Chapter 6: The agent & The Doctor Mission

1550 Words
Nagulat si Sebby ng makitang may paparating na babae sa kaniyang direksyon. Noong una, akala ay naliligaw lang ito ngunit habang papalapit ito ay palinaw rin nang palinaw ang mukha ng babae. "Felicity?" bulalas sa kawalan ng makilala ang babaeng kanina pa tinitignan.  "Hey babe!" malakas na sigaw nito na tila ba walang nangyari. Na tila ba sila pa rin kahit hiwalay na sila. Hinintay lang niya itong makalapit sa kaniya. Magsasalita na sana siya nang bigla siyang sinunggaban nito ng halik at yapos. Hindi niya napaghandaan kaya hindi na siya nakaiwas.  Ilang segundo ang lumipas nang ganap na makapagsalita siya. "Anong ginagawa mo rito!" aniya sabay baklas sa braso nitong nakapulupot sa kaniyang may leegan. "Ohhhh, wait!" himutok nito nang magawang baklasin ang braso nito. "Dinadalaw  lang kita,” dagdag pa nito. Napangisi siya sa sinabi nito. "I'm well and good. Makakaalis ka na,” malamig na wika. "Sebby please. I'm so sorry. I know, I'm a little but childish but please forgive me. Na-shock lang ako at that time,” sumamo nito pero desidido na rin siyang huwag nang makipagbalikan rito.  Alam niyang kapag ito ang napangasawa niya. Mamamatay siya sa palad nito without lending any help. Napatunayan na niya iyon minsan na halos kumitil sa buhay niya pero he forgive her dahil mahal niya ito pero ang ipagpalit siya sa iba at harap-harapang hamakin ang hindi niya mapapalampas. "I'm sorry Felicity. We're done at ikaw mismo ang tumapos noon,” malamig pa rin wika saka nagsimulang humakbang papalapit sa mga trabahador niya. Habang papalapit sa mga ito ay partikular na napatingin siya kay Miles. Kumakain ito ng nilagang saging. Akala niya ay hindi sumunod si Felicity pero nasa likuran lang pala niya ito. "Please Sebby. I still love you. Balikan mo lang ako, gagawin ko ang lahat,” pagsusumamo pa rin nito na tila hindi nahihiya sa mga taong naroroon. "Stop it Felicity. We're done." Ulit niya rito ngunit naging aggresibo ito at muli ay hinalikan siya sa harap  ng mga naroroon. Umakyat na yata ang dugo niya sa ulo at hindi napigilang itulak si Felicity at napaupo ito. Maging siya ay nabigla sa nagawa. Hinawakan siya nito sa paa at nagsusumamo. Tila batang paslit na nagsusumamong pagbigyan siya. Pagtaas niya ng tingin ay ang pares na mata ni Miles ang kaniyang nakita. Hindi maarok kung ano ang iniisip tungkol sa kaniya. Yumukod siya at tinayo si Felicity. "I am sorry. You're the one who ended this relationship. I love you but you turned that love into hatred. You're forgiven but sorry, there's no more us!" deretsahang wika saka naglakad papalayo sa lahat. Naiwang natitigilan ang babae.  Lahat sila ay napatigil gawa nang pangyayaring iyon. Natapos noon ay hindi na nakita ni Miles si Sebby. Hindi na kasi bumalik ito mula nang umalis ito. Kasama ang babaeng bisita. Natapos ang pag-aani ng maghapon at walang Sebby na bumalik. Sa maghapong iyon ay may ilang taga roon na nakilala niya at naging kaibigan. Lalo na si Moises at ilang kadalagahan na nakigapas. Inimbitahan siya ng mga ito dahil birthday daw ng anak ng isa. Nahiya naman siyang tumanggi kaya napa-oo siya sa mga ito.  "Sa linggo ha, aasahan ka namin,” ang paalala pa ni Marilou. Ang isang taga nayon na nag-imbita sa kanila. "Susunduin ka na lang nitong si Moises para hindi ka maligaw," anito na tila botong-boto kay Moises. Kanina pa kasi nila ito inaasar sa kaniya. Kahit hindi siya pabor sa pag-iwan ng Maynila ay natuwa na rin siya dahil kahit papaaano ay nakita ang kabilang side ng buhay. Masaya rin pala ang mabuhay sa simpleng buhay sa probensiya. Ngunit bukod doon ay sumisiksik sa isipan kung nakipagbalikan pa si Sebby sa babaeng halos maglumuhod dito. Sabado ay abalang-abala ang mga kasambahay ng mga Artajo. Ngayon kasi ang gagawing medical mission ni Sebby at ang kaibigang si Craig sa kanilang munting bayan. "Hello Craig," tawag sa kaibigan sa kabilang linya. "Hel—lo! Choppy ka choppy ka!" magkandaugagang wika ng kaibigan sa kabilang linya. "Hello! Hello! Nasaan ka na? Don't be late kung hindi ay uupakan kita!” banta rito. "Yeah right. On my way, dude. Bakit ba tila atat na atat ka?” saad ng kaibigan na nagtataka dahil sa pangungulit rito. Hindi siya umimik. "Basta! Bilisan mo at naririto na ako. Binababa lang nila ang ilang medical supply sa baranggay hall,” aniya rito saka nagpaalam. Kahapon ay nakausap na niya ang punong baranggay na maghahanap ng ilang volunteer na tutulong at aasiste sa mga magpapa-check-up.  Nang ganap na maibaba ng mga katiwala ang ilang medical supply ay dumating na rin ang kapitan. Magiliw siyang kinamayan nito at tinuro ang ilang kababaihan na tutulong daw sa kaniya. Medyo nadismaya siya dahil wala roon si Miles. Hindi niya alam kung bakit tila nais niyang makita ito. "Dok, nakapila na po ang mga tao. Sabihin niyo lang po kung magsisimula na tayo,” wika ng babaeng nagboluntaryong aasiste. Ngumiti ito ng matamis na tila ba nagpapa-cute sa kaniya. "Yeah sure, thanks. Hihintayin lang natin konti ang kaibigan kong doktor,” tugon rito nang saktong marinig ang ugong ng sasakyang paparating. Napangiti siya ng makitang ang sasakyan ni Craig iyon. "Hey! Hey! Hey what’s up yoh! Magandang umaga sa inyong lahat,” bati nito na masayang-masaya na dinaig pa ang lalaban sa pagka-mayor. Kumaway-kaway pa ito. "Hey dude,” saka baling nito sa kaniya matapos makipag kamayan sa mga naroroon. Napailing na lamang sa kaibigan. Guwapo ang kaibigan at malakas ang karisma kaya ang ilang kababaihan ay tila kinikilig din. "Simulan na natin," aniya rito. "Sure,” anito matapos ipatong ang white doctor gown sa suot na damit saka nag-mask at nagsuot ng gloves. Isa-isa nang sumalang ang mga magpapa-check-up. Kahit papaano napapangiti siya sa mga taong naroroon. Kahit ang ilan ay may pagdududa sa kanilang pamilya. Matagal na niyang alam iyon, minsan na rin siyang naimbitahan sa presento dahil sa isang tip na isa daw siyang drug user and worse drug dealer. Na ang pagiging doktor daw niya ay isang front sa malawakang pagbibinta ng bawal na gamot sa lalawigan. Halos dalawang araw nang nanghihina at nilalagnat si Miles mula ng nakigapas sila. Hindi yata kinaya ng katawan niya pagbubukid. Dalawang araw na rin siyang nakakulong lang sa bahay ng yaya Belinda niya. Uminom na rin siya ng gamot. Kahit papaano ay gumaan-gaan na rin ang pakiramdam niya. Narinig nga niya sa mga kapitbahay nila ang medical mission ni Sebby. Sa katunayan ay isa siya sa sinabihan ni kapitan na maging volunteer assistant pero ang yaya Belinda niya ang tumanggi dahil masama ang pakiramdam niya. Bandang alas onse nang bumalik sa bahay nila ang yaya Belinda niya matapos maglako ito ng kakanin. "Anak, magbihis ka,” utos nito sa kaniya. "Ha?! Saan po tayo pupunta 'Ya?" tanong rito. "Sa baranggay hall. May medical mission doon para ma-check-up ka,” tugon nito. Nang marinig iyon ay agad siyang tumanggi. Ayaw niyang mapalapit siya kay Sebby. Bigla ay napaisip siya. Bakit ayaw niyang mapalapit dito eh ito ang target niya. Dapat niyang mas makilala ito. Naiiling siya sa sarili dahil nawawala sa isipan ang misyon. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi ng yaya. Nagbihis na siya at sumama rito. Mabigat man ang pakiramdam pero kailangan niyang kumilos para matapos ang kaniyang misyon. Halos buong baranggay yata ay naroroon. Mayroon din kasing feeding program habang sa gilid ay may dalawang guwapong lalaking doktor. "Dali na anak, pumila ka na,” utos ulit ng yaya niya na tila ba isa siyang batang paslit. Dalawang pila iyon para sa dalawang doktor kaya naisipan niyang pumila sa pila papunta sa isang doktor hindi kay Sebby. Alam niyang hindi pa siya nakikita nito. Inaral niya ang bawat galaw nito pero wala siyang makitang kakaiba. 'Kung ang doktor na ito ay may ibang katauhan bakit gustong-gusto siya ng mga tao?’ mga tanong sa kaniyang isipan. Mga apat na lang na pasyente ang nasa harap niya ay siya na. Mataman siyang nakapila nang mapatigil ang doktor na nasa harap nang makita siya. Maya-maya ay nagbawi ito ng tingin at pasimpleng tinapik ang kaibigang doktor. Dahilan para tumingin si Sebby. Tumingin lang ito at blangko ang mukha. Saka bumulong sa kaibigan. Ngumiti ito saka tinuloy ang ginagawang pag-check-up. Matapos ang tatlo sa harap niya at siya na ang umupo sa upuan nang maya-maya ay nagpaalam ang doktor na dapat ay aasiste sa kaniya magbabanyo lang daw. Hanggang sa humarap sa kaniya si Sebby. Muli ay nagtagpo ang mga mata nila. 'Miles, relax!' suweto sa sarili. Nilagay ni Sebby ang estetoscope sa tainga at tinapat sa dibdib niya. Ang lakas ng kaba sa dibdib at hindi malaman kung bakit ang dating ng lalaki sa kaniya. Lalo pa nang makitang nakatitig lamang ito sa kaniya habang tinatapat ang stethoscope sa dibdib niya.  "Doktor ka ba talaga? Hindi naman diyan ang puso ah. Sa kabila?" aniya sa lalaki.  Imbes na mainis ito ay ngumiti pa ng ubod tamis. Dahilan upang lumapas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin.  "Sinusubukan ko lang Miss. Akala ko kasi lumipat na ang puso mo sa sobrang kaba,” anito na tila nang-aasar pa. Mas lalo tuloy siyang napakunot-noo at nainis sa lalaking nasa harapan.  ‘Kung hindi ka lang guwapo kanina pa kita binanatan,’ aniya sa isipan ng makitang mas tumiim ang titig nito. Agad siyang nag-iwas. "Are you annoying me?" hindi niya naiwasang saad, with her British accent. Noong buhay pa ang mga magulang ay sa isang international school siya pumapasok. Elementary hanggang high school kung kaya’t marunong siya at bihasa sa lenguwaheng english na may accent. Nakitang napatigil ang lalaki sa kaniya. Doon lang din niya naisip ang misyon niya. 'Miles! Mabubuko ka talaga sa katangahan mo,’ gigil sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD