Chapter 5: The Stolen Stares

1547 Words
Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa lalaki. Hindi niya tuloy kung alam ang gagawin, mabuti na lamang at naroroon si Moises. Ngunit kung kailang makakaiwas na sana sa nakakapasong titig ng lalaki ay maramdaman ang pagsilid ng sakit sa kaniyang kamay. "Ouchh!" aniya nang makitang nadugo na pala ang kamay dahil aksidenteng nahiwa gawa ng gamit na panggapas ng palay. "Okay ka lang ba? Sabi ko sa'yo na mag-ingat ka kasi matalas ang hawak mo lalo pa at hindi ka pa sanay," alalang wika ni Moises habang hawak nito ang kamay niya. Ngumiti siya ng matamis sa lalaki. "Ano ka ba? Maliit lang na sugat ito," aniya nang makabawi para hindi na mag-alala. "Nabigla lang ako kaya medyo napahiyaw ako,” turan saka ngumiti at bumaling sa iba. Ngunit tila gustong magsisi sa ginawang pag-iwas sa tingin ni Moises dahil kay Sebby naman siya hindi nakaligtas. Hindi malaman kung bakit tila namamagneto siya sa lalaking pakay. Blangko ang ekspresyon ng mukha. Hindi alam kung ano ang nasa isip nito kung galit ba o naiinis o wala lang pakialam. Muli ay hindi alam kung papaano babawiin ang titig rito nang marinig niya ang tinig ni Moises. "Oh ayan. Tinalian ko na. Pagbalik niyo sa bahay niyo, lagyan mo agad ng betadine para mabilis maghilom,” saad ni Moises. "Salamat,” ang nahihiyang pasasalamat rito. "Wala iyon. Maghakot na lang tayo ng palay," anito sa kaniya at hinayaan na ang ilan na maggapas at hahakutin na lang nila ang palay na ginagapas ng mga ito. Napatayo siya sa pagkakayuko. Masakit ang likod niya sa ilang minutong pagkakayuko. Naptingin siya sa dako naroroon ang yaya Belin niya. Sa edad nito ay maliksi pa rin itong kumilos. Naisip tuloy niyang napakahirap pala ang ginagawa ng mga magsasaka makapaghatid lang ng kanin sa hapag-kainan. Tuluyang pumatak ang alas diyes. Tirik na tirik na rin ang araw. Doon ay naramdaman ni Miles ang pagod. Si Moises ay tinawag ng isang matandang lalaki na magbuhat na rin ng kaban ng palay kaya naiwan siyang maghakot ng palay na kakaani kasama ng ilang kababaihan. "Naku Belinda, mukhang type ni Moises itong dalaga mo ah. Sabagay bagay naman sila ni Moises. Guwapo naman at malapit nang maging enhinyero ‘di ba?" tinig ng isang ale sa ‘di kalayuan. "Naku, Sianang. Aba! Mag-ani na lang tayo at mamaya ay magmemeryenda na tayo. May dala akong nilagang saging." Pang-iiba naman ng kaniyang yaya Belinda. Napatigil siya sa paghahakot at napatanaw sa ilang magsasaka na naroroon. Inikot ang paningin kung gaano kalawak ang lupain na iyon, ang magsasakang walang kapaguran sa pag-aani. Inayos niya ang kaniyang pagkakatayo at sinulyapan ang kaniyang yaya Belinda. Sa hitsura nito ay tila nakita ang kalagayan ng bawat magsasaka.  Hindi siya mahinang tao ngunit sa pagkakataong iyon ay kusang tumulo ang luha niya. Agad na pinahid at suminghot-singhot. "Kaya mo ito Miles. Huh! Ang hirap palang maging mahirap,” aniya sa sarili. Kanina pa naiinis si Sebby sa nakikitang pagiging malapit ni Moises sa babaeng kasama kagabi. Ilang beses na sinabing huwag na niyang papansinin ang mga ito ngunit hindi niya mapigilang hindi mapalingon at saktong nagtaas din ng tingin ang babae dahilan upang magtama ang kanilang paningin. Nakitang unti-unting napalis ang ngiti sa labi nito saka muling nagbaba ng tingin.  