"P—pero,” angal pa niya pero muling nagsalita si Sebby. "Do it or kakausapin ko na ngayon si Manang Belinda," anito sabay sulyap sa kinatatayuan nito. Tumitig si Miles dito ngunit pormal pa rin ang mukha at walang balak bawiin ang sinabi. "Okay, fine!" inis na wika saka nagpatianod sa nais nito. Naiinis man pero wala siyang magagawa kundi sumunod sa nais nito kung hindi ay malalaman ng yaya Belinda niya na hindi siya talaga nagpunta roon upang dalawin ito kundi dahil sa kaniyang misyon. At kapag nangyari iyon ay tiyak na magtatampo ito. Mabilis silang bumalik sa kinatatayuan nila Felicity at Craig. Maging si Craig ay nanlalaki ang mata nang masipat ang kamay niya sa baywang ni Miles. Hindi man ito nagtatanong pero bakas sa mata ang lahat ng mga katanungan nito. Idagdag pa ang mapanuring