingon ako nang makarinig nang pagbukas ng pinto. Nakita ko si Philippe na pumasok. Malawak akong napangiti ngunit nawala ang ngiti ko nang makita ang babaeng nasa likuran ni Philippe. Mukhang pamilyar sa akin ang babae. Siya ang kausap ni Philippe last time.
“Hon.” Tawag ko sa asawa ko. Napatingin siya sa akin. Napakunot noo nang makita niya ako. Lumapit siya.
“What are you doing here?” Bulong niya sa akin na tila ba may inis sa boses nito. Bakit parang ayaw niya akong narito? Dati naman akong nagpupunta rito. Napalingon pa si Philippe sa babae na ngayon ay nakaupo na sa swivel chair habang nakatingin sa hawak nitong cellphone.
Parang gusto kong sabunutan ang babae ang kapal ng mukha niyang umupo roon. Hindi ko sinagot ang tanong niya.
“Sino ang babaeng ’yan?” Tanong ko. Kahit mahinahon ang pagkakasabi ko ay may diin iyon.
“I’d want you to answer with my question. Don’t answer with a question.” Mahinang boses na aniya. Napatingin ako sa center table at saka ibinalik ang tingin sa kanya.
“Hinatiran kita ng pagkain mo kaya ako narito. Dati ko naman ginagawa ito, ah?” Napadaing ako sa askit nang hablutin niya ang braso ko at hinawakan nang mahigpit.
“Hindi ko sinabi na pumunta ka rito at magdala ng pagkain. Isaksak mo ’yan sa kukote mo. Go home and bring that food with you,” sabi niya at saka pinakawalan ang braso ko. Napahimas ako sa braso ko. Nakita kong nagmarka ang kamay niya. Ibinalik ni Philippe sa lagayan ang mga tupperware at ibinigay sa akin.
“Sagutin mo ang tanong ko.” Matapang na sabi ko sa kanya. Nagtagis ang bagang ni Philippe. Humarap siya sa akin nang may inis na mukha. Hinila niya ako palabas ng opisina niya. Napatingin pa sa amin ang Secretary ni Philippe, pero hindi naman nagsalita.
“Go home and for your question it's none of your business kung sino man ang kasama ko ngayon,” sabi niya at saka niya ako sinaraduhan ng pinto.
Nanginginig ang mga kamao ko napakuyom. Nakararamdam ako ng galit sa puso ko. Galit sa ginawa niya. Galit sa pambabalewala sa akin. Nangilid ang mga luha ko at hindi ko na napigilang pumatak sa pisngi ang luha ko.
“Ma'am okay lang po kayo?” Agad kong pinahid ang luha ko sa pisngi nang magsalita si Joebelle. Ipinaskil ko ang ngiti sa labi ko nang humarap ako sa kanya.
“A-Ayos lang ako, pasensya ka na. Aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa boss mo.” Bilin ko sa kanya. Gusto niyang magtanong sa akin base sa tingin niya ngunit nanatiling tikom ang bibig niya. Tumango ito.
Tumalikod na ako at nagmadaling umalis. Nang makapasok sa loob ng elevator ay doon ko pinakawalan ang iyak ko. Mabuti na lang walang ibang tao sa elevator, tanging ako lang. Nang marating ko ang labas ng building ay napahawak ako sa pader. Nakaramdam ako ng panghihina ng mga tuhod.
“Miss are you okay?” Tanong ng isang babae. Kahit nanlalabo ang mata nakuha ko pang tumingin sa taong iyon. Inalalayan niya akong umupo sa gilid ng hagdan.
Hindi ko mapigilang umiyak. Pakiramdam ko aping-api ako. Sobrang sakit sa dibdib ang ginawa ni Philippe. Pakiramdam ko isa akong walang kwentang babae sa paningin niya. Sa tagal ng pagsasama namin ay ngayon lang siya naging ganito sa akin. Parang kinahihiya na niya ako.
“Iiyak mo lang ‘yan, Miss. Pagkatapos niyan kaya mo ng harapin kung ano man ang pinagdadaanan mo.” Napaangat ako ng tingin at tinitigan ang babae.
She looks like an angel. Maganda ang babae at mukhang bata pa. Kahit tigmak sa luha ang pisngi ko ay nakuha ko pang mapangiti sa sinabi niya. She's right.
I nodded. “Thank you for your wonderful word for me,” sabi ko sa kanya. Tinulungan niya akong tumayo.
“What's your name?”
“My name is Calixta Garcia.” Pakilala nito sa sarili.
“I'm Alessandra.” Hindi ko na lang binanggit ang apelyido ko at wala akong balak sabihin.
“Salamat sa pagtulong mo, hija.” Napakamot ng ulo ang babae.
“Para ngang ‘di nalalayo ang edad natin, Miss, para tawagin mo akong hija. Maybe I call you ate na lang.” Napapangiti ang babae. Lumabas ang biloy sa magkabilang pisngi.
“Mukha lang akong bata, pero matanda na ako,” sabi ko. Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko habang kausap si Calixta. She has a positive vibes na kapag kinausap mo ay mapangingiti ka kahit may mabigat kang dinadala sa dibdib.
“Naabala na yata kita,” sabi ko. Napatingin ako sa dala niyang paper bag.
“Hindi naman, ate. Dadalhin ko lang sa Daddy ko ito. Tanghalian niya na niluto ng Mommy ko. Malapit lang din dito ang pinagtatrabahuan ko.”Napatango ako. Napakabuti niyang anak.
“Sige mauuna na ako dahil susunduin ko pa kasi ang mga anak ko.”
“Nice meeting you, ate Alessandra,” sabi nito nang may ngiti sa mga labi.