EPISODE 5

1161 Words
ALESSANDRA TAHIMIK kaming lahat habang nasa biyahe. Tinawagan ko ang kaibigan ko at doon muna kami tutuloy. Nakatulog na ang iba kong anak. Si Samuel ay nakatingin sa labas nang mapatingin ako sa kanya. Si Samantha naman nakatingin sa akin. Nginitian ko siya. Nakasunod ang sasakyan ng panganay kong kambal. Narating namin nang matiwasay ang opisina ni Gabriel. Wala pa ito kaya naghintay kami sa loob ng opisina nito. Mabuti na lang mabait ang sekretarya nito dahil pinapasok niya kami. “Mommy where are we?” Tanong ng bunso ko. Sinuklay ko ang magulong buhok at hinagkan ang noo niya. “Nandito tayo sa office ni Tito Gabriel,” sabi ko. Siya lang ang una kong naisip. Nakilala ko si Gabriel nang isama ako ni Philippe sa isang party. Ang kambal na panganay palang ang anak namin ni Philippe noon. Nagkapalagayan kami ng loob ni Gabriel at naging magkaibigan kami. Mas bata ito ng sampong taon kaya tinuring ko siyang nakababatang kapatid. Gusto kong puntahan si Henry ngunit nagbago ang isip ko. Ayokong abalahin si Henry at saka baka hanapin kami ni Philippe roon. Ayokong makita ang lalaking yun. Walang kapatawaran ang ginawa nila. Nag-init na naman ang sulok ng mata ko. Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon. Nilapitan ako agad ni Gabriel nang may pag-aalala. Agad niya akong niyakap. Nang makita ko ang kaibigan ko ay hindi ko napigilang maluha. Ang hikbi ko ay naging hagulgol. Sobrang sakit sa dibdib. Pakiramdam ko nagkapira-piraso ang puso ko. ***** Lumabas muna ako para makasagap ng hangin. Nandito kami sa bahay ni Gabriel na nasa Tagaytay. May kaya ang pamilya ni Gabriel kaya hindi malayong may bahay ito sa iba’t ibang lugar, hindi lang sa Metro Manila. Ang pagkakaalam ko ay may sarili rin itong condo at farm sa ibang probinsya. Ang akala ko ay simpleng bahay lang ang bahay nito sa Tagaytay dahil ayon dito maliit lang daw iyon. Ngunit nang makita ko ay hindi ko inaasahan napakalaki ng bahay. Mukhang mansyon ito. Balak na raw niya itong ibenta, pero hindi pa niya nagagawa dahil naging busy siya sa company nito. Napapikit ako at sinamyo ang malamig na hangin. “Mom. . .” Kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino ang tumawag sa akin. “Samuel, bakit hindi ka pa natutulog?” Tanong ko at hinarap ang anak ko. Lumapit siya sa akin at yumakap sa beywang ko. “Mommy, I am so sorry if I hurt Daddy and the woman. Na-carried away lang ako sa nakita ko. I should not have done that.” Hinging paumanhin nito na hindi ko inaasahan. Mapait akong napangiti. Kahit ganoon ang ginawa ni Philippe sa mga anak ngunit sila pa itong nakaramdam ng konsensya sa ginawa nila sa ama. Samantalang ang lalaking iyon walang ginawa para humingi ng tawad sa mga anak. “I understand.” Tipid na sabi ko. Kakayanin kong mag-isang itaguyod ang mga anak ko. Alam kong mahirap ngunit kakayanin ko para sa kanila. PHILIPPE IT’S been 3 days nang layasan ako ng pamilya ko. Akala ko nasa bahay lang ang mag-iina ko ngunit nang umuwi ako kinagabihan ay walang tao sa bahay. Balak kong humingi ng tawad kay Alessandra at sa mga anak ko. I didn’t expected Alessandra will ran away with my children. Hindi ko naisip na gagawin niya iyon. I know Alessandra. Kahit may hindi kami pagkakaintindihan hindi aalis iyon ng bahay. Alam kong hindi niya kayang gawin iyon, pero nagkamali ako. “Kuya, pinuntahan ko ang bahay niyo, pero bakit walang tao?” Napaangat ako nang tingin sa naging tanong ni Henry. Kasama nito ang bunso nitong anak na si Cary. Napalunok ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba na lumayas ang mag-iina ko dahil nahuli akong may kahalikang babae? Damn me! Kasalanan ko kaya nilayasan ako ng pamilya ko. Kung hindi ko pinayagang halikan ni Stephanie hindi mangyayari ito. “Hindi mo na ako sinagot kuya Philippe,” sabi ni Henry. Napatitig siya sa mukha ko habang kunot na kunot ang noo. Mas lalong nangunot ang noo nito nang mapansin ang pasa ko sa gilid ng labi at sa pisngi ko. Ramdam ko pa ang sakit ng panga ko. “Anong nangyari sa mukha mo? Nakipag-away ka ba?” Tanong niya at umiling ako sa tanong nito. Mukhang nakuha naman ni Henry na may problema ako. Napalingon si Henry sa anak na busy sa tablet nito. “Cary, doon ka muna kay ate Joe. Mag-uusap lang kami ng tito Philippe mo.” Napaangat ito nang tingin at walang salitang bumaba sa upuan. Lumabas ito ng opisina ko. “Tell me what happened?” Naging seryoso ang mukha ni Henry kaya kinabahan ako. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. “Umalis sila sa bahay, iniwan nila ako,” sabi ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at nagbabadya nang tumulo. Nalukot ang noo ni Henry dahil sa sinabi ko. “Bakit naman sila aalis? May ginawa ka bang ikinagalit ni Alessandra?” Kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. Alam kong magagalit din sa akin si Henry. Kahit sabihin kong hindi ko intensyong makita ng mga anak ko ang paghalik sa akin ni Stephanie. “They caught me kissing a woman.” Pag-amin ko. Mas lalong sumama ang mukha ni Henry. Nagtagis ang bagang nito. Walang sabi-sabing tumayo ito mula sa inuupuan at lumapit sa akin, sinuntok niya ako sa mukha. Nahulog ako sa inuupuan kong silya at bumagsak sa sahig. “How could you do that? Sa harapan pa mismo ng mga anak mo? Kung kailan ka naman tumanda ay saka ka namang nambabae. Ano’ng pumasok sa kukote mo at nagawa mo sa asawa mo iyan!” Galit na sabi ni Henry. “Hindi ako nambabae. She kissed me at ’yun ang nakita nila.” Paliwanag ko. Sinikap kong tumayo. Itinayo ko ang swivel chair at umupo uli. Napahimas ako sa panga kong sinuntok ni Henry. “Sa palagay mo maniniwala ako sa alibi mong ’yan? Noon pa man babaero ka na Kuya. Kaya bentang-benta na para sa mga lalaking nambababaeng katulad mo. Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit hindi mo sila hanapin? Kung mahanap mo sila siguradong may iba na si Alessandra at ipinagpalit ka na sa iba.” Pananakot ni Henry na ikinatayo ko mula sa inuupuan ko. “Hindi ako ipagpapalit ni Alessandra sa ibang lalaki,” sabi ko. Inaamin kong nagbago ako. I just want to have some fun with my friends, that’s all. Pero hindi ko inisip na mambabae o lokohin ang asawa ko. “Kung mahanap mo man sila ay mukhang mahihirapan kang ibalik ang tiwala nila Kuya. Lalo na si Alessandra, kilala ko siya kaya mahihirapan kang kunin ang tiwala niya.” Aniya. Lumabas na ng opisina si Henry. Napatukod na lang ako sa mesa ko habang nakayuko. Naglandas sa pisngi ko ang luha. How can I find them? Sinabunutan ko ang buhok ko. “Stupid, Philippe! You are stupid!” Mura ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD