Napatigil si Sebby nang marinig ang sinabi ng babae. Hindi sa salitang binitawan nito kung kung paano niya binigkas ang mga salitang iyon. Hindi ito basta-basta at batid niyang galing ito sa pribadong eskuwelahan o galing ito sa bansang iyon. Hindi siya maaaring magkamali, she has a British accent. "Ahhh! Ahhh—atchoooo!" Bahing ni Miles. Hindi niya napigilang mabahing. Nahiya tuloy siya sa lalaking nasa harap. Kaya agad na tinakpan ang mukha. "Bless you,” anito sa kawalan saka tila bumalik na ito mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti na lang si Miles kahit papaano kasi ay na-distract ito. Alam niyang hindi nakaligtas dito ang pagsasalita niya ng kaniyang British accent. "Thank you,” nahihiyang tugon dito. "Mukhang nilalagnat ka yata?” anito matapos siyang kuhanan ng temperature. N