Gayun pa man ay minabuti na lamang niyang tumulong sa ilang kalalakihang nasa makina upang mas mapadali ang nga ito. Habang hawak ang makina ay nagsimulang manginig ang buong katawan niya. Agad siyang napalingon sa kinaroroonan ng babaeng tinitignan. Habang ito naman ay hawak ni Moises ang kamay nito na tila may tinatali.  Patindi ng patindi ang panginginig ng kamay niya kaya halos hindi niya makontrol ang makina.  "Senyorito, ayos ka lang ba? Ako na muna diyan?" ang nag-aalalang wika ng isang trabahador. Hindi na siya nakipagtalo at mabilis na nilisan ang makina. Lumapit siya sa dalawang taong kanina pa ay hindi mapigilang lingunin. Hawak pa rin ng lalaki ang kamay ng babae ngunit biglang bumaling sa kinaroroonan niya ang babae dahilan upang mabilis na itago ang kamay na nanginginig. Nagkatitigan sila. Ngunit mabilis siyang tumalilis patungo sa silong ng punong mangga. Ramdam na niya ang panginginig ng kamay, paa at maging ang buong katawan niya. Sa likod ng malaking punong mangga ay inabot ang kaha ng sigarilyo. Nanginginig man ay pinilit sindihan iyon upang humupa ang panginginig niya. Matapos ubusin ang sigarilyo ay napaupo na muna siya saka sinapo ang ulo. Gustong umiyak sa kaniyang kalagayan. Doktor siya pero maging siya ay hindi kayang lunasan ang kaniyang karamdaman. Hanggang ngayon ay walang malinaw na gamutan sa karamdaman meron siya. Mga sampung minutos din siyang nakaupo at sapo ang ulo nang muling mabawi ang lakas. Malapit na ring magmeryenda ang mga ito kaya tumayo na siya ngunit paglabas niya sa pinagkukublihan ay nakita ang nakatalikod na babae. Tumayo na muna siya at pinagmasdan ito. Napangiti siya. Hahakutin sana niya ito ang nasa paanang kumpon ng inaning palay ayon sa ayos nito pero tumayo ito at pumangaywang saka nilibot ang paningin nito sa buong paligid.  Nakitang tinignan din ang mga taong naroroon hanggang sa mapa-sideview ito sa gawi niya. Matiim ang titig nito sa kumpol ng kababaihang nasa kabilang panig kasama ang inang nito. Maya-maya ay nabigla siya ng makitang lumitaw ang butil sa mata nito at inayos ang pagkakatayo nito. Doon ay naisip niya ang ginawa nito kagabi. 'Ayaw na ba niyang maghirap kaya pati pagiging escort ay pinasok na?’ tanong niya sa isipan.  Maya-maya ay agad din nitong pinahid ang luha nito. Muli niya itong tinignan. Sa kilos at galaw nito ay mukhang mayaman naman. Idagdag pa ang kutis nito na tila hindi naman nakaranas ng hirap. Nilapitan niya ito ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay narinig niya ang binulong nito. "Hay, ang hirap maging mahirap!" dinig na wika nito. "Hindi naman. Mahirap man at least masaya. Mas mahirap ang taong maraming pera dahil hindi kayang bilhin ng pera ang kasiyahan lalo na unti-unti kang ginugupo ng karamdaman. Aanhin mo ang pera kung hindi naman kayang bilhin nito ang gamot ng iyong karamdaman,” tinig buhat sa likuran ni Miles. "Anak ng—” agad siyang napalingon at nakitang naroroon pala si Sebby. "Bakit ka nanggugulat?!” aniya sabay sapo sa dibdib niya. Ngumiti si Sebby. "Relax lang."  "Ikaw kasi, para kang kabute. Bigla-biglang nasulpot,” aniya ngunit nasa isip pa rin ang matalinghagang sinabi nito. Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nito. "Sorry, narinig ko kasi ang sinabi mo kaya hindi ko maiwasang magkomento,” natatawang wika ni Sebby lalo pa at kita sa mukha ng babae ang gulat sa pagdating niya. Bumuntong-hininga siya.  "Mukhang hindi ka naman sanay sa bukid. Bakit naririto ka?" hindi mapigilang itanong ni Sebby. Hanggang ngayon ay hindi niya malaman kung papapaano ito nakapasok ng kanilang bahay. Umilap ang mga mata ni Miles. Mukha kasing sa tono ng lalaki ay hindi pa rin naniniwala sa tunay na motibo ng kaniyang pagpunta sa bahay nila. "Ah! Eeh! dinadalaw ko lang si inang,” pagsisinungaling niya na saad dito. “Well, mukha ka kasing hindi sanay sa bukid,” saad pa ni Sebby dahil gusto pa niyang makausap ang babae. Ewan ba niya pero gusto niyang malaman kung sino talaga ito. Nakita ang mapanuring tingin nito sa kaniya. 's**t! Ganito ba talaga tumingin ang lalaking ito. Nakakainis!' aniya sa isipan. Tila matutunaw siya sa tingin nito lalo pa at iba ang tama ng mga tingin nito sa kaniya. Hindi maiwasang mapalunok mas lalong nanuyo yata ang kaniyang lalamunan. "Narito ka lang palang bata ka!" tinig sa kanilang likuran. Ang kaniyang yaya Belinda iyon. "Ah senyorito kayo po pala?" anito ng mapansing naroroon din pala si Sebby. "Ah opo Manang Belin. Nag-uusap lang kami nitong si—” putol na wika dahil hindi maalala ang pangalan ng babae. "Ah inang, bakit niyo po pala ako hinahanap?” agap na wika ni Miles. "Miles?!" agaw na tawag ng baritonong tinig. Si Moises iyon. 'Miles,' ulit ni Sebby sa kaniyang isipan. "Oh Moises, anong meron?" tanong agad niya sa lalaki upang makalayo na kay Sebby. "Halina at magmeryenda na tayo. Senyorito, mauna na muna kami,” paalam ng kaniyang inang sa lalaki na kinatango naman nito. Nakatapat na siya kay Moises ngunit nilingon pa ang iniwang lalaki. Nakatayo pa rin doon at nakatingin din sa kanila. Sumama na sila ni Moises sa kaniyang inang na nagpatiuna na ng paglalakad sa kumpol nang kababaihang nagsisimula nang magmeryenda. Agad siyang binigyan ng yaya Belinda niya ng nilagang saging at kape na tinimpla nito.  "Salamat po."  "Miles, may suman palang ginawa si nanay. Tikman mo,” ani naman ni Moises na asikasong-asikaso siya dahilan para tuksuhin sila ng ilang mga kasama. Ngumiti siya rito at nagpasalamat. “Naku! Mukhang tinamaan itong future engineer natin sa anak mo Aling Belin,” tudyo ng ilang kalalakihan. Natawa ang yaya niya sabay tingin sa kaniya. Naiilang tuloy siyang ngumiti at naka-ride sa tuksuan ng mga ito. Masayang nagkukuwentuhan ang lahat habang nagmemeryenda ay hindi niya maiwasang mapalingon sa pinag-iwanan kay Sebby. Nakitang naroroon pa rin ito at nakatayo. Hanggang sa ‘di kalayuan ay nakitang may babaeng papalapit sa kinaroroonan nito. Lahat sila ay napalingon sa babaeng papalapit kay Sebby. Maganda ang babae pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napalingon lahat ang mga naroroon. Naka-dress kasi ito na tila pupunta sa isang kasiyahan sa gitna ng bukirin.  Kumakampay ang bawat kamay nito sa pagbalanse sa katawan dahil naka-heels ito ng sandalyas at nang marating ang kinaroroonan ni Sebby ay nagulat siya ng makitang niyakap ito ng babae. Ang hindi niya napaghandaan ay ang pagyakap ng babae at paghalik nito kay Sebby. Natulos siya sa nakita at hindi alam kung papaano babawiin ang mga mata sa magkayakap na dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD