EPISODE 2

1119 Words
ALESSANDRA ALAM kong kauuwi lang ni Philippe galing sa kung saang lugar. Hindi ko siya kinompronta at baka pag-awayan pa namin ‘yun at magalit sa akin. As much as possible ayokong nag-aaway kaming mag-asawa. Hindi naman kasi ako sanay na ganito kami. Sa labing apat na taon naming pagsasama ay wala namang naging problema. Kaya bago sa akin ang pag-alis ni Philippe tuwing gabi nang walang paalam. “Good morning, Mommy!” Bati sa akin ng bunso kong si Alessan Philippe nang pumasok ako sa dining room. Lumapit ang anak ko sa akin at kinarga ko. Hinagkan ko ang kanyang pisngi. “Good morning, baby. How was your sleep?” Tanong ko sa bunso ko. “Good, Mommy!” Nakangiting sagot naman ng anak. “Siya good, Mommy ako ay hindi! Ayoko na s’yang katabi sa kama, ang likot niya. Sinipa niya ako, e!” Singit na reklamo ni Sandro. Magkatabi kasi ang dalawa sa kama. Sa ibang silid naman ay ang ibang mga anak ko. We only have 6 rooms. Tig-dalawa sa isang silid. Hindi na namin napaghandaan noon na magkaroon ng tig-isang silid sa walo kong anak. Ang akala ko konti lang ang anak namin ni Philippe, pero nadagdagan pa ng dalawa. Hindi na kami nakapagpagawa ng panibagong silid dahil noong pinagawa namin ang bahay ay anim lang talaga ang silid. “You are the one who occupied my space!” Sagot naman ng bunso. Napanguso at inirapan naman siya ni Sandro. “Okay, bibili na lang tayo ng isa pang kama para tig-isa na kayo,” sabi ko. Para hindi na nila pagtalunan. “Mommy, where's Daddy?” Tanong ng pangatlo kong anak-isa sa kambal na si Samuel. Kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa upuan ng ama. “He was still asleep, anak.” Sagot ko. He tilted his head. “Why? He usually gets up at the same time as we do.” Napatingin ako sa anak ko dahil sa sinabi niya. Napalunok ako. “May ginawa kasing work si Daddy kagabi kaya napuyat.” Pagsisinungaling ko. “Work? Mom, I heard his car last night. He went to work late at night?” sabi naman ng anak kong si Alejandro. Napahimas ako sa batok ko. Wala na akong maisasagot sa tanong nila. “M-May nakalimutan kasi siyang kunin doon sa office.” Rason ko. Nagpunas ako sa noo ko. May butil-butil na pawis. Parang mga inspector ang mga anak ko dahil sa klase ng mga tanong nila. Mukhang hindi ako makakapaglihim sa kanila. “Strange.” Tipid na wika naman ni Phille. “Good morning mga Kuya!” Bati ni Samuel sa kambal nang dumating sila. Hinagkan ng mga kuya nila ang pisngi ng mga kapatid. Malambing sila sa mga nakababata nilang mga kapatid kaya natutuwa ako sa mga panganay ko. Hinagkan ng kambal ang pisngi ko. Pagkaupo ng dalawa ay napasulyap ako sa kamao ni Leandro na may benda at may mantsa ng dugo. “Anak, anong nangyari riyan sa kamao mo?” Ibinaba niya ang kamay na nasa ibabaw ng lamesa. “Nag-practice po ako ng boxing kagabi. Hindi ko natamaan ‘yung punching bag kay tumama po sa kahoy ang kamao ko.” Sabi nito. Titig na titig ako sa kamao niya. Mukhang namamaga ang mga kamao niya. “May laban po kasi siya sa school kaya todo practice niya.” Singit naman ni Lessandro. Ang alam ko ay sumasali sa ganoong sports ang anak ko. Minsan ay nag-uwi ito ng medal. Ang sabi niya ay nanalo raw siya sa boxing tournament. “Mag-ingat ka, anak. Mamaya i-check ko ang sugat mo at baka ma-infection. Hindi puwedeng bendahan mo lang ‘yan nang hindi mo nilalagyan ng gamot,” sabi ko. Napangiti ang anak ko. “Mom, I am fine don't worry, okay? Ako ang dapat mag-alala sa iyo.” Makahulugang wika ni Leandro. “Ayos naman ako. Kain na at baka ma-late pa kayo sa school.” Sabi ko na lang. Habang kumakain hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Leandro. Nahihiya ako sa mga anak ko dahil sa nangyayari sa amin ng kanilang ama. PHILIPPE NAPASAPO ako sa noo. Pakiramdam ko ay parang pinukpok ng martilyo sa sakit ang ulo ko. Paanong hindi sasakit, napadami ang inom ko kagabi. Madaling araw na natapos ang inuman namin ng mga kaibigan ko. Nag-message na lang ako sa sekretarya kong late akong papasok. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding. It's already 10:00 AM. Pumunta ako ng bathroom upang maligo. Pagkababa ko nang hagdan naabutan ko si Alessandra na nagluluto ng tanghalian. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya ko mula sa likuran. “Hon, gusto mo ba ng kape?” Nakangiting tanong ng asawa ko. I nodded. I needed coffee to relieve the pain in my head. “Saan ka nanggaling kagabi at inumaga ka na ng uwi?” Tanong nito Sumalubong ang kilay ko. “It’s none of your business kung saan man ako pumunta kagabi. Huwag mo akong pinapakialaman kung ano’ng ginagawa ko sa buhay ko. Do your job as my wife and mother of our children; don't meddle in my personal life outside the home.” Nagulat si Alessandra sa sinabi ko. Gusto kong bawiin ngunit mas nangibabaw ang inis ko. I just want to have fun. Masama na ba iyon? Nagsasawa na ako na palaging iisang lugar lang ang pinupuntahan ko-bahay at opisina. I needed a night life. Hindi na lang siya ang lagi kong nakakasama. I needed a friend to hang out with in order to have fun. “P-Pasensya ka na.” Hindi na ito muling nagsalita pa. She just prepare my food. Pagkapasok ng office ko ay nasalubong ko si Calixta ang babaeng nakilala ko last week doon sa bar na lagi naming pinupuntahan ng mga kaibigan ko. “Hey, what are you doing here?” I asked her. “My Dad is working here in this building,” aniya. “Oh really? Anong name ng Daddy mo?” I asked her. “Froilan Garcia. Actually, he’s expecting me now. May ibibigay lang ako sa kanya.” Itinaas nito ang supot na dala niya. Napangiti ako. “You're such a sweet daughter. I know your Dad personally. Actually, he worked here as Vice President of my company.” Namilog ang mata ni Calixta dahil sa sinabi ko. Wala kasi akong nabanggit sa kanya about sa buhay ko. I was there to have fun not to talk about my personal life. “You are his boss? Hindi ko po inaasahan!” Anito na tila hindi makapaniwalang boss ako ng ama nito. Natawa ako sa sinabi niyang po. Well, malamang ma-po ako dahil bata pa naman siya. She was only 23 years old.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD