EPISODE 1

1138 Words
ALESSANDRA NAPANSIN ko ang pagbabago ni Philippe magmula nang dumating sa isang out of town meeting sa isang investor. Hindi ko naman tinanong sa asawa ko kung babae o lalaki ang naging kasama niya roon. Kailan lang natapos ang kaarawan ko. Sinorpresa ako ng asawa at mga anak ko. Simple lang iyon na pinagluto nila ako ng umagahan. Sobrang saya ng naramdaman ko sa mga sandaling iyon dahil sa ginawa nila. Ganoon ba talaga kapag sobrang saya ay may kapalit na kalungkutan? Nagkaroon ako ng agam-agam dahil ramdam ko ang panlalamig sa akin ni Philippe. Gusto kong iwaksi ang isipang baka meron ng ibang babae ang asawa ko, kaya ganoon na lang ang pagbabago niya sa akin. Sino ba ang hindi mapapansin ang kilos niya? Ibang-iba na ang trato niya sa akin. Napatingin ako sa salaming nasa harapan ko. Malaki ang ipinagbago ng katawan ko magmula nang manganak ako. Nadagdagan ang timbang ko nang hindi ko namamalayan. Naging busy ako sa pag-aalaga sa mga anak ko at kay Philippe, na pati ang sarili ko ay nakalimutan ko na. Wala naman kasi sa akin noon na kahit tumaba ako ay ayos lang. Pinanghawakan ko kasi ang sinabi sa akin ni Philippe na kahit tumaba ako ay mahal niya pa rin ako. Sexy pa rin daw ang tingin niya sa akin. Napasulyap ako sa buhok ko na lagi kong tinatali. Hindi ko na nga magawang magpunta sa parlor para magpagupit. Nagbuntonghininga ako. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Napalingon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Philippe. “Hon!” Bati ko. Napatingin lang sa akin si Philippe na pinagtaka ko. Gayon pa man binalewala ko ang naging reaksyon nito. Lumapit ako sa kaniya at saka hinagkan ang pisngi nito. Wala siyang naging reaksyon sa ginawa ko. Dumiretso lang ito papuntang bathroom. Takang napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. Dati hinahagkan niya ang pisngi ko o di kaya naman ay maglalambing siya. Pero ngayon ay iba. Hindi ko mawari kung ano'ng problema niya sa akin. Lumapit ako sa pinto ng bathroom. “Hon, ipaghahain na kita, ha?” sabi ko. Hindi siya sumagot. Lumabas na lang ako ng silid. Pagkasara ng pinto ay nakita ko si Leandro na nakatayo sa harapan ng pinto ng silid nito. Seryosong nakatingin sa akin. “Nandiyan ka na pala, Leandro. Nasaan ang kakambal mo?” Tanong ko sa kaniya. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi. Binata na ang anak ko. They are now 16 years old. Kailan lang ay baby pa sila. “He was in his room.” Walang ganang wika ng anak ko. I smiled. “Maghahain na ako nang makakain ninyo mukhang gutom ka na,” sabi ko sa aking anak. Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako ng isang tanong. “Why Mom?” Nangunot ang noo ko. “What do you mean why?” Nagtataka ako sa kinikilos ng anak ko. Kagaya ni Philippe nag-iba ang anak ko. Naging aloof na siya sa amin lalo na sa Daddy niya. I don't know why? Hindi kaya dahil binata na sila kaya hindi na sila kagaya ng dati na malambing at palaging nasa tabi namin? “Bakit nagtitiis pa kayong makisama kay Daddy. He's just hurting you, he’s not worth to be with you.” Naging matapang ang mukha ni Leandro. I gulped. May alam na kaya siya sa panlalamig ng ama? “Anak, mahal ko ang Daddy niyo. Alam kong busy lang sa trabaho kaya wala na siyang. . .” Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto, iniluwa niyon si Philippe, nakabihis na ng pantulog. Napatingin si Philippe sa anak namin. Nakipagtitigan nang masama si Leandro kay Philippe. May alam na ba ang anak ko sa nangyayari sa amin ng kanilang ama? Kaya ganito ang trato nito sa kanya? “Sumabay ka na sa amin anak.” Pag-anyaya ko sa kanya. “I don't want to eat.” He said then turned away from us. Napatingin ako sa anak kong pumasok sa silid nito. Ano'ng nangyayari sa amin? “I will work in the library, pakidala na lang doon ang pagkain ko.” Utos ni Philippe sa akin. Napapansin kong hindi na niya ako tinatawag na hon. Pinagsawalang bahala ko iyon, pero this time wala na talaga. Kung puwede nga lang pangalan ko ang banggitin niya ay yun ang babanggitin niya. “S-Sige.” Napasulyap ako sa silid ng anak ko. May problema kaya ang anak ko? Sa sobrang busy ko sa bahay hindi ko na sila nakakausap ng sarilinan. Hinanda ko ang pagkain ni Philippe. Papasok na sana ako sa library nang marinig kong may kausap siya. Nagkakatawanan pa sila. Babae ang kausap niya. “Hon, ito na ‘yung food mo,” sabi ko. Napalingon si Philippe. “Ilapag mo na lang diyan,” sabi nito at saka hinarap muli ang kausap sa cellphone. May kausap ito through videocall. Inilapag ko ang tray at isa-isa kong nilagay sa lamesa ang pagkain ng asawa ko. Hindi ko maiwasan mapasulyap sa cellphone na hawak ni Philippe. Nakita ko ang kausap niyang babae. Maganda ang babae at mukhang sexy base sa suot nitong damit na kita ang balikat. May mahabang buhok na kulay brown. May kaputian ang babae. Nanliit ako sa sarili ko. Hindi na ako balingkinitan at mas lalong hindi na ako maganda. Nagse-self pity na ako na hindi ko naman dapat ginagawa. Tumalikod na ako nang magsimulang mangilid ang luha ko. Ayaw kong makaramdam ng ganito. Sa labing apat na taong pagsasama namin ay ngayon ko lang naramdaman ang panliliit sa sarili ko. Hangga't kaya kong kumapit para sa mga anak ko ay kakapit ako. Sila ang dapat paghugutan ko nang lakas. Kahit nasasaktan na ako nang sobra sa pakikitungo niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. Nagising ako na walang katabi sa kama. Napakunot noo ako. Napasulyap ako sa orasan naming nakasabit sa dingding. Alas dos ng madaling araw. Hindi pa natutulog ang lalaking ‘yon? Bumangon ako para tingnan siya sa library. Kinuha ko ang pamatong ko sa pantulog ko. Pinuntahan ko ang library, pero walang tao. Nandoon pa ang pinagkainan na may kaunting tira pa. Kinuha ko para ibalik sa kusina. Lumabas ako para i-check ang sasakyan ni Philippe. Umawang ang labi ko dahil wala roon ang sasakyan. Saan naman pupunta sa ganitong dis-oras ng gabi ang asawa ko? Malamang pinuntahan ang babae niya. Singit ng isip ko. Ayokong mag-isip ng negatibo. Ayokong pag-isipan ng masama si Philippe. Nagbago siya at nanlamig, pero naniniwala ako na hindi niya magagawang maghanap ng iba at ipagpalit na lang kami. Nag-init ang sulok ng mata ko. Hindi ko maiwasang kabahan na baka nga meron na siyang iba. Tumulo ang luha ko at nanginginig ang kamay kong napakapit sa hamba ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